HUDSON (FOUR)

4K 123 16
                                    

TINAPIK ako ni Dane sa braso sa tindi ng excitement niya. "That's my man!"

Inismiran ko siya. "Shut up."

"So, date kayo sa Sabado?"

I scanned the whole place, scared that someone might hear him, before throwing a punch in his arm. "Can't you keep your mouth shut?"

"Why? Ano naman kung may makarinig? Gagawa naman kayo ng project."

Pinandilatan ko siya. Natawa lang ang gago. Iniiwasan ko lang na may makarinig dahil baka makarating kay motherfucking Reese. It's not that I'm scared of him.

Sabi kasi nila Macey, hindi daw friendly sa mga lalaki si Autumn. Hindi daw ito snob, hindi lang daw talaga gusto ni Reese na may dumidikit na iba dito. Isang sabi lang daw ni Reese ay lumalayo daw agad si Autumn sa lalaki. Kapag nalaman daw nitong magkakasama kami ay paniguradong pagsasabihan nito si Autumn and she would obey him without second thought.

It's fucking killing me but I don't wanna risk the chance of being with her.

Tang ina. I sound desperate. And I'm not even cringing at myself for sounding like that. It's scaring me.

"Hudson!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto ng classroom namin. Namilog ang mga mata ko nang makita si Autumn na nakatayo doon. She fucking waved at me! Hindi ko na pinatulan pa ang paniniko ng mga tarantado kong kaibigan because I'm too preoccupied by the thought that she's here.

For me!

Tinulak ako nila Dane patayo dahil mukha na akong tangang gwapo na nakatulala lang kay Autumn. Shit. Why am I acting like an awkward teenage boy having his first crush? God!

"Hi! I texted you but you didn't reply."

What? Oh, crap! I don't have my phone with me! Hiniram ni Macey! Kaasar! "Sorry, I left my phone."

Ngumiti siya. "Okay lang. Itatanong ko lang sana kung may vacant time ka today?"

"Uhm..." Natatakot akong magsabi na whole day ako ngayon dahil baka may mas importante kaming gawin ni Autumn.

"Ayos lang kung wala. Punta sana tayong library, manghihiram tayo ng book para sa project natin. After na lang siguro ng class mo? Kung wala kang ibang lakad."

"No! Wala!" Nabigla siya sa sigaw ko. Geez. Ang atat ko naman kasi! "I-I mean... Pwede tayong pumunta mamayang lunch."

Tumango siya. "Okay, sige."

And that was the longest two hours of my life. Pakiramdam ko isang dekada ang hinintay ko bago sumapit ang lunch. Nagkukumahog ako palabas ng classroom nang mag-dismiss ang Finance professor namin.

Dumiretso ako sa cafeteria para puntahan si Macey at kunin ang phone ko. Sinipat niya ako ng matalim na tingin kasunod ang nanunuyang ngiti.

"Nag-text si Autumn. Punta daw kayong library."

Sinimangutan ko siya. "You read my messages?"

"Nag-pop sa screen. Nabasa ko but I didn't open it."

"Tsismosa."

Binato niya ako ng popcorn. "My Autumn pa, ha! Sigurado kang sa 'yo?"

My Autumn is the name I saved for Autumn's number. I grimaced. I'm not usually pikon but I so wanna strangle Macey right now.

Umingos si Steff. "Close na kayo?"

"Gagawa lang kami ng project."

Tinalikuran ko na sila. I texted Autumn na papunta na ako sa library. Panay ang sulyap ko sa phone kung nag-reply na siya pero wala. I sighed. It's okay. Sa library ko na lang siya hihintayin.

Almost Feels Like Always (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon