18. He Who Found An Angel.

65 6 2
                                    

The Boy Who Murdered Love.

18.

He Who Found An Angel.


Nang dumating ang summer, napagpasayahan kong umalis ulit. Lumipat ng lugar. Sa lugar kung saan kailangan ko mag-isip, tumakas, makalimot. Dahil napantanto ko.. bakit kailangan kong gawin yung kay Hazel? Masyado syang masayahin, at maraming nagmamahal sa kanya.. Bakit ako pumayag na samahan sya nang gabing yun? Bakit hinayaan kong mahalin sya kung sasaktan ko lang din sya?

Sinaktan ko sya. . .

Aaminin ko, iyon ang unang pagkakataon na masaktan sa ginawa kong pagpatay. Hindi ako nasiyahan, hindi ako natuwa... nasaktan ako. Hindi ko dapat ginawa yun sa kanya, pinabayaan ko na lang sana sya.

Masyado ko na bang pinipilit ang sarili ko sa kanila? Sa pagmamahal nila? Lalo na't maraming iba dyan sa tabi-tabi ang mas nararapat sa kanila... mas higit kesa sa isang tulad ko.

Alam kong nakakapanibago na sinasabi ko ngayon ang mga bagay na 'to. Nagsisisi ba ko? Bakit ako nasasaktan? Bakit hindi ko matanggal sa isip ko si Hazel? She had been too full of life, yet. . . yet I made her to not be alive anymore.

Patay na sya at kasalanan ko ang lahat.

Siguro magkahalong pagkagulat at kasiyahan ang dahilan kung bakit binitawan ko ang kamay nya. Buhay pa sana sya ngayon. Dapat pinagplanuhan ko ang lahat. Masyado ko na bang minamadali ang mga bagay-bagay?

Kailangan kong magbago.

Ang dami kong iniisip. Ang daming pumapasok sa isip ko.

Kalaunan, napadpad ako sa isang syudad na sinalanta ng bagyo. Doon, inialay ko ang buong oras ko para tumulong sa mga nangangailangan. At hindi kalayuan sa kinaroroonan ng tinutuluyan naming mga volunteers, nakita ko ang isang maliit na chapel. At simula nang matagpuan ko ang lugar na yun, lagi kong nakikita ang sarili ko sa loob nito, halos araw-araw tuwing umaga, sa tuwing bago magsimula ang trabaho namin. Nakakagulat, totoo. Hindi ako pinalaking relihiyoso ng mga magulang ko, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong pumunta sa lugar na yun sa halos araw-araw ng buhay ko sa mga panahon na yun.

Noong una, aaminin ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako sigurado kung dapat ba akong mapadpad sa lugar na katulad nun. Bakit nga ba ako nandun? Para magdasal sa Diyos? Humingi ng kapatawaran sa lahat ng nagawa ko? Pero. . . pero hindi 'yun ang hinahanap ko. Kailangan ko ng katahimikan nang mga oras na yun. Pero alam ko, alam ko sa sarili ko na kailangan kong humingi ng tawad sa Kanya, sa lahat ng mga kasalanang ginawa ko.

Kaya tuwing umaga, nagpupunta ako sa chapel na yun, luluhod, at titingala sa altar. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa tuwing nandun ako dahil aaminin ko, tahimik lang ako, walang imik, inuubos ang oras. Naisip ko, kailangan ko nga talaga ng lugar kung saan kailangan kong magpahinga sa lahat, maghanap ng bagay na makakatulong sa'kin.

At tama ang pinuntahan kong lugar.

Nahanap ko ang tamang bagay na hinahanap ko, kaso hindi sya bagay.

Siya si Ingrid.

Lagi ko syang nakikita sa chapel na 'yun, araw-araw, oras-oras. Napapaisip pa nga ako kung umaalis pa ba sya sa lugar na 'yun para kumain o matulog e. Nung una, tinitingnan ko lang sya, dahil hindi naman nya ako napapansin. Ngunit may pagkakataon na napapatingin sya sa'kin. Hindi nya ako kinakausap, hindi ko rin sya kinakausap. Pero isang araw, nagulat ako nung naupo sya sa tabi ko. Hindi sya nagsasalita, tahimik sya, at kahit hininga nya e hindi ko naririnig mula sa kanya. Nakatingin lang sya sa'kin, nakangiti, saka titingin pabalik sa altar at tahimik na magdadasal na parang wala ako sa tabi nya.

Kung tatanungin mo ko, sasabihin ko sa'yong may nabuong relasyon sa'ming dalawa simula nang araw na 'yun. Dahil araw-araw, lumalapit sya sa'kin upang maupo sa tabi ko. Pareho kaming hindi nagsasalita. Paulit-ulit. Araw-araw. Pero isang beses, nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko na parang sinasabi nya sa'king alam nya kung ano ang nararanasan ko, kung gano kahirap ang problemang dinaranas ko, na parang sinasabi nya sa'kin na kailangan ko ng karamay. Pero sa totoo lang, tama naman sya, dahil pinatay ko ang walong babaeng minahal ko.

Hanggang isang araw, imbis na tumingin sya pabalik sa altar, nanatili syang nakatingin sa mga mata ko. At naguguluhan ako nang mga oras na 'yun. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung ano bang dapat kong isipin, nakatingin lang din ako sa kanya at naghihintay ng mga mangyayari.

"Kailangan mong magdasal. Sabihin mo sa Kanya kung anong gusto mo, kung anong gusto mong ibigay Nya sa'yo," mahina nyang sabi.

Iyon ang unang beses na nagsalita sya sa harap ko. Aaminin ko, natahimik ako nang ilang sandali nang mga oras na 'yun. "Bakit? Tingin mo ba hindi ako nagdadasal?"

Ngumiti sya. "Nagdadasal nga ba?"

Hindi ko sya sinagot. Wala rin namang kwenta. Alam nyang hindi ako marunong magdasal, alam kong alam nya. Pagkatapos nun, 'di na sya nagtanong pa muli. Binalik nya ang pagkakatingin sa harapan katulad ng palagi nyang ginagawa. Nagdadasal. At nakangiti sya, mapayapang ngiti na lagi kong nakikita ko sa kanya.

Nakakatuwa na hindi ako nakakakita ng kahit ano mang kayabangan o kahambugan mula sa kanya. Alam nyang tama sya sa sinasabi nya tungkol sa'kin, pero kahit ganun, hindi sya nagyabang.

Masyado syang mapayapa.

Masyado syang malinis.

Masyado syang mabait.

Isa syang anghel.

At sya ang sunod kong minahal.

At pinatay, syempre.

Dahil ayun ang saysay ng kwento kong 'to.



x

End of Chapter Eighteen.

Thank you for reading!

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon