33. She Who Loves Him.

104 6 1
                                    

The Boy Who Murdered Love.

33.

She Who Loves Him.


Ang gabing pinatay ko ang Tatay ni Juliet, kasabay ng pag-despatya ko ng mga pusong nakolekta ko, ay naging mahaba at naging makasaysayan para sa'kin. Binago ng gabing 'yun ang lahat ng bagay. At habang nasa byahe ako pauwi sa bahay ng Tita ko, napadaan ako sa isang simbahan. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong walang naging epekto sa'kin ang pinagsamahan namin ni Ingrid.

Parte ng pagkatao ko ang gustong humingi ng kapatawaran para sa mga nagawa kong kasalanan.

Masaya ako na sa kalagitnaan ng gabing 'yun, bukas ang pintuan ng simbahang 'yun para patuluyin ako. Dire-diretso akong pumasok sa loob nito. Nakita ko ang isang matandang lalaking nagwawalis at hindi nya ako pinansin, ganun din ako. Alam kong makapal ang muka ko para sa pagkakataong ito, pero ito ang nararamdaman kong kailangan kong gawin. Pumunta ako sa pinakaunahang upuan, lumuhod dito, at humingi ng kapatawaran. Hindi ko alam kung anong nangyari nang mga oras na 'yun, basta ang alam ko, biglang may kumirot sa dibdib ko at tuloy-tuloy na umagos ang luha sa mga mata ko.

"Patawarin Niyo ko dahil sa mga kasalanan ko. Ilang taon na ang lumipas simula nang gawin ko 'to sa harap Niyo. Marami akong nagawang hindi maganda, mula sa pakikiapid ko sa asawa ng iba, sa pakikipagtalik ko sa mga babaeng hindi ko asawa, sa pagsisinungaling, sa pagnanakaw, hanggang sa pagiging mamamatay-tao ko. Pumatay ako ng mga babae, maraming-maraming babae. Kinuha ko ang mga buhay nila para lamang sa isang bagay na sa tingin ko ay tama. Nadala ako ng paniniwala ko na dapat nagtatapos ang pagmamahalan ng dalawang tao sa isang kamatayan. Ang kamatayan kung saan tatatak sa isip ng mga tao ang trahedyang nangyari sa kanila. Siguro nga, nababaliw na ako sa mga iniisip ko. Patawarin Niyo 'ko, Ama, patawarin Niyo ako! At ngayon, nahuhumaling ako sa isa. Gusto ko sya higit pa sa lahat ng bagay na ginusto ko sa buong buhay ko. At nasasaktan ako dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Natatakot ako nab aka magawa ko sa kanya ang ginawa ko sa iba. Natatakot ako. . . Anong gagawin ko? Naririnig Niyo naman ako, 'di ba?"

Walang sinuman ang sasagot sa akin sa mga oras na 'yun.

Nang makauwi ako, naabutan ko si Juliet na hinihintay ako. Isang linggo na ang nakalipas simula noong sabihin nya sa'kin ang tungkol sa ginagawa sa kanya ng Tatay nya. At base sa tingin ko sa kanya, mukhang wala na lang sa kanya ang nangyari. Sana tulad ko rin sya, na kayang ipakita sa iba na parang walang nangyari. Dahil kahit anong gawin ko, sinusundan nila ako. Hindi ako pinapatahimik ng mga nangyari.. .kahit saan man ako magpunta.

Nang gabing 'yun, imbis na matulog sya sa sarili nyang kwarto, pumunta sya sa'kin at nahiga sa tabi ko. Noong una, nag-uusap lang kami tungkol sa mga bagay na normal naming pinag-uusapan. Pero hindi ako interesado nang mga oras na 'yun. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Masyado akong maraming iniisip, masyadong maraming laman ang utak ko.

Pero nagulat ko nang bigla hinaplos ang magkabilang pisngi ko gamit ang kanyang mga kamay, at hinawakan ang balat sa ilalim ng aking mga mata. "Ang lungkot mong tingnan minsan, Aero, hindi ko alam kung bakit. Gusto kong may gawin, pero hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Gusto kong pasayahin ka, pero hindi ko alam kung paano. Gusto kitang bigyan ng isang bagay na makakapagpagaan ng pakiramdam mo."

"Wala ka namang dapat gawin, Juliet," sagot ko sa kanya. Pinilit kong sabayan ang mahinahon nyang tono ng pananalita.

"Pero gusto kong may gawin. Ano bang gusto mo?"

Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko sa tanong nyang 'yun. "Gusto ko ang lahat ng bagay na galing sa'yo, pero ayaw kong ng kahit ano. 'Wag ka nang mag-abala, Juliet, please. Hindi nararapat sa'kin ang kahit na anong bagay mula sa'yo."

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon