24. He Who Leave Her Hanging.

55 7 1
                                    

The Boy Who Murdered Love.

24.

He Who Leave Her Hanging.


Sabi ng iba, kailangan daw nating bumalik sa nakaraan para maintindihan natin ang mga sarili natin. At ang pagbalik sa nakaraan ang naging susi para patayin ko si Kaye sa isang kakahuyan na tulad ng pagpatay ko sa aso ng Tita ko.

Kapag naiisip ko ngayon ang bagay na 'yun, pakiramdam ko ang dami-dami na ng nangyari.

Noong habang ang isang parte ng pagkatao ko ay nahuhumaling sa pagmamahal kay Kaye, nag-iisip naman ng kakaibang ideya ang isa pang parte ng katauhan ko kung pano ko sya papatayin. Pakiramdam ko sobrang sama ko sa tuwing naiisip ko 'yun. Si Kaye ang tanging babae na halos pinagplanuhan kong patayin. Sa totoo lang, hindi ko iyon pinlano, kundi pinilit ko ang tadhana na makibagay sa memorableng bagay na gagawin ko... para hindi masayang ang pagpatay ko sa kanya.

Tila bumalik ako sa pinagsimulan ko, sa kakahuyan, sa maliit na bahay sa gitna ng kakahuyan na pag-aari ng pamilya ni Kaye na sobrang layo sa kabihasnan. Kahit papaano'y may alam na ako sa mga nangyari kaya alam kong alam ko na kung anong gagawin ko. Sinabi ko sa kanya na magkita kami sa lugar na 'yun, at 'wag nyang sabihin sa ibang tao na kasama nya ako dun, o kaya 'wag banggitin kahit kanino na pupunta sya dun para walang kahit na sinong kaibigan nya ang biglang susulpot dahil gusto ko syang masolo.

At dahil kilala ko si Kaye, alam kong mapapadali ang lahat ng plano ko. Sasamahan ko sya. . . at papatayin.

Pero ang tanong, kailan ko ba sya dapat patayin?

Hindi ako sanay sa ganun, ang planuhin ang kamatayan. Sanay ako sa pag-arte na parang walang masamang mangyayari at bigla na lamang aatake kapag naramdaman ko ang tamang oras. Ngunit, kailan ba ang tamang oras?

Pero marami akong naiisip na walang-katapusang dahilan na hindi ko dapat patayin ang katulad ni Kaye, dahil sa dami rin ng walang-katapusang posibilidad na dapat magkasama kaming dalawa sa tahimik na lugar na 'yun, parehong namumuhay nang masaya. Minahal ko sya. At sya ang pinakaunang babae na dinala ko sa harap ng mga magulang ko, at kahit na hindi nila ako ganun kamahal bilang anak nila, tinangap nila si Kaye at minahal. Kahit si Tita, natutuhan syang mahalin.

Kaya kailangan nyang mamatay. Ayokong gawin, pero kailangang masunod ang plano ko. Kaya agad akong kumuha ng perpektong araw at niyaya sya sa lugar na 'yun. Masaya sya at halata sa kanya na hindi sya makapaghintay pa. Pinauna ko sya, at sinabi sa mga kaibigan ko na mawawala ako dahil pupunta ako sa bahay ng Tita ko, na ginawa ko rin muna.

Inubos ko muna ang isang araw ko sa bahay ng Tita ko. Nag-iisip-isip. Nandun pa rin sa bahay si Juliet at mas ayos na sya kumpara nung huli ko syang iniwan. Mas nadadagdagan na ang timbang nya at hindi na ganun kahina ang pangangatawan nya. Naging mas mabuti ang lagay nya sa pagtira kasama ng Tita ko. Pero kahit ganun, tahimik pa rin sya, titingin sa bintana at tititig nang matagal sa malayo na parang may gusto syang gawin o sabihin o puntahan o iniisip. Nakakapagtaka.

Pero hindi pa rin nawala sa isip ko ang mga pinlano ko.

Nang sumunod na araw, nagpaalam ako sa Tita ko na maglalakad-lakad ako sa labas. Hindi naman sya nagtanong pa, kaya mabilis akong sumakay ng kotse at nagtungo sa kinaroroonan ni Kaye.

Pagdatinng ko, agad nya akong sinalubong ng yakap at tuwang-tuwa sya na nakita na nya ako. Masyadong magaan ang pakiramdam ko sa kanya na halos mabuhol sa utak ko ang plano. Pero tinanggal ko ang pagdududa na 'yun. Nang araw na 'yun, tinanong ko sya ng isang tanong: "Papayag ka bang magpakasal kasama ako?"

Nagtatalon sya sa tuwa at muli akong sinunggaban ng yakap habang sumisigaw nang "Oo, Aero. Mahal na mahal kita." At pagkatapos ay agad ko syang siniil ng halik habang papasok ng maliit na bahay. Parehong nag-iinit ang pakiramdam namin at halos mapaso kami ng pagmamahalang meron kami. Hinubad ko ang damit nya at pinaramdam sa kanya ang isang parte ng katauhan ko.

Perpekto ang pangyayaring 'yun. At katulad ng iba, kinailangan nyang mamatay.

Habang natutulog sya, kinuha ko ang cellphone nya at nagpadala ng mensahe sa'kin, "Patawad, Aero. Hindi ko na kaya." Pagkatapos, kinuha ko naman ang pulang lubid sa loob ng bag ko at isinabit ang kanyang katawan sa kisame ng bahay na kinaroroonan namin. Binura ko ang lahat ng iniwan kong marka sa pangyayaring 'yun.

Sa huli, inakala ng mga tao na nagpakamatay si Kaye dahil pagod na syang ipakita sa kanila na masaya sya. May ibang nagsabi na niloloko nya ako at may iba syang lalaki bukod sa'kin. Hindi na raw nya kaya at nagsisisi na sya sa pangloloko sa'kin kaya raw tinapos na nya ang kanyang buhay.

Sa huli, malinis pa rin ako. Katulad pa rin ng dati. Malinis at malayang magmahal ng panibagong babae.

At ang sunod kong minahal ay pang-labing-isa. Pero hindi 'yun ang huli. . .



x

End of Chapter Twenty Four.

Thanks for reading!

Author's Note:

Ilang babae pa ba, Aero?! Hahaha. Nagsasawa na ko sa mga ginagawa mo. Mamahalin mo pero papatayin mo lang din naman! Hindi ganun ang tunay na pagmamahal. Dahil ang tunay na pagmamahal. . . wala lang. Wahaha! Musta ka? =D

Nagtataka lang ako, ba't ang pogi-pogi ko pa rin? Wahaha.

x Jiro x

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon