27. She Who Waited For Him.

52 6 2
                                    

The Boy Who Murdered Love.

27.

She Who Waited For Him.


Ika-labingdalawa.

Ang ika-labingdalawang babaeng minahal ko.

Si Mazy.

Nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko ang pangalan nya.

Anak sya ng isang senador sa bayang napuntuhan ko. At nang makita ko sya isang beses sa balita sa TV, na muntikan na raw syang ma-kidnap dahil sa posisyon ng tatay nya, agad kong naramdaman na gusto ko syang makasama habang-buhay. Katulad ng ibang mga babae, may nakita rin akong kakaiba sa kanya; 'yung malabot nyang buhok, 'yung balingkinitan nyang katawan, mapungay na mga mata, malambot na mga labi, at kagandahan. Alam kong imposible ang mangyaring makasama ko sya kahit man lang sa isang araw. Pero isang araw, nagawa ko ang pinaka-maling galaw na nagawa ko. . . ang pinakatangang bagay na naisip ko sa buong buhay ko.

Napag-desisyunan kong kidnapin sya.

Sa ilang kadahilanan, napaisip ako kung posible nga kaya ang tinatawag nilang Stockholm syndrome1. At sa totoo lang, dapat mas naging marahas ako nang araw na 'yun. Mas naging mas mahaba kasi ang paghahanda ko kesa sa mga araw na nakasama ko si Mazy. Gusto ko kasing maging perpekto ang lahat ng bagay. Ayokong magkamali, kahit alam Nya na magiging mali na ang lahat sa simula pa lang.

At habang naghahanda ako sa mga bagay-bagay, nagpapabalik-balik ako sa bahay ng Tita ko. Na-miss kong alagaan si Loraine kaya inalagaan ko na lang din ang Tita ko—dahil napapansin ko na unti-unti na rin syang nanghihina at kailangan ng tulong, pero kahit papano, may natitira pa rin syang mga lakas para sa mga batang nangangailangan.

Naninirahan pa rin si Juliet kasama ng Tita ko. Lumipas ang halos isang taon at napag-alaman kong labingwalong taon gulang na sya. At napansin ko rin sa kanya na mas muka syang bata kumpara sa edad nya. Nagtataka nga lang ako kung bakit nakatira pa rin sya sa bahay ng Tita ko—pero hindi dahil sa nagrereklamo ako o ayaw ko. Napatanong lang din ako, napaisip. Kahit kasi mas gusto kong nandun sya bahay na 'yun, alam ko rin namang nababagot na sya sa lugar na 'yun paminsan-minsan. At malaki ang posibilidad na baka bigla na lamang lumitaw ang tatay nya.

Isang araw, habang pareho kaming nagbabasa ng libro, bigla akong nagsalita, "Bakit kaya hindi ka lumabas dito? Maglakad-lakad ka sa labas, at tumuklas ng maraming bagay. O kaya maglakbay?"

"Masaya ako dito," sagot nya nang hindi man lang tumitingin sa'kin, ngunit bakas pa rin sa boses nya ang pagka-mahinahon.

"Hindi ka masaya, alam ko. Wala ka namang ibang ginagawa kundi magkulong sa lugar na 'to, araw-araw. . . nakakabagot na ang buhay mo dito," dugtong ko gamit ang boses na mapang-asar. Alam ko, medyo totoo. Hindi kasi sya napasok sa paaralan, o kaya nalabas. . . masyado na nyang kinukulong ang kanyang sarili sa kabagutan.

"Kontento na ko sa buhay ko," malumanay nyang sagot.

Pero nang dumating ang gabi nang araw na 'yun, bago ako mag-impake at bumalik sa apartment na tinitirhan ko, lumapit sa'kin ang Tita ko para yakapin ako at sabihan na mag-ingat. Bukod dun, may binulong din sya sa'kin, "Hinihintay ka nya, hindi mo ba alam? Ikaw ang dahilan kung bakit ayaw nya umalis sa bahay ko. Natatakot sya na baka hindi ka na nya makita pa kapag umalis sya. Ikaw, Aero. . .ikaw ang buhay nya. Hinihintay ka nya sa lahat ng oras, 'yung susunod mong pagbisita, 'yung susunod mong sulat, 'yung susunod mong pagtawag. . ."

Masyado akong nag-isip sa mga bagay na 'yun habang nasa byahe ako. Pero tinanggal ko lahat ng 'yun sa isip ko sa mga sumunod na araw, dahil ang sumunod na araw ay ang mismong araw.

Ang mismong araw na kinidnap ko si Mazy. . . ang ika-labingdalawa kong pagmamahal.



x

End of Chapter Twenty Seven.

Thank you for reading!

Author's Note:

Info.

1 Stockholm syndrome is a psychological tendency of a hostage to bond with, identify with, or sympathize with his/her captor.

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon