32. He Who Loves Her.

69 6 1
                                    

The Boy Who Murdered Love.

32.

He Who Loves Her.


Sa lahat ng taong pinatay ko, ang Tatay ni Juliet ang tanging tao na hindi ko minahal. Walang kinalaman ang pagmamahal sa pagpatay ko sa kanya. Pinatay ko sya dahil iyon ang nararapat sa kanya. Pinatay ko sya dahil ng galit. Pinatay ko sya dahil sa ginawa nya kay Juliet. Pinatay ko sya.

Kung meron pang taong mananakit sa kanya, hindi ako magdadalawang-isip na patayin din sya. At muli napagtanto ko na hindi ko na mapapanatili ang pagmamahalang meron kami, o ang patayin man sya na tulad ng—Teka. . . hindi. Pano ko nasasabi ang mga ganitong bagay ngayon? Sumasakit ang puso ko kapag naiisip ko ang bagay na 'yun, ang patayin sya. Kumikirot ang puso na para itong tinutusok ng isang libong kutsilyo.

Madali kong nahanap ang Tatay nya. At madali ko ring napalabas na suicide ang nangyari. Ssanay ako sa lahat ng ganitong bagay. Kakaiba nga lang sa pakiramdam ang pumatay ng taong hindi mo mahal. Puno ito ng galit, at hindi ako nag-atubiling kitilin ang kanyang buhay kumpara sa mga minahal kong babae.

Matapos kong patayin ang lalaking 'yun, nang gabi ring 'yun, nagtungo ako sa lugar kung saan ko tinatago ang lahat ng pusong nakuha ko. Tama. Hawak ko pa rin silang lahat.

Silang lahat na minahal ko.

Pero minahal ko nga ba talaga sila? Dahil kung oo, hindi ba dapat naghanap ako ng ibang paraan para mapanatili ang pagmamahalan namin imbis na tapusin sila sa pamamagitan ng sarili kong mga kamay ko?

At ano bang meron sa kanila kumpara sa pagmamahal ko kay Juliet? Wala ni isa sa kanila ang kilala talaga ako hindi tulad ni Juliet. Oo, sa huli nalaman nila kung ano ang tinatago kong sikreto—na hindi alam ni Juliet—pero hindi nila alam kung ano ba talaga ang dahilan ko, kung saan nga ba ang nagsimula ang lahat. . .tanging si Juliet lamang ang nakakaalam.

Kaya nang gabing 'yun, dinespatya ko ang lahat ng puso nila. Naisip ko, bakit hindi ko ipadala sa mga pamilya nila ang mga pusong hawak ko? Pero naisip ko rin na mas masakit 'yun kumpara sa ibang bagay.

Hindi ko sasabihin kung saan ko sila kinuha o kung anuman ang ginawa ko sa kanila. . . mas ayos na siguro 'yun, pero isa lang ang sinisigurado ko. . .

. . . tahimik na sila sa kung nasaan man sila ngayon.



x

End of Chapter Thirty Two.

Thank you for reading!

Author's Note:

One last chapter, folks! Kapit lang. Hahaha. May tanong ako, bakit ang gwapo ko?

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon