03. She Who Had Been The Next.

247 18 10
                                    

Poging Jiro's Note: To read the first two chapters, follow nyo muna ko. Hahaha. Para pogi/ganda ka rin. =)


The Boy Who Murdered Love

03

She Who Had Been The Next.


Airi had been my "girl next door crush."

Siya yung babaeng gusto mong makita pero wala kang sapat na lakas ng loob para malapitan sya. Siya yung babaeng laging naka-ponytail na nakatira katabi ng bahay nyo. Siya yung babae na masasabi mong crush ng buong campus. Siya yung babaeng gugustuhin mong maging first love.

At sya nga ang naging first love ko. Hindi ko talaga gusto na kunin ang kanyang puso, parte lang iyon ng plano. Pangit naman pakinggan kung iiwan ko ang katawan nya sa kung saan man. Bukod sa hindi kakayanin ng konsensya ko, may respeto din naman ako sa mga babae at gusto kong maging gentleman. Mahal ko kasi sila. Silang lahat! At hanggang ngayon, mahal ko pa rin sila.

Kung iniwan ko ang katawan nya, magtataka ang makakakita nito kung bakit wala na syang puso. Baka isipin pa ng lahat na may nangyaring murder dito sa lugar namin. Hindi ko sila masisisi. Weird naman talaga kung mangyayari ang bagay na ganun. Pero wala silang magagawa, binigay sa'kin ni Airi ang puso nya. Dapat ko syang sundin. May respeto ako sa kagustuhan nya.

Ngayon, alam kong hindi naman talaga sa puso nagsisimula ang lahat, kundi sa utak. Ang puso kasi, nagpa-pump lang ng dugo para sa ating buong katawan. Paulit-ulit na sinasabi yun ng nanay ko.

"Ang sakit ng puso ko, Ma!"

Sa tuwing kinikwento ko sa kanya kung pano ako inayawan ng babaeng nagustuhan ko. Lagi nyang sinasagot sa'kin ay, "Walang kinalaman yang puso mo sa nangyari, anak. Malusog ang puso mo. Tingnan mo ang results sa scan."

At sa tuwing titingnan ko kung gano kalusog ang puso ko ay biglang lalapit ang tatay ko at bubulong sakin, "Malusog ba talaga?"

Anyway, hindi ko talaga kayang iwan ang katawan ni Airi kahit saan. Hindi nakaka-excite ang pumatay kundi ang parte kung saan hindi alam ng ibang tao na ginawa mo yun. Doon ako natuwa sa tatay ko. Swerte dahil isa syang chemist! Nagdadala sya sa bahay ng mga gamit galing sa trabaho. Saktong nasa basement din ang lahat, at may sulfuric acid.

Napakaraming sulfuric acid.

Hindi naman pala ako ganun ka-malas.

Hindi ako nahirapang chop-chop-in ang katawan ni Airi dahil nahasa na ang kakayahan ko nang gawin ko iyon sa aso ng tita ko. Madami rin kaming gardening tools kaya't naging madali rin ang pagbali ko ng ribcage nya para makuha nang buo ang puso. Ang iba pang parte ng katawan nya ay inilublob ko sa sulfuric acid para matunaw agad ang mga ito bago pa dumating ang mga magulang ko at malaman na pumatay ako ng isang magandang babae. Naging madali ang lahat.

Malalim na ang gabi nang dumating ang mga magulang ko. Nakahiga ako sa kama ko habang nakatitig sa puso ni Airi, nasa loob ito ng magandang garapon na punong-puno ng formalin.

Ang gabing iyon ay naging normal na parang walang nangyari.

Lumipas ang isang oras, nakita ko mula sa bintana ng kwarto ko ang pagdating ng mga magulang ni Airi. Alam kong pagpasok nila ay agad nilang hahanapin ang kanilang butihing anak, ngunit alam ko rin na hindi nila susubukang magtanong sa amin dahil wala namang nakakaalam kung nagkikita ba kami ng anak nya.

Magandang pangitain din ang pagkumbinsi ko kay Airi na magkikita lang kami sa tuwing walang tao, na walang makakakita sa'min kahit sino.

Kilala sya sa mga careless decisions nya kaya nang mga sumunod na araw, na hindi pa rin sya nakikita, inisip ng lahat na umalis ito at sumama sa sinasabing boyfriend daw nito.

Ibig-sabihin, naging maayos ang tadhana ng una kong babae. Kung hindi naging ganito ka-perpekto ang lahat, malamang tumigil na ako. Siguro mamumuhay na lang ako nang mag-isa, kasama si Airi, ang first love ko. Siya lang. Walang iba kundi sya lang. The end.

Pero hindi ko alam na hindi pa pala tapos ang lahat.

Dahil bigla kong nakilala si Bella Mendoza. . .





x

End of Chapter Three.

Thank you for reading!

The Boy Who Murdered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon