29. She Who Haunted Him.

47 6 0
                                    

The Boy Who Murdered Love.

29.

She Who Haunted Him.


Pagkatapos kong gawin ang bagay na nagpasakit ng puso ko, mabilis akong bumyahe pabalik sa bahay ng Tita ko.

'Yung oras na hawakan ni Mazy ang baril at itutok sa'kin, kahit na kumbinsido ako na 'di nya ko babarilin, naramdaman ko pa rin ang takot sa puso ko. 'Yung takot na 'yung klase ng pag-ibig na pinaglalaban ko sa buong buhay ko ay hindi na mararamdaman kahit kailan. Sa mga oras na 'yun, 'yung pagmamahalan namin, kahit na hindi ito ganun kalakas, ay mauuwi sa wala.

Mawawalan ng saysay.

Mawawalan ng kahulugan.

Masisira.

Hinayaan kong mangyari ang bagay na 'yun.

Hindi ko man lang naisip na isang malaking katangahan ang umasa na mas maganda ang kahihinatnan ng bagay na 'yun. Nasa delikadong kalagayan ako. At kasalanan ko 'yun, kasalanan ko ang lahat ng 'yun. Hindi ko binigyan ng mas malalim na kahulugan ang pagmamahalang meron kami ni Mazy hindi tulad ng iba. Nasira ang pag-ibig naming dahil hindi lang sa kanya nakatuon ang lahat ng nararamdaman ko.

Dahil bukod kay Mazy, may iba pa kong minahal nang mga oras na 'yun.

May iba pa. . .

Kaya nang gabing 'yun, umuwi ako sa bahay ng Tita ko at dahan-dahang pumasok ng bahay nya. Pumasok ako sa isa sa mga kwarto at dun natulog nang walang pag-aalinlangan sa kahit ano. Masyadong naging mabigat ang iniwan sa'kin ni Mazy. Ipinikit ko ang mga mata ko at nakatulog na lang ako dahil sa pag-iyak.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi, at pagmulat ng mata ko, nasilayan ko ang isang magandang senaryo. 'Yung senaryong gustong-gusto kong makita sa paggising ko. Sobrang lapit ng muka nya sa muka ko, at tila anghel na binabantayan ako sa aking pagtulog. Nagtititigan lang kami sa loob ng ilang segundo, at maya-maya ay bigla kong nakita ang pgkurba ng kanyang mga labi. . .

Isang napakagandang ngiti.

"Anong nangyari sa'yo?"



x

End of Chapter Twenty Nine.

Thank you for reading!

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon