15. She Who Knew His Secret.

83 10 3
                                    


The Boy Who Murdered Love.

15.

She Who Knew His Secret.


Bumalik ako sa lugar kung saan ako tumira para mag-aral ng kolehiyo, sa parehong lugar kung san ko nakilala si Claire. Nakakapagtaka lang na hindi na ganun kasakit para sa'kin ang lahat ng alaala na meron kami. Nakatulong siguro ang paglayo ko.

Nagpasya akong mag-aral ulit, kaya agad akong nag-enroll sa kursong medisina sa parehong school na pinasukan ko at naghanap ng apartment na matitirahan ko. Para sa'kin, hindi balewala ang gagawin ko. Pinasok ko' to kahit na alam kong may pagkakataon ang mga tao na malaman ang totoo... na ako ang pumatay kay Claire. Pero hindi naman ako tanga, alam ko ang ginagawa ko.

Alam ko kung ano ang ginagawa ko sa simula pa lang. . .

Nang binisita ko ang apartment na tutuluyan ko, napansin ko ang isang perya sa di kalayuan. Di naman ako nag-atubiling pumunta dahil naisip ko na kailangan ko muna ng pagkakataong magsaya bago ako tuluyang pumasok. At nang makarating ako, nakita ko ang isang stand na kumuha ng atensyon ko. Isang babae. At base sa kasuotan nya, mukang may kakayahan syang hulaan ang magiging kinabukasan mo. Sa totoo lang, hindi naman ako interesado sa ganung mga bagay, pero paalis na sana ako nung bigla nya kong tiningnan.

Grace.

"May sikreto ka!" sigaw nya sa'kin mula sa ilalim ng stand nya. Malayo ang kinatatayuan ko sa kanya pero walang duda na ako ang kinakausap nya sa dami ng tao sa paligid ko. Kakaiba yng presensya nya. Kakaiba yung tingin nya. 'Yung tingin na parang kilala nya kung sino talaga ako. Hindi sya nakakatakot, hindi sya yung tipo ng babae na pinagsususpetsyahan ka, kundi sya yung tipo ng tao na maraming nalalaman.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan nya. Nang makalapit ako sa kanya, tinitigan ko sya, at 'yung kumikintab na bolang kristal sa ibabaw ng lamesang nasa harap nya. "Hm. . . Sinong may sabi? 'Yang bola mo?" tanong ko sa kanya habang nakahawak sa baba ko.

"Hindi ka naniniwala sa'kin?" tanong nya nang nakakunot ang noo.

Nginitian ko sya. "Masisisi mo ba ko?"

Nagkibit-balikat sya, "Hindi, kasi di ko naman alam. . ." saka ngumiti sa'kin. ". . .sa ngayon," dagdag nya pa. "Kaya aalamin ko kung anong sikreto mo."

Imbis na mas lalong mapangiti ay nginisian ko sya. "Good luck sa'yo," sabi ko saka umalis na.

Hindi parte ng plano at misyon ko ang posibilidad na may taong maghahanap ng pinakatinatago kong sikreto. Alam kong hindi ko iyon mababago. Pero aaminin ko, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nahulog sa babaeng 'yun. At sinong nagsabing 'di nya malalaman ang sikreto ko?

Pero sa pagkakataong 'to, 'di ko sya pinansin, o sinuyo man lang, dahil hindi pa yun ang gusto kong gawin sa ngayon. Gusto ko ng pahinga sa paghahanap ng pagmamahal at gusto kong gawin ang mga bagay na ginagawa ng Tita ko. At magagawa ko sana ang lahat ng 'yun kung 'di ko lang nakita si Grace na tumigil sa harap ng apartment ko at parang may hinihintay.

Sa tuwing tinatanong ko sya kung pano nya ko nahanap, lagi nya akong nginingitian at sinasagot sa'kin na binulong daw sa kanya ng bolang kristal nya. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang totoong sagot. At mukang hindi ko na rin naman malalaman kahit kailan.

May isang buwan na lang bago ako pumasok sa school, at inubos ko 'yun kasama si Grace. Siya 'yung tipo ng babae na matapang at walang inuurungan, madami syang alam na kalokohan at sobrang natutuwa ako sa kanya. Kahit sino sigurong lalaki ay mahuhulog sa lahat ng pinaggagagawa nya. May pagkakataon na naglalakad kami sa kalsada at bigla na lang syang hihinto para lang sumigaw nang ubod nang lakas para pagtawanan ang gulat na ekspresyon ng mga tao sa paligid namin. Gawain nya rin 'yung pagsita sa mga tao at sasabihing alam ng Diyos ang lahat ng mga kasalanang ginagawa nila at paparusahan sila sa impyerno. Minsan pa'y nagsasalita sya na para bang nagdadasal at sasabihin sa'king binubulungan nya ng magic spell ang espiritu ng mga tao. Hindi ko alam kung matatakot ako sa kanya o matatawa. Really her imagination had no limits when it came to condemning souls.

Pero 'yung pagmamahal nya, masasabi kong kakaiba. Kapag magkasama kami, paulit-ulit nyang sinasabi na malalaman nya rin kung ano ang sikreto ko. Lagi nyang sinasabi na magkakaron sya ng vision, na makikita nya kung anong kakahantungan ko, kung anong kinabukasan ko, na maiintindihan nya ako. At ayun daw ang layunin nya sa buhay. Ang maintindihan ako.

Hanggang sa dumating ang isang gabi. Nagpunta kami sa peryahan, pero nadatnan namin itong sarado. Walang nakakaalam na pumasok kami. Nagpunta kami sa likod ng tent ng mga magikero. Buong gabi kaming paikot-ikot sa tent na yun at pinaglalaruan ang mga instrumentong nandun. Nang gabing yun, may kung anong kakaiba sa mga mata nya. At sa tuwing hinahalikan nya ako, nararamdaman ko na parang may kakaiba.

At nung hinawakan ko ang kanyang kamay, bumulong sya sa'kin, "Alam ko kung ano ang sikreto."

Biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko. "Alam mo?" tanong ko sa kanya.

Tumango sya sa'kin at pagkatapos nya akong halikan, dinikit nya yung pisngi nya sa'kin at muli akong binulungan. . .

"Hindi ka marunong magmahal. Sisirain ka nito."

Hanggang ngayon, kapag naaalala ko sya, hindi ko maihiwalay sa pagkatao nya ang mga salitang iyon. Her words condemned me, like how she condemned so many people. At hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Matakot?

Namatay sya nang gabing 'yun. Matatawag man syang swerte o hindi, saktong may guillotine akong nakita at pinugutan sya ng ulo habang nagsusumigaw.

Sya ang pinakaunang tao na sinabihan ko ng sikreto ko. 'Yun nga lang, patay na sya. Habang kinukuha ko ang puso nya mula sa dibdib nya, ibinubulong ko sa kanyang bangkay kung ano talaga ang sikreto ko.



x

End of Chapter Fifteen.

Thank you for reading!

Author's Note:

Info.

1 Guillotine is a machine with a heavy blade sliding vertically in grooves, used for beheading people; often used by some magician to show an act of entertainment.

1 Guillotine is a machine with a heavy blade sliding vertically in grooves, used for beheading people; often used by some magician to show an act of entertainment

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon