23. She Who Made Things Normal.

52 7 1
                                    

The Boy Who Murdered Love.

23.

She Who Made Things Normal.


At naging normal na naman ang lahat para sa'kin. Sa hindi ko malamang kadahilanan, kailangan kong maramdaman ulit ang pagiging normal. Dahil 'yun ang nagturo sa'kin para mahanap ko ang bago kong mamahalin.

Kaye Magdayo.

Kaye.

Normal na pangalan.

Naging normal lang din ang una naming pagkikita. Nakilala ko sya nang magkaroon kami ng mga kaklase ko ng isang gabing pagsasalo-salo. Sa lahat ng taong nasa harap ng hapag-kainan, sya lang ang tanging hindi ko namukhaan nang mga oras na yun dahil kaibigan pala sya ng isa sa mga kaklase ko. Nang gabing 'yun, nag-usap kami, uminom, kumain. Mayrong kakaiba sa kanya, na parang siya 'yung tamang babae na makakasama ko, na parang mas masarap bumuo ng sariling buhay kasama sya. Hindi pa ako nakakaramdam nang ganito. Siguro dahil nakakalimutan ko na ang pagiging bata ko? Unti-unti ko nang natatanggap ang pagtanda ko kahit sabihin kong nasa bente-uno anyos pa lamang ako nang mga oras na 'yun.

Naging normal ang pakiramdam ko kasama si Kaye. Normal, pero komportable. Parang bagay na kahit kailan ay hindi babagsak at tuluyang masisira. Araw-araw na paglabas, iisang restaurant na kinakainan, iisang sinehang pinapasukan, iisang kalsadang nilalakaran, iisang bagay na pinag-uusapan... lahat ng bagay sa'ming dalawa ay pamilyar.Siya 'yung bumabalanse sa buhay ko. At ginagawa nya akong kakaiba. Kakaiba, ngunit mapayapa, tahimik, normal.

Gusto ko 'yun... 'yung pakiramdam na 'yun. Kahit na aminin kong may parte sa pagkatao ko ang hinahanap ang excitement, aaminin ko rin na kahit papano ay kailangan ko ng ganitong katahimikan. Kailangan ko pa rin ng kalmadong pakiramdam, dahil nung umalis ako para maghanap ng ganoong pakiramdam, tinulak ako ng tadhana papunta kay Ingrid. At masasabi kong hindi si Ingrid ang kalmadong pakiramdam na 'yun.

Pero si Kaye. Siya 'yung tamang babae na kailangang-kailangan ko sa mga oras na 'yun, tulad ni Ingrid, ni Hazel, ni Grace... silang lahat. Silang lahat na minahal ko at kinailangan ko sa mga oras na kailangan ko sila, at hindi iba si Kaye sa kanila. Minahal ko sya. Napakadali nyang mahalin. Hindi sya humihingi ng kahit anong ikaku-kumplikado ng lahat. Dahil sya ang kabaligtaran ng salitang kumplikado, ginagawa nyang hindi kumplikado ang lahat ng bagay.

Maliwanag ang lahat ng bagay para kay Kaye.

Pero kahit na pinapadali nya ang lahat ng bagay para sa'kin, aaminin ko na isa siya sa mga pinaka-maling galaw na nagawa ko. Hindi naman talaga sya ang pinakamalala dahil kay Mazy nangyari 'yun, at wala pa tayo sa kanya. Pero uulitin ko, isa si Kaye sa mga pinaka-maling galaw na nagawa ko.

Ang pakikipagkita ko kay Kaye nang paulit-ulit sa iisang lugar ay nangangahulugang hahanapin ako ng mga tao upang tanungin at imbestigahan sa oras na mawala siya nang tuluyan. Kasintahan ko sya, at hindi lang biro ang ginagawa namin, dahil alam ng mga taong nakakakita sa'min kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Gusto ko sanang itago ang lahat ngunit hindi ko kayang pigilan ang sarili. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na hindi sya mahalin. . .

. . . at patayin.



x

End of Chapter Twenty Three.

Thank you for reading!

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon