Chapter Thirteen

7 0 0
                                    

Cameron's POV

So yeah! Inaya ko si Aubrey on a friendly dinner date later. I planned everything actually. The place, the food, the music and everything! I even send her a dress to wear. She's happy to be with, may sense of humor siya na bihira nalang na tao ang may ganon ngayon. And that's why I asked her for a friendly date because I want to be with her.

I was driving on my way to her place when she called.

"You ready?" I said pagka sagot ko palang ng tawag.

"Nakakainis ka naman!" There she is again with her pabebe accent.

"What?" I said laughing. "Ano na namang inaarte mo?" Dugtong ko.

"Bakit mo ko pinadalhan ng dress?" Sagot niya.

"Kasi gusto ko? I spent an hour finding a dress for you kaya appreciate mo naman!" Sabi ko sakanya ng may tonong nangongonsensya.

"It's beautiful kaya!" Ang conyo talaga pakinggan. "What I mean is! You don't need to buy me this! Nakakahiya naman." She continued.

"Ang arte talaga." Natatawa kong sabi.

"Anong sabi mo?" Naimagine ko agad na pumapamewang na siya sa kabilang linya.

"Ang sabi ko mag-ready ka na kasi papunta na ako!" And I hang up the call.

I was 5 minutes away pa and I received a text.

"I hate you!" Natawa na lamang ako at maya-maya ay I pulled the car infront of their house.

Bumaba na ako ng kotse at pinapasok naman ako ng guard nila.

Aubrey's POV

"Oh my god!" I said still in shock. "Are you serious?" And he nodded. Natatawa pa siya ng kaunti.

"Ayaw mo ba?" hindi ko naman siya masagot dahil wala naman akong ineexpect na ganito.

I was really expecting na dadalhin niya ako sa restaurant or isang venue dahil ang ganda ng dress na pinadala niya kanina. Akala ko pa nga na-wrong address iyong nagdedeliver! Sino ba kasing magpapadeliver pa eh kung pwede namang iabot ni Cameron? Ano yun? Nagtatapon lang ng pera?

"Saatin lahat 'to?" Tanong ko still in awe. "Saatin ba 'tong lahat? Tayo lang kakain dito?"

"If you wish." His lips curved. Umalis siya sandali at kumuha lang pala ng upuan na mono block at itinabi niya doon sa bike ng fish ball-an. Yes! Idinala niya ako sa fish ball-an, grabeng nostalgic nung bata pa ako! Meron din silang kikiam, kwek-kwek, tokwa at iyong squid ball. Mayroon pa iyong samalamig tabi ng kalan na pinaglulutuan.

"Alam mo, Cam. Hindi ko alam kung iniinis mo ako kaya mo ko dinala dito pero sabihin ko lang sa'yo na hindi ako nainis," sabi ko habang puno pa ng fish ball iyong bibig ko. "In fairness, ang sarap ng sawsawan ha!" I added.

"Kuya magkano yung samalamig? Pabiling dalawa." Sabi ko sa tindero na tuloy-tuloy lang sa pag-refill ng pagkain doon sa kalan. Napakunot ng ulo si Cameron.

"Oh bakit nakakunot 'yang noo mo?" Tanong ko sakanya at medyo nakakunot na noo din. "Ayaw mo ba ng samalamig? Sige, kuya. Isa nal--"

"Aubrey, inarkila ko itong fish ball-an ni kuyang tindero kaya ask everything that you want." He said at kumakagat pa doon sa kwek-kwek niya.

Binigyan kami ni kuya nung samalamig. Ang lamig! Ang sarap! Tagal ko nang hindi nakakain nito, muntik ko na ngang makalimutan na nage-exist pa 'tong food na 'to dahil wala naman sa states nito. Habang umiinom ako dahil bigla akong nauhaw sa dami ba naman ng kinakain ko ngayon, biglang may lumabas na nagvi-violin at nagsa-sax out of nowhere. Muntik ko nang maibugha iyong iniinom ko.

"Seriously, Cameron?!" Tanong ko sakanya at tumatawa-tawa pa siya. Sira talaga! Imagine naman, kumakain kami ng mga tusok-tusok tapos may pa-music pang ganito ang loko!

"Ayaw mo ba? Nagmukha ngang romantic eh. Baka mainlove ka bigla?" Panga-asar niya.

"Ang kapal naman! Mas makapal pa doon sa book ng Civil Code of the Philippines!" At umiirap-irap pa ako sakanya.

"Joke lang!" Sagot niya. "Ito naman! Parang tanga." At inirapan ko lang siya.

Kumain lang kami nang kumain hanggang sa bundat na bundat na ako. Sayang naman iyong paga-arkila niya kung hindi susulitin, hindi ba? Hindi ko nga alam kung kailan ang next time na makakakain ako nito ulit eh. Ang arte naman kasi ni kuya! Ayaw kumain ng ganito! Napakaarte talaga!

"Cam, thank you." And he smiled. Hinihimas ko iyong tiyan ko dahil medyo masakit na. "Alam mo feeling ko, ang swerte ng magiging girlfriend mo," dugtong ko.

"Bakit naman?" He chuckled.

"Kahit pangit ka, mukhang masungit, gulo-gulo lagi buhok, mabait ka din pala." I said jokingly at tinapik niya iyong braso ko.

"Parehas lang tayong pangit! Ako lang ang minention?" He glared. "You're welcome nga pala."

Nandito kami ngayon ni Francis sa Mataas na Kahoy, Batangas. Nagtravel ng slight? Masaya naman ako sa piling niya, but is it normal na I don't feel much romantic feelings para sakanya? I'm trying to sweep the thought away nang pumasok siya.

"Let's swim?" Aya niya saakin. Sinuot ko na iyong swimsuit ko at nag-robe. Private ang infinity pool na ito kaya kaming dalawa lang. After namin mag-swimming ay nagskinny dip muna kami habang naguusap.

"So how's school?" I asked him. He answered me with a shrugged and chuckled. "Why? Nahihirapan ka ba?"

"No? I guess? My course is okay. Medyo nakakapagod lang sa dami ng gagawin. Matagal-tagal pa ko maga-aral. But thinking it's worth it."

"Good luck! Malayo-layo ka pa." I answered. "I'm here to support you sa pagla-law mo." I smiled.

"Thank you, Aubrey." He replied. "Ikaw? How's engineering life?"

"Actually, naninibago ako." Honestly speaking. "Sa Tuesday na yata ibibigay iyong mga plates na gagawin namin."

"I can help you!" He said. "I mean, if you want."

Nandito na kami sa hotel room at naliligo na siya dahil tapos na ako. I was drying my hair with a towel nang tumunog ang phone niya.

Skipper

"I'm watching you. Ayus-ayusin mo."

Hala? Nandito si kuya? Sobrang pagka-paranoid naman ng lalaking 'yon!

IssuesWhere stories live. Discover now