07. She Who Was Loved By Her Othello.

143 13 4
                                    




The Boy Who Murdered Love

07

She Who Was Loved By Her Othello.


Sa library ko unang nakita si Claire. Abala ako nun sa pagbabasa ng paperworks ko nang bigla syang naupo sa natitirang bakanteng upuan na nasa harap ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang inilalapag nya sa mesa ang mga dala nyang gamit at isang libro. Bago sya maupo ay napatingin sya sa'kin. Nginitian ko sya pero hindi nya ako pinansin at nagsimulang buklatin ang mga pahina ng dala nyang libro.

Isa lamang syang tipikal na estudyante na makikita mo sa ganitong lugar. Naka-ponytail ang buhok, nakasalamin, casual na mga damit, normal lang. Ni wala ngang kakaiba sa kanya, para lang syang parte ng mundong 'to kung saan di mo alam na nag-eexist pala sya.

Pero aaminin ko, may kakaiba pa rin sa kanya. Bakit? Dahil sa librong binabasa nya: Othello1. I loved Othello! Oh. Its tragedy. A literary masterpiece that showed human nature perfectly!

At dahil dyan, dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at kinalabit sya habang nakangiti. Napatigil sya sa pagbabasa at napatingin sa'kin, at katulad ng inaasahan, may inis sa kanyang mukha na animo'y nagsasabing, "Pwede bang 'wag mo 'kong istorbohin?" Ilang segundo lang ang lumipas e binalik na nya ulit ang kanyang tingin sa pagbabasa at 'yun ang hindi ko inaasahan.

Napangiti na lang ako.

"So, what despicable thing is Iago2 up to?" tanong ko.

Halatang nagulat sya pero sinubukan nyang 'di ipahalata. "Oh, alam mo rin pala 'tong Othello, cool. So, magko-quote ka na ba ng mga lines ni Othello para ma-impress ako? Tapos kapag na-impress ako sa'yo, dadalhin mo na ko sa kama, tapos iiwan mo rin ako pagkatapos mo gawin 'yung gusto mo? Ganun ba, The Switch, ganun ba?" sarkastiko nyang bulong sa'kin sa bumalik sa pagbabasa.

At doon ko nalaman na sya na nga ang babaeng susunod kong mamahalin. "Woah. Ganyan ba talaga ang tingin mo sa'kin? Bakit naman ako magpapa-impress gamit ang mga litanya ni Othello? I don't think it's the best way to courtesies considering he kills her in the end."

Umirap sya. "Oh, at talagang nag-research pa sya. Congratulations."

"You don't seem enthusiastic about it. . . " biro ko at tumawa nang mahina.


Nakakamangha sya. Simula nung pinatay ko si Bella, wala na kong nakakausap tungkol sa mga libro o mga bagay na katulad nito, 'yung tipong mapapaisip ako nang mapapaisip. At nami-miss ko na yung mga panahon na 'yun.


"Naiinis ako kay Othello," bigla nyang sambit.

"Oh, bakit naman?"

"Masyado syang nagpadala sa sinabi ng ibang tao. E dapat nga may malaki syang tiwala sa pagmamahal ni Desdemona sa kanya. Nakakainis sya."


Mabilis lumipas ang araw. Nagsimula kaming magkwentuhan. Nung una, parang wala lang, parang normal lang. Para lang kaming normal na estudyanteng nag-uusap tungkol sa literature. Well, sabihin na nating lagi na kaming 'nagtatalo o nagdedebate' tungkol sa maraming bagay lalo na 'pag tungkol sa libro, pero hindi 'yun ang point ko dito.

Dumalas ang pag-uusap namin at pagkikita namin sa library. Gustong-gusto kong naririnig lahat ng opinyon nya sa mga bagay-bagay. Masyado syang makapit sa lahat ng bagay na pinaniniwalaan nya, lagi nyang pinaglalaban kung anong alam nya. At masasabi kong imposibleng matalo sya sa kahit na anong argumentong salihan nya. Hindi sya kaagad nako-kontrol at namamanipula.

Hindi tulad ni Othello.

Katulad nga ng sinabi ko, dumalas ang pagkikita namin sa library. Lagi lang kaming magkatabi habang nag-aaral. Wala naman kaming pinaplano para magkita ulit pagkatapos pero lagi akong nae-excite sa tuwing naiisip kong magkikita ulit kami. Gustong-gusto ko syang makita. . .

At sa loob ng limang buwan, doon ko nakita ang pinakahihintay kong pagbabago nya.

Isang araw, tinatanggal na nya ang pagkakatali ng kanyang buhok. Noong sumunod na nga araw naman, nag-iba 'yung mga suot nya, masyadong revealing kumpara sa mga sinusuot nya noong una. Napapansin ko rin na namumula sya kapag nahuhuli nyang tinititigan ko sya nang matagal. And I couldn't help it, because under all that pig-headiness and uneasiness to show any woman attribute, she was beautiful—more than beautiful, because she has strength in her beauty.

And it took me five months to see the flower start to bloom, the caterpillar turned into a butterfly. . .

Five months of hard work, but I'm telling you, they were all worth it. . .

At pagkatapos ng limang buwan na yun, nung nagkaroon ako ng pagkakataon, niyaya ko sya manood ng Othello Play. Nung una, nagtalo pa kami kasi ayaw nya raw, pero in the end, pumayag din sya dahil nakakahiya raw sa'kin.

And it took me five months to build everything up. . .

But it only took one night for the butterfly to die. . .

Dinala ko sya sa kama, at pinatay. . .

Katulad ng ginawa ni Othello kay Desdemona.





x

End of Chapter Seven.

Thank you for reading!

Author's Note:

Info.

1 Othello and Desdemona from Othello: The Moor of Venice by Shakespeare. This is about Othello, a heroic black general in the service of Venice, appoints Cassio and not Iago as his chief lieutenant. Jealous of Othello's success and envious of Cassio, Iago plots Othello's downfall by falsely implicating Othello's wife, Desdemona, and Cassio in a love affair. Some slender "proofs" confirm what Othello has been all too inclined to believe—that, as an older black man, he is no longer attractive to his young white Venetian wife. Overcome with jealousy, Othello kills Desdemona. When he learns from Emilia, too late, that his wife is blameless, he asks to be remembered as one who "loved not wisely but too well" and kills himself.

2 Iago the antagonist of Shakespeare's Othello: The Moor of Venice.

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon