12. He Who Had Been So Lucky.

100 8 7
                                    


The Boy Who Murdered Love

12

He Who Had Been So Lucky.


May isang bagay akong laging naiisip e. Matapos ang lahat ng pagpatay na ginawa ko, maswerte pa rin ako. Siguro iniisip ng maraming tao na kailangan akong maparusahan, na dapat na kong matakot sa Diyos o sa kung kanino mang nilalang sa mundong 'to. Well, nagkakamali sila.

Kaya't katulad ng sinasabi ko, wala pang nakakahuli sa'kin o nakakaalam ng gvinagawa ko. Kahit sino, hindi pa ako pinaghihinalaan sa pagpatay ko sa apat na babae, bukod kay Esther. At syempre kumalat ang balita ng pagkamatay nya matapos kong iwan ang katawan nya sa daan—nang walang puso. Pero walang lumapit sa'kin para ituro ako bilang suspect. Dahil maswerte ako, may suot akong maskara. Lagi akong may suot na maskara—iba't ibang maskara. Ni hindi nga nila ako kilala. Inimbitahan ko ang sarili ko sa party na yun, kaya't hindi nila ako makikilala.

Siguro naiisip rin ng maraming tao na tanga ako pagdating sa pag-ibig. Well, nagkakamali sila. Hindi ako tanga. Alam ko kung anong ginagawa ko. Kung sa mga movies e nako-konekta ng mga detective ang lahat ng kaso para makilala ang salarin, sa totoong buhay, hindi. Dahil sa totoong buhay, nababalewala ang lahat ng kaso at naiiwang walang solusyon. Well, depende na lang kung gagawa ka ng mass murder.

At hanggang ngayon, kapag naaalala ko ang lahat, napapagtanto ko na swerte ang kapalarang hawak ko. Kung hindi ako ganun kaswerte, o kung walang mga pagkakataon, hindi ako makakapatay ng maraming babae. Pero hindi ang pagpatay ang importante sa ginagawa ko, kundi ang isang bagay na pinanghahawakan ko; ang isang bagay na pinapanatili ko upang maalala ng lahat.

At alam kong iniisip mo na nababaliw na ako o may pagka-psychotic ako, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na alam ko ang maaaring gawin ng pagmamahal sa isang tao. Alam ko kung anong epekto nito sa mga tao. Alam ko kung anong mangyayari sa isang tao kapag nasira ang pagmamahalan nila—ang pagmamahalan na inakala nilang magtatagal.

Nakita ko kung gano kasakit. Kung pano ito maglaho sa pagitan ng dalawang tao. Nakita ko 'to sa mga magulang ko. Nung una, mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi mo sila mapapaghiwalay. Sobrang dedikado sila sa isa'isa. Pero makalipas ang ilang taon, sa pagdaan ng panahon, nung lumabas ako sa mundong 'to, ano nang nangyari? Nasan na yung pagmamahal na sinasabi nila? Ni hindi na nga sila nakakapag-usap, ni hindi mo na mapagdikit ang dating hindi napapaghiwalay. Yung dating pag-ibig na meron sila, naglaho na parang bula. Nawalan ng saysay.

Ayokong matulad sa kanila, ayokong maging kawawa.

Lahat ng babaeng minahal ko, lahat ng pag-ibig na meron ako, ay nakatanim sa memorya ko. Sila ang tanging kayamanan ko. Nabuhay sila sa pagkatao ko, binuo nila kung sino ako. At bawat isa sa kanila ay tinulungan ako sa pagiging ako; sa pagiging si Aero.

Kung wala sila, hindi ako makukumpleto.

Kung wala sila, hindi ko siya makikilala . . .


Pero bago 'yun, may kailangan muna akong sundin.

Tulad ng sinabi ko, si Fiona.


x

End of Chapter Twelve.

Thank you for reading!

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon