Chapter 12 - Break Up?/Pick-Up Lines ni Boyfie?

8.1K 86 7
                                    

 ~*~

Chapter 12 - Break Up?/Pick-Up Lines ni Boyfie?

Renzo's POV

I'm Ralph Renzo Bautista and I'm deeply inlove with Alexandra Jimeñez.

First day palang ng 2nd year College ko, napansin ko na siya, tahimik lang siya at mukhang pinagbaksakan ng langit at lupa. Narinig ko noon sa mga chismosa na kaya daw naging ganyan si Alexa ay simula nung iwan siya ng boyfriend niya.

And then one day may event sa school at nakuha akong Escort. Naghahanap din sila ng magiging Muse dahil yung nahanap daw nila ay tinatanggihan sila. Pero sabi nung isang estudyante buti na lang daw at napilit nung isang kaibigan ng nahanap nila na maging Muse ng school. at ang Muse na iyon ay si Alexandra. That day she was wearing a red dress that suit her well.

Ang ganda niya that time. And simula noon naging malapit na ako sa kanya. Nakilala ko na din ang barkada niya, hindi pala siya tahimik at mahiyain kapag kasama niya ang mga kaibigan niya. Ang dami ko ding nalaman sa kanya, Akala ko dati iniwan siya ng boyfriend niya kaya para siyang napabagsakan ng langit at lupa, yun pala ay iniwan siya or let's say hindi siya sinipot ng fiance niya.

dati nag-confess ako sa kanya sa buong stadium, akala ko yung pag-YES niya ay tunay yun pala ay wenkzzz -_-"

Nag-graduation na, hindi pa rin ako tumitigil hanggang sa hindi niya ako mapansin. Nung nag-BAR kami, hindi ko alam kung ang saya saya ko that time! Kasi naramdaman kong nahalikan ko si Alexa. Gusto kong malaman niya na nag-eexist ako sa puso niya. Then one time, kinausap ako ni Jessy na tulungan kong mag move-on si Alexa. Hindi niya naman ako inutusan tinanong niya lang ako kung ok lang sa akin. Eh sa dahil nga gusto ko makuha ang attention ni Alexa kaya pumayag ako.

Naging kami after the confrontation. 5 months passed. Naging smooth naman yung relationship namin. Pero nung isang araw, may nangyari sa Tita niya at siya ang inutusang mag-handle ng Business nila. Naiintindihan ko naman na wala siyang oras sa akin. Pero sana kahit isang greeting lang meron diba? At least malaman kong buhay pa siya.

May 04, 2012 - yang yung araw na sinagot niya ako.

And today is October 04 ;D May surprise ako sa kanya 5 months na kami ^^

Alam ko nalimutan niya kasi nga masyado na siyang nagiging workaholic ;>

I text her na susunduin ko siya sa condo niya. Pero hindi siya nagrereply. Ang tanga ko talaga! Workaholic ang girlfriend mo Renzo kaya sure ako na nasa Work yun! sabi ko sa sarili ko :pfff.

Pumunta ako sa Office niya. Kaya pala hindi nagrereply nasa meeting pala. Ti-next ko na lang ulit siya na hihintayin ko siya sa Seaside. Nandun kasi ang surprise ko ^^

twelve midnight na, wala pa din siya.... pinagtitinginan na ako ng mga tao, halos lahat kasi mga love birds ang nandito at ako lang ang nagiisang lalaki dito na parang tangang naghihintay sa wala....

Runaway Groom -- (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon