Cameron's POV
I really don't know kung bakit ko siya pinuntahan. I just felt the need to see her. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin nung una. And then I remembered this place, the place where I go to temporarily escape from chaos.
"Saan mo ba ko dadalhin?" There was a worry on her voice. "Bakit ang daming puno tapos walang ilaw?" At nilibot niya ang tingin niya sa paligid.
I hold her shoulders and squeeze them. "Hindi naman kita ililigaw." I said to calm her.
Hininto ko ang sasakyan malapit sa peak ng hill. Pinagbuksan ko siya ng pinto at lumabas naman siya.
"Napakadilim naman dito. Wala ka talagang gagawing masama ha?" She said with anxiety in her voice.
"Wala nga." Natatawa kong sagot. I lend my hand to her at tinignan niya muna ito bago niya ipatong ang kamay niya.
Habang papalapit kami sa peak ay unti-unting lumiliwanag.
"Woah." Sabi niya ng makarating kami malapit sa peak. The view of Manila and the city lights. I watch her eyes glowing as she stare on the view.
Inilatag ko ang telang dala ko para doon maupo. Lagi kong dala itong tela sa kotse ko. "How did you know this place? I... I can't find the right word to say."
"I go here everytime.... everytime it feels I feel the need to go away with the real world. This is my safe place." I said to her. She smiled to me. I can see the light reflecting on her eyes. It's... beautiful. "And I want it to share with you." her smile grew bigger.
"Sige, dito din ako pupunta kapag malungkot ako." She said. "Kaso, wala bang moo-moo dito?" She gave the 'worry' eyes again.
"Sometimes, I'm feeling something..." she panicked at ginawang kumot iyong tela. "I'm kidding." And I laughed.
"Nakakainis ka!" There she is again with her pabebe foreign accent.
"The city is so beautiful but if you look closer and closer, you'll see what's happening inside it. Chaos, the people." I sighed.
"But, there's still something beautiful inside it kahit na sobrang daming mali." She said at nakatingin parin sa overview.
"Ano naman 'yun?" Tanong ko sakanya.
"I don't know," she giggled and turned her head to me. "I really don't, mahahanap mo yun in the future." She said.
"Siguro nga." And I smiled to calm the mood. "Hindi ka ba nilalamig?" Tanong ko sakanya dahil naka-robe lang siya at may chemise sa ilalim.
"A little bit. Paano naman kasi!" She said with an annoyed face.
"Ano na naman?" At pinitik ko ang noo niya.
"Tignan mo! Sinasaktan mo ko!" Hampas niya saakin. "Ayoko na nga." She pouted.
"Brat!" Sabi ko at tumanggap na naman ako ng hampas. "Nakaka-dalawa ka na ha!" At hinampas niya ko ulit.
She giggled. "Bakit? Sasaktan mo ba ko?"
"Isa pa! Iiwan kita dito." I jokingly said.
"Edi papasundo ako kay kuya!" At hinampas niya ako sa braso.
"Pasundo ka sa kuya mong lasing." I said at tumayo doon sa tela at lumakad palayo.
"Cam..." she said. "Cam, joke lang naman." nilingon ko siya at hawak-hawak niya iyong tela. "Uuwi na ba tayo?" tanong niya.
"Ako lang. Ikaw, dito ka." And then she pouted.
"Sorry na!" At napailing nalang ako at tumawa. We were driving home at maga-alas tres na pala ng madaling araw.
Nawala na yung pagka-tipsy ko at nakatulog na din itong katabi ko. Nakita kong nakahawi ang robe niya, revealing her legs. May naramdaman akong kakaiba kaya hinawi ko ang robe niya para matakpan ito. No, Cameron.
Biglang nag-ring iyong phone niya at nagising siya, tumingin siya sa paligid bago kuhanin iyong phone niya. Tinapat niya iyon sa tenga niya at pumikit ulit.
"Francis." She said in a very low tone.
"Antok na ko." She whined a little at kumunot iyong noo niya.
"Eh! I don't want that!" Ang conyo talaga magsalita.
"Hmm." She hummed at halatang nakatulog dahil tumatagilid iyong ulo niya.
"Y-yeah, I'm still here!" She said light startled. "Okay, good night?" And she let out a little laugh. Nilagay niya agad sa lalagyan ang phone niya tabi ng kambyo ng sasakyan.
Pagkapasok namin ng village nila ay ginising ko siya.
"Hey." I said slightly wiggling her at nagising naman siya. "Magisip ka na ng paraan kung paano ka papasok nang hindi nakikita ng guard." I laughed.
With her hooded eyes biglang kumunot iyong noo niya.
"Kidding. Ako gagawa ng paraan." Nilagpasan ko iyong bahay nila ng kaunti.
"Lagpas ka na!" She said.
"Alam ko, baba ka dito. Lapit ka pa ng kaunti sa bahay basta yung hindi ka makikita. Pasok ka when you have the chance." I explained.
"Anong gagawin mo?" She asked.
"Basta. Baba ka na." I said. "Thank you for tonight." I smiled to her.
"Thank you din." She said at bumaba na.
Pumunta ako sa kabilang side ng bahay nila at hininto ang kotse. Bumaba ako at nilapitan ang guard nila.
"Boss, patulong naman. Ayaw kasi mag-start ng sasakyan ko. Baka pwedeng patulak?" I said.
"Sige, boss. Ano ba yan, ang ganda-ganda ng kotse niyo, sira naman." He jokingly said with a hint of bisaya.
Pagkapunta ng lalaki sa likod ng sasakyan ay nakita ko si Aubrey na pumasok na ng gate while sneaking. Tinignan niya ang direksyon ko and she waved goodbye at tinanguan ko siya. Pinaandar ko ang kotse at nag-start ito.
"Ayan, okay naman pala eh!" Sabi nung mama.
"Pasensya ka na, manong. Kanina kasi ayaw mag-start." I reasoned out. I thank him at umalis na doon.
I received a text.
Aubrey
Thanks again! Hmm, let's sleep?
My lips formed a smile immediately.
Thanks for being with me. I sure have a good night. Sleep, sugarhead.
And I smiled unconciously again after sending my reply.