05. She Who Ran Away with Him.

179 13 5
                                    




The Boy Who Murdered Love

          

05

She Who Ran Away With Him.


Nangyari ang perpektong bagay na pinakahihintay ko kasama si Bella matapos ang mahigit na apat na buwan naming pagkikita at pagsasama.

Hapon nang papuntahin niya ako sa kanila. Dumiretso ako sa garahe ng bahay at gaya ng nakagawian, naabutan ko syang nakaupo at naghihintay sa pagdating ko. Hawak nya ang isang itim na suitcase habang nakatingin sa'kin gamit ang tingin na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita mula sa kanya. Punong-puno ito ng pagmamahal at dedikasyon na animo'y sinasabi nyang wala na akong makikita pang ibang babae bukod sa kanya. At hindi ko inaasahan na sobrang lakas ng pagmamahal na ibibigay niya sa'kin.

Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin, lagi kong nararamdaman ang pag-iwas nya, isinasantabi ang kanyang nararamdaman para sa'kin. Pero ako, hindi. Hindi sa gusto kong mapalapit sa kanya o dahil desperado ko. Hindi ako ganun. Oo, nabubuhay ako dahil sa pag-ibig. That's why my parents named me Aero or Ero. And I wasn't a desperate lover. Just simply a lover.

At nagulat ako dahil hindi ko alam na nahulog na pala ako sa babaeng 'to, dahil sa ugali nya at sa katalinuhan, at syempre sa pagiging expert nya sa mga bagay tungkol sa pagmamahal, the making love . . . Hindi lang 'yun, dahil maraming bagay ang itinuro nya sa'kin. Mahilig syang magbasa ng tula at mga romantikong kwento. She really even amazed me by her philosopher moments, and her mathematician moments, and her novelist moments, and so many others . . . but she had her carefree moments too, moments where she was so fun and full of live, imaginative and loving that I couldn't help myself but be in awe before her. Sobrang daming bagay ang tungkol sa kanya na nakakamangha kaya hindi mo maiiwasang hindi sya mahalin.

Pero ako? Hindi nya na lang sana ako minahal.

Sana naging ibang lalaki na lang ako.

Pero nang araw na 'yun, na-realize ko na mali palang isipin na sana naging ibang lalaki na lang ako . . .

Dahil nang dumating ako sa garahe ng bahay nila, bigla nyang binitawan ang hawak nyang suitcase at tumakbo papalapit sa'kin para yakapin at halikan ako. Sinabi nya sa'kin ang lahat ng nararamdaman nya. Bumili sya ng yate upang magamit namin palayo sa kinaroroonan naming dalawa. At handa syang iwan ang lahat para lang makasama nya ako, maging ang asawa nya.

Gusto nyang iwan ang lahat para lang sa'kin? Ganun nya ba talaga ako kamahal? Kaya nyang gawin ang mga bagay na 'yun para lang sa pagmamahalan naming dalawa?

Nang sabihin nya ang lahat ng 'yun, alam kong dumating na ang tamang oras. At wala nang mas magiging perpekto pa sa pangyayaring 'yun. Naging possible ang imposible, walang halong biro.

May yate syang inihanda para sa'min at handa syang umalis kasama ako.

Binigyan nya ako ng isang napagandang scenario, isang perpektong scenario. Tama! Umalis kasama sya, patayin sya sa loob ng yate at bumalik sakay ng isang emergency boat— o kaya pwedeng lumangoy na lang ako pabalik.

Sa ideyang iyon ay napangiti ako. Umalis ako kasama sya at binigay ang pagmamahal na hinding-hindi nya makakalimutan. At hindi ko mailarawan kung gaano sya kasaya at walang makakapaglarawan kung gaano kalakas ang pagmamahalang mayroon kaming dalawa.

Maraming bagay ang gusto kong ipagpasalamat kay Bella. Kung wala sya, hindi ako magiging eksperyensado sa pagmamahal na sinasabi nilang ipinangalan nila sa'kin. Naging guro ko sya at mamahalin ko sya palagi dahil dun. Kung wala sya, hindi ko malalaman ang lahat ng bagay na alam ko.

At kung hindi dahil sa mga kaalaman na binigay nya, kung hindi dahil sa mga tinuro nya, hindi ko sya makikilala . . .


x

End of Chapter Five.

Thank you for reading.


Author's Note:

Masyado bang mabilis mga pangyayari? Haha. Sorry, I want it that way.

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon