11. She Who Danced With Him.

91 7 3
                                    

The Boy Who Murdered Love

11

She Who Danced With Him.


Si Esther ang tanging babae na minahal ko sa maikling panahon.

Nakilala ko sya sa isang masquerade party. Napakaraming maskara at naggagandahang mga babae. Everything was perfect . . . and magical. At si Esther ang natatanging maganda sa aking paningin nang mga oras na 'yun. With her petite figure, she was wearing her golden gown and her red mask over her pearly skin, auburn cascade of hair floating around her delicate face. Para syang isang magandang dilag na lumabas mula sa canvas ng isang pintor.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sobrang bilis ng pagmamahal na naramdaman ko nang gabing 'yun, at sa buong buhay ko, wala pa kong nararamdamang ganun. Nang oras na makita ko sya, tila buong parte ng pagkatao ko ang nagsumigaw na gustuhin syang angkinin. May kakaiba rin akong nararamdaman sa kanya—para akong binibihag.

Pero hindi ako ganun katanga. Nakikita ko na ang pagkakataon na mapasa'kin sya pero hindi ko ginawa dahil siya ang pinakamagandang babae sa buong gabing 'yun. Nasa kanya ang atensyon ng lahat, at hindi ko pwedeng gawin ang balak ko. Pero sa inaasahang pagkakataon, dahil maswerte ako, nakapartner ko sya sa sayaw. Hindi ko alam kung bakit pero hindiing-hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagkakataong 'yun. Napapanaginipan ko pa rin ang lahat. At lahat ng nangyari nang gabing 'yun ay tila isang panaginip.

Sobrang sarap sa pakiramdam ang makasayaw ang isang magandang babaeng tulad nya. Para siyang si Cinderella at ako si Prince Charming. Ngunit sa pagkakataong 'to, hindi nya ako iniwan at tinakbuhan. Tila nabasag ang magic spell ni Fairy Godmother. At pagkatapos ng gabing yun, nangyari ang lahat sa isang iglap.

Nandun daw sya kasama ang fiancé nya. At nang sabihin nya ang bagay na yun, nahalata ko sa tono ng pananalita nya na hindi nya gusto ang kung sino mang lalaki ang papakasalan nya. Pero siguro dahil iyon ang gusto kong marinig.

At dahil nandun ang fiancé nya, nakaramdam ako ng kakaibang excitement. Pano kaya kung mahuli kami ng fiancé nya habang ginagawa namin ang bagay na dapat ginagawa nila? At syempre, naalala ko si Bella nang mga panahong wala ang asawa niya. At si Airi habang wala ang mga magulang nya. Hindi tulad ni Esther, hindi naranasan ang ganito kasayang excitement.

Hayok na naghahalikan kaming dalawa sa hallway na kinaroroonan namin. Nang maramdaman namin na may paparating, nagtatakbo kami sa bawat kwartong napupuntahan namin habang magkahawak ang kamay. Tumigil kami sa isang kwarto at doon ginawa ang kagustuhan namin sa isa't isa. Nang maramdaman ulit namin na may paparating, nagtago kami sa isang malaking closet at doon namin pinagsiksikan ang aming mga sarili.

That moment had left us breathless. Yakap ko sya habang magkalapit ang mga muka namin sa isa't isa; nagtititigan na animo'y pag-aari namin ang oras na iyon, na animo'y pag-aari namin ang buong mundo.

Minsan, naiisip ko na panaginip lang ang lahat ng nangyari sa'min ni Esther. Pakiramdam ko naparami lang ata ang inom ko nang mga oras na 'yun, at nangyari lamang ang lahat sa loob ng isip ko. Pero hindi e. Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang boses nya, ang malambing na tono ng boses nya habang kinakausap nya ko, ang amoy nyang pinaghalong pabango at alak, ang malambot nyang mga kamay. . . Naaalala ko pa rin ang lahat ng 'yun.

Naramdaman kong matatapos ang lahat ng pagmamahalang meron kami sa oras na matapos ang selebrasyon nang gabing yun. At hindi ko pwedeng hayaan na mangyari yun, pero naisip ko. . . siguro hindi ko naman sya kailangang patayin. Iwan ko na lang kaya sya? Masyado syang mahalaga sa'kin para mamatay.

Pero nang matapos ang lahat, kinuha namin ang kanya-kanyang damit at lumabas ng kwarto, naglakad-lakad sa daan, sa ilalim ng mga bituin sa kalangitan.

"Hinding-hindi kita makakalimutan," bulong nya habang nakatitig nang diretso sa'king mga mata.

Hindi ko alam pero may kung anong kumirot sa aking dibdib nang sabihin nya yun. Mukang magiging masakit ang paghihiwalay namin.

"Pwede bang manghingi ng pabor?" tanong nya. Tiningnan ko lamang sya at tinanguan. "Pwede bang sa'yo na lang ang puso ko? Sa'yo na lang ako," dagdag nya.

Nang oras na yun, nawala ang kirot na naramdaman ko at napalitan ito ng kasiyahan. That was the sign!

Mahalaga sya, pero di ba mas mahalaga ang pagmamahalan namin?

Sasagutin ko na sana sya ngunit may kung anong bagay akong nakapa nang ipasok ko ang kamay ko sa loob ng jacket na suot ko. Well, sa totoo lang, hindi sa'kin ang jacket na suot ko. At hindi ko alam na nakatulong pala ang pagsuot ko nito: Isang baril.

At katulad ng nakasanayan, pinili kong patigilin ang oras ng pagmamahalan namin, at kapalit nun ay ang buhay niya.

Paalam, Esther.

Masasabi kong swerte ang jacket na nasuot ko.

Pero . . . swerte naman talaga ako . . .


x

End of Chapter Eleven.

Thank you for reading!

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon