Aubrey's POV
"Hello, Ninang Julie!" Tuwang-tuwa kong sabi sa facetime.
"Kamusta ka na dyan, inaanak? Miss na kita. Kung alam mo lang, gosh! Wala na kong ina-outfit-an na girlalu dito!" Reklamo niya.
"Come home na kasi Ninang! Miss ka na ni mommy! Wala na daw siyang baklitang kinakausap dito." Natatawang sabi ko.
"Kung pwede lang umuwi na dyan. May tinatapos pa ako dito sa states kaya di pa pwede. Miss ko na din kamo siyang bruha siya."
Siya yung guardian ko nung nasa states pa ko.
"Balitaan mo naman ako, Bree! Ano? May mga boys ba diyan na pogi?"
"Ninang naman."
"Tinatanong ko lang naman. Kuya mo? Nasaan? Pakausap nga ako."
"Nasa baba siya, ninang. Nakikipaginuman sa mga kaibigan niya."
"Naku! Napapadalas inom ng kuya mo ha! Pakausap nga ako dali! Pagsasabihan ko."
"Ninang, nakakatamad bumaba." Iling ko sakanya.
"Aubrey, pagsasabihan ko lang naman ang kuya mo at gusto ko din siya kausapin." Mahinahon na sabi niya.
Kaya bumaba ako ng hagdan at nakasalubong si mama.
"Ninang! Si mama oh!"
"Baklita!" Mama squealed and Ninang also, ang ingay.
"I miss you so much, bruha!" They also talked using my phone and nagchi-chitchat lang sila.
"Sige na, bakla. Matutulog na ko."
"Okay! Kausapin ko lang yung panganay mo. Good night, bff!" At nag-flying kiss pa si ninang. Lumabas ako ng garden at nakita ko sila sa may table beside the pool.
"Kuya!" At tumingin si kuya saakin pati narin ang mga kasama niya.
"Speaking of-" at binatukan ni Julius si Azrael.
Cameron's POV
Hindi na naman ako makatulog. Nakailang biling na ko sa kama. It's almost 2am na. Shìt talaga. Buti nalang tanghali pa ang klase ko bukas.
"Julius." Sabi ko nang sumagot siya sa phone.
"What's up! Wow, mag-alas dos na. Himala gising ka pa."
"Saan ka?" Tanong ko agad sakanya.
"On the way to Batangas, bakit?"
"Tàngina naman. Out of town nga pala kayo tonight."
"Yeah, pagkauwi ko galing kila Bry, umalis na agad kami."
"Ingat nalang." Sabi ko.
"Teka. Bakit? Is something bothering you?"
"I.. I really don't know, Julius." Sagot ko kasi hindi ko naman talaga alam? It was rare na hindi ako makatulog ng ganitong madaling araw. Kadalasan 12 antok na antok na ko. Kaya pagkauwi ko galing bar o inuman, mouth wash at diretso tulog na agad.
"Spit it out kapag natanong mo na sa sarili mo."
"Yeah, thanks bro." And I hang up the call.
Nandito kami ngayon sa cafè tapat ng university. Wala pa si Brayden kaya nagkwentuhan muna kaming apat.
"Swerte ni gàgo. Pa-relax nalang ngayon sa Batangas." Sabi ni Byron na kausap si Julius sa face time.
"Madami bang chicks dyan pare? Uwian mo naman kami." Singit ni Azrael.
"Hindi ako tumitingin, bro. Loyal na 'to." Sagot ni Julius.
"Tàngina. Anong ginawa sa'yo ni Eleanor? Ikaw pa ba yan?" Pabirong sabi ni Azi.
Hindi ko alam kung bakit lahat ng kaibigan ko may mga girlfriend o naging girlfriend na. Samantalang ako, wala akong matandaan na nagustuhan ko. Minsan nakwe-kwestiyon ko ang pagka-lalaki ko. Pinakikiramdaman ko minsan na baka may feelings na ko sa mga kaibigan ko. Good thing wala naman kasi kadiri!
"Nabi-bitter yung isa dyan. Palibhasa walang girlfriend." Tukso ni Julius at natawa naman itong dalawa gàgo kong kasama.
"Wala ka bang pinopormahan? O baka torpe ka lang?" Tanong ni Azi.
"Bro, wala ng torpe-torpe ngayon. Dakmain mo agad kapag nandyan na." Advice 'kuno' ni Julius.
"Hindi ako torpe! Jesus, I just can't find the right girl for me." Sagot ko, which is totoo naman. Yes, I flirt with girls but that's it. After non, there's nothing na.
"Hey, tell me.." sabi ni Julius.
"Tell you what?"
"Are you a homo, bro?"
"Shìt naman, Julius!" At tumawa silang tatlo.
"Baka naman kasi si 'ano' ang gusto mo." Sabi ni Byron.
"Who?"
"Edi si 'ano'." Ulit niya. Tumingin naman saakin silang tatlo at nagbigay na nangaasar na tingin.
"Mga gàgo kayo, hindi!" I defended. Kung si Aubrey lang ang tinutukoy nila. Shìt, no way! She's just a friend. We talked once but just a friendly talk. Nothing more, nothing less.
"Am I missing something?" Kakadating lang ni Brayden.
"Hindi mo ata kasama yung bubuwit." Tanong ni Byron sabay tingin saakin. I mouthed 'Fùck yòu' to him.
"May klase. Sunduin ko mamaya." Sagot niya. "Ano bang pinaguusapan niyo?"
"Ito kasing si Cameron. Nakakapagtaka, hindi ko pa nakitang nagkaroon ng girlfriend o pinopormahan. Bakla ata eh."
"Me? Gay? Not happening." Sagot ko.
"Baka naman, ayaw lang sabihin saatin?" Sabi ni Bry. Ang kukulit ng mga to! Palibhasa mga malalandi eh. Napailing nalang ako sa sinabi niya.
"Kapag may nagustuhan ka Ron, sabihin mo saakin. Ako bahala." Dugtong niya.
Biglang tumunog iyong phone ko at nakita ang pangalan ni dad.
"Hey, dad." Sagot ko sa tawag. "Hello, tito!" sigaw nilang apat.
"Anak, I need you here in my office now."
"Dad, may klase pa ko mamayang hapon." Dahilan ko sakanya.
"Anak, maga-alas dose palang. Mamayang 4:00PM pa naman ang klase mo, diba?"
"How did you know, dad?" 'cause how come na alam niya? Minsan nga hindi na kami nagkikita sa bahay dahil gabi na ako umuuwi. Kahit minsanan nalang ako umuwi doon, kung wala lang talaga siya doon hindi ako magtitiis sa condo unit ko.
"I know your schedule." sagot niya. "Come here, my son. I want to talk to you."
"Mr. Adzuara is waiting for you inside." sabi ng secretary pagkalabas ko mula sa elevator dito sa floor ng opisina niya. Tinanguan ko ang babae at pinagbuksan niya ako ng pinto.
Pagkapasok ko ay nakatalikod si dad mula saakin at nakatanaw lang sa malaking glass window sa likod niya.
"Dad." at lumingon siya saakin.
"Sit down, Cameron." he said handing me the sit in front of his desk.
"What is it you want to talk about, dad?" I asked fixing the buttons of my uniform.
"I want to leave my business to you."
"What, dad?" I asked in a confused tone.
"It's just for awhile. Gusto ko masanay ka na magpatakbo nitong kompanya natin and besides, graduating ka na next school year. So I think this can be your practice aside from your tasks in the school." dad explained.
I really don't wanna accept it. I just think, I don't deserve to replace him. He's an excellent man. I can assure you that, he's one of the top here in the country and also in Asia. Paano nalang kapag ako ang humawak? I don't know why I am thinking this way. I sighed to myself.
Maybe, I don't trust myself that much.