31. She Who Made Him Tell His Secret.

61 7 2
                                    

The Boy Who Murdered Love.

31.

She Who Made Him Tell His Secret.


Magandang sabihin na pagkatapos kong patayin si Mazy, umalis muna ako sa lugar na 'yun at nagtago sa bahay ng Tita ko. Ayokong manatili sa lugar kung saan pinag-uusapan ang isang babaeng pinatay ko at aaminin ko na mas gusto kong makasama si Juliet.

Pero gusto nga ba ni Juliet na makasama nya ako?

Inalis ko muna sa isip ko ang katanungang iyon. Dahil gustong-gusto kong inaasar ko si Juliet. Para sa'kin, iyon ang pinakamagandang paraan para makakuha ako ng kahit na anong impormasyon mula sa kanya, at gusto ko, at kailangan kong malaman kung ano nga ba ang nararamdaman nya para sa'kin. Kasi kung hindi nya ko mahal, hindi ko sya kailangang patayin.

Isang gabi, habang tulog ang lahat, tahimik akong pumasok sa kwarto ni Juliet, nag-usap kami at nauwi sa pagtatalo tungkol kay Winston at Juliet ng 19841. Pero sa kabilang banda, hindi ko napigilan ang sarili kong hindi sya hawakan nang mapunta ang ilang hibla ng buhok nya sa kanyang mukha, hinawakan ko ito at inilagay sa likod ng kanyang tenga. Pagkatapos nun, nanatili ang kamay ko sa gilid ng kanyang ulo habang nakapulupot ang ilan nyang buhok sa aking mga daliri, at kapwa nagdikit ang aming mga paningin.

"Alam mo ba, binalaan ako ng Tita mo tungkol sa'yo," malumanay nyang bulong sa'kin.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi lapitan ang kanyang muka. "Talaga? Ano namang sinabi nya?"

"Sabi nya, mag-ingat daw ako sa'yo kasi pwede mong kunin ang puso ko. . ."

"'Di naman ako nangunguha ng puso nang walang paalam, mahal ko. Kinukuha ko 'pag binigay sa'kin." At pagkatapos nun, dahan-dahan kong idinikit ang labi ko sa labi nya. Sobrang bilis ng pangyayari at nagulat na lang ako sa naging reaksyon nya. Lumayo sya nang bahagya sa'kin at tiningnan ako nang may magkahalong gulat at takot.

"Sorry, Aero. Hindi ko kaya. . . Hindi ko. . ." sambit nya habang tinatakpan nya ang kanyang bibig.

"Sshh. 'Wag kang mag-alala, ayos lang. Kung wala ka talagang nararamdaman para sa'kin, naiintindihan ko." At sabihin mo sa'kin na hindi mo ko mahal. Pakiusap, sabihin mo sa harap ko na hindi tayo pareho nang nararamdaman, na hindi mo nararamdaman ang nararamdamang meron ako sa'yo. Pakiusap, Juliet, 'wag mo kong hayaan na patayin ka. Pakiusap, pakiusap. . . Juliet.

Gusto kong sabihin ang mga huling salitang sinabi ko ngunit hindi ko magawa.

"Hindi naman sa ganun, Aero. . . Wala kang kasalanan. . . P-Please, Aero. . . 'wag mong isipin na. . ." Gusto kong mamatay nang makita ko kung pano nya ako tingnan, kung pano sya nasasaktan nang mga oras na 'yun. "H-Hindi ko kaya. . . Ayokong. . . dahil sa kanya, Aero. . . si Papa. . ."

Hindi sya makapagsalita nang maayos. At para sa'kin, hindi na nya kailangan pang sabihin ang mga gusto nyang sabihin. Naiintindihan ko na 'yun. At alam ko kung anong gusto nyang sabihin; na hindi lang siya sinasaktan ng Tatay nya.

Umakyat ang galit sa buong katawan ko. 'Yung galit na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Hinawakan ko siya at niyakap habang tahimik na umiiyak sa mga braso ko, habang binubulong sa kanya ang mga salitang hindi ko alam kung nakakatulong ba na mapagaan ang pakiramdam nya pero kahit papano ay nararamdaman ko naman na nagiging ayos sya.

"Wala pa akong pinagsasabihan ng bagay na 'yun, Aero. . ." Sa huli, inamin nya rin ang lahat habang patuloy pa ring umiiyak. Nakikita ko sa mga mata nya kung gano sya nanghihina at nasasaktan. At hindi ko alam kung anong mararamdaman ko na sinabi nya sa'kin ang bagay na 'yun.

"Gusto mo bang sabihin ko rin sa'yo ang isang bagay na hinding-hindi ko sinasabi kahit kanino?"

Tumango sya.

Alam kong tanga ako na gawin ang bagay na 'yun. Sa mga oras na 'yun, naisip ko na hindi dapat tungkol dun ang sinabi ko. Dapat sinabi ko sa kanya na isa akong walang pusong nilalang, na hindi ko deserve ang mahalin, na dapat namatay na lang ako, na isa akong mamatay-tao. Pero hindi ko kayang sabihin sa kanya. . . At hindi ko sinabi 'yun sa kanya. Ang gusto kong sabihin sa kanya ay 'yung bagay na nasa loob ng konsensya ko sa mahabang panahon.

"May nakakatanda akong kapatid," Nagsimula akong magkwento, pahina nang pahina ang boses na ginagamit ko. "Siya 'yung masasabi kong naging buhay ko nung bata pa ako. Lagi syang nasa tabi ko at sobrang saya ko kapag magkasama kaming dalawa. Pero isang araw, nalaman ko na may pumoporma sa kanyang lalaki. Mahal nya ang lalaking 'yun. Nagpakasal sila at kitang-kita ko na mahal na mahal nila ang isa't isa. Sobrang nag-aalab ang relasyong meron sila. Kahit na sino o ano, hindi sila napapaghiwalay. Sabi ng Ate ko, 'yung araw daw na niyaya siya ng lalaking 'yun na magpakasal ang pinakamasayang araw ng buhay nya. Pero isang araw, unti-unting humina ang apoy na meron sila. Iniwan sya ng lalaki. At hindi 'yun matanggap ni Ate. Umabot sa puntong naging suicidal sya, at maging ang mga kapitbahay namin ay tinatawag na syang "baliw." Hindi na nya kayang mabuhay. At. . . pinutol nya ang lahat ng koneksyon nya sa lahat ng bagay. Hindi na sya ang kapatid na kilala ko. Hindi na sya ang Ate ko. Paulit-ulit nyang sinasabi na mas maganda siguro kung pinatay nya na lang lalaking 'yun. Oo, nagalit ako nang sobra, hindi lang sa lalaking iniwan sya, kundi pati sa Ate ko. At simula nun, naniwala ako na walang masayang pagmamahalan. Na napakahirap paniwalaan ang pagmamahal na meron sila. Nag-iba ang tingin ko sa pagmamahal na sinasabi ng mga tao."

Hindi ko inasahan na magsasalita sa Juliet sa oras na matapos akong magkwento, hindi ko inasahan na susubukan nyang pagaanin ang loob ko, pero iba si Juliet.

"Iisang tao lang ang Ate mo, Aero. At kung nangyari man 'yun sa kanya, hindi ibig-sabihin na mangyayari rin 'yun sa'yo."

Tiningnan ko sya. "At hindi lahat ng tao ituturing ka na tulad ng ginawa sa'yo ng Tatay mo, Juliet. Sa totoo lang, wala nang ibang mananakit sa'yo ngayon, at hindi ka na masasaktan pa nya. . ."

Sisiguraduhin ko 'yun.



x

End of Chapter Thirty One.

Thank you for reading!

Author's Note.

Info:

1 1984, is a dystopian novel by English author George Orwell published in 1949. This is about Winston Smith, a clerk in one of Party Ministries; in Ministry of Truth. His job is to change history or simplified; to change written historical documents so they appear just like Party want them to look so they can show that everything what Party ever did was good and what Party is doing now is maybe even better. He met Julia, a young girl who also works in Party, and started a relationship, which is against the rule of the Party. The girls shouldn't feel anything for any other men; only love for Big Brother and Party. Their hidden relationship was caught up and Big Brother punished them: Smith, who has a particular horror of rats, was devoured his face, and in utter desperation, he begged his torturers that they do this to Julia instead. Same thing happened to Julia. She had to face with probably her greatest fear – multiple rapes by Party Members. The Party successfully killed any human emotions in both of them and forced them to betray and deny one each other. Their feelings of love are replaced by greater and purer feelings - love for Party and Big Brother.

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon