04. He Who Was Loved By The Woman.

225 11 11
                                    




The Boy Who Murdered Love

04

He Who Was Loved By The Woman.


Tulad ni Airi, magkalapit lang ang mundo namin ni Bella dahil nakatira sya sa ikalimang bahay mula sa bahay namin. At hindi ko alam na may babaeng katulad niya ang nabubuhay sa mundong ginalawan namin ni Airi.

Masasabi kong bata pa ako para sa ganitong bagay dahil kahit isang taon na ang lumipas, marami pa ring bagay sa mundong 'to ang hindi ko naranasan. Noong kasama ko si Airi, nalaman ko ang pakiramdam ng pagmamahal pero hindi ang pisikal na pagmamahal.

Nakikita ko si Bella sa tuwing humihinto ako sa harap ng bahay nila dala ang bisekleta ko. At sa paglipas ng maraming araw ay ganun ang nangyayari, nginingitian nya ako, nginingitian ko rin sya, hanggang sa lapitan nya na ako, kausapin, hawakan. Nagpapakita sya ng motibo, ngunit umiiwas ako.

Physical love, without the feeling aspect, stood against every single one of my beliefs. Hindi magiging maganda kung hindi ko susundin ang pagmamahal na nakasanayan ko. At hindi tulad ng ibang mga kabataan, kaya kong kontrolin ang urges na nalalaytay sa bawat ugat ng katawan ko. Hindi ko kailangan nun, ni hindi ko nga pinangarap e. Dahil ang tanging gusto ko ay ang pakiramdam ng tunay na pagmamahal; ang maranasan, ang malaman, at maibahagi ito sa ibang tao. Balewala ang hormones na nararamdaman ko.

Pero na-realized ko ang isang bagay, love couldn't be complete without every aspect of it. But still, only physical, walang kasamang emosyonal na nararamdaman.

Kaya panay ang pag-hindi ko kay Bella. Kung susundin ko sya, magiging bawal ang magiging pagmamahalan namin dahil alam naming pareho na mas matanda sya sa'kin. Isa pa, may asawa na sya kahit nasa malayong lugar 'to. It would be forbidden.

Pero napagtanto ko rin na kung susundin ko sya, mararanasan ko ang bagong klase ng pagmamahal na hindi tulad ng naramdaman ko kay Airi. Lalaki ako at babae sya. Bukod dun, alam kong hinding-hindi ko rin ito makakalimutan dahil si Bella ang magiging bago kong pagmamahal. Dahil kailangan kong maranasan ang pagmamahal na ibibigay nya. Kung gusto ko malaman o maranasan ang lahat ng pagmamahal sa mundong 'to, kailangan ko siya. Kailangan ko si Bella.

Alam kong hindi magiging madali ang sitwasyon namin dahil hindi ko alam kung mamahalin nya ba talaga ako.. o kung gusto nya lang maangkin ang kabataang tulad ko? Pero kahit ganun, hindi ko rin naman alam kung mamahalin ko rin ba talaga sya. At kung hindi man magiging matatag ang pagmamahalan namin, if this love wasn't worthy of being remembered, anong gagawin ko? At kung mahalin man namin ang isa't isa, okay na ba 'yun? Kailan ang magiging tamang oras?

Maraming tanong ang bumagabag sa'kin. I mean, hindi tulad ng kay Airi, naging perpekto ang gabing 'yun nang hindi ko pinagpa-planuhan ko... hindi ko plinanong patayin sya.

At ngayong alam ko na na kaya kong gawin ang ganung bagay, natatakot na ako. Magiging masaya ba kami ni Bella? Magagawa ko ba 'to sa tamang oras sa pagkakataong 'to? Natatakot ako. Hindi ko maiwasan ang hindi mabahala.

Pero sa gitna ng pagkatakot ko, at pangangamba, sa huli ay nalaman ko na hindi naman pala masama ang pagmamahalan namin.

Actually, naging maganda naman ang relasyon namin ni Bella. It was quite enlightening, I must say. Marami akong natutunan habang kasama ko sya, marami akong naranasan. Tinuro nya sa'kin ang isang klase ng pagmamahal na hindi ko pa nararamdaman.

At dahil dun, pinatay ko sya . . .





x

End of Chapter Four.

Thank you for reading!


Author's Note:

Sorry, short update. At sorry, natagalan. Hahahahaha.

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon