~*~
Chapter 51:
Chris's POV
(Timeline: PRESENT-2 days passed simula nung nagdate sila Chris at Alexa/ at nagshopping si Renzo with his mother and Louella)
Bagong taon. Bagong buhay. Grabe, hindi ko aakalain na magiging ganito ulit ako kasaya. Simula kasi nung nahiwalay ako kay Alexa, hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko, akala ko hindi na ako sasaya, at hindi ko na makakasama ang mahal ko sa buhay.
Alam ko hindi niyo alam kung anong ugali ko. Dahil bigla na lang ako sumulpot dito. At sa pagsulpot ko na iyon, nasira yung gusto niyo, sina Alexa at Renzo. Pero masisisi niyo ba ako? Gusto ko lang din naman maging masaya, yun nga lang, masaya na sana nung una pa lang, sinira ko lang.
Ito kasi ang mahirap sa buhay, yung hindi mo alam yung gagawin mo. Para kang iniwan ng taong nasa paligid mo. Ang mag desisyon. Parang nung college, hindi mo alam kung anong kukunin mong course, at school. Pero sa huli, kung ano pa yung una mong naisip yun din yung kinuha mo, right?
*sigh*
"Oh, anak? Bakit ka naman napabuntong-hininga jan?" sabi ng Mama ko, hindi pa din kasi sila umaalis, next week pa.
"Oo nga, kuya ang baho kaya ng hininga mo!" sabi ng bunso kong kapatid. Si Cherry, 8 years old pa lang siya. Sa States siya lumaki, and nauwi lang siya dito kung uuwi sina Mama at Papa.
Napatingin tuloy ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Anong sabi mo?" sabi ko at lumapit sa kanya, nakaupo kasi kami sa sofa.
"Wala po!!" sabi niya at tumayo at tumakbo. "Tatakbuhan mo pa ako ha?" sabi ko at hinabol na siya.
Nung nahabol ko siya, binuhat ko siya at kiniliti. "hahahaha. Mama oh! Si Kuya po!!" sumbong niya kay Mama na nasa kusina."Magsusumbong ka pa ha?" at lalo ko pa siyang kiniliti.
"Ssshh. Wag kayo maingay, natutulog pa ang Papa niyo" sabi ni Mama, kaya naman tinigilan ko na din kilitiin yung kapatid ko, pagkababa niya naman tumakbo na siya ulit doon sa sofa at dumila pa! Aba?! ang batang to.
Tumabi ako sa kanya at ginulo yung buhok niya. "Mamimiss kita Cherry. Alagaan mo sina Mama ha?"
"huh? Baliw ka kuya? Next week pa alis namin ha?" sabi niya at sumandal sa balikat ko, nako, ang batang to, nagpapalambing.
"Oo nga, pero saglit na lang ang next week"
"bakit kasi ayaw mo sa U.S.? Para magkakasama tayo?"
"kasi.... nandito yung mahal ko"
"sino bang mahal mo?" sabi niya, kaya naman napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Si Ate Alexa mo, hindi mo ba tanda?" sabi ko, tiningnan ko naman yung reaksyon niya, nag-iisip.
Bigla namang lumiwanag yung mukha niya at sinabing.... "Ah! Yung sinipa yung gulong at binasag yung salamin ng kotse, siya ba yun?"tanong niya sa akin, teka? Kelan nangyari yon.
"Nangyari yun kuya, nung wala ka, mahal ka din niya no?" nung wala ako? Ah. .... nung kasal.
Nginitian ko na lang siya at sinabing "Oo naman, mahal niya ako, mahal ko siya, kaya kami na"
BINABASA MO ANG
Runaway Groom -- (EDITING)
Teen FictionSimpleng babae lang naman ako, na gustong ikasal. Makaranas ng isang Best Wedding Ever. Matutupad ko na yun eh, kasama yung taong mahal na mahal ko, pero bakit ipinagkait mo sa akin yun? Bakit mo nagawa yun? Bakit mo ako iniwan?