Aubrey's POV
Shìt. Hindi ko napansin na may kiss mark palang naiwan sa paghalik ni Cam saakin kagabi. This is so freaking awkward.
"Wala--"
"Don't tell me.." he said. "Baby ka pa, Aubrey." Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sakanya. May conclusion agad siya?
"Kuya!" Irita kong sabi. "Hindi kami nag-sex!" I swept away the embarassment forming.
"Wala pa 'kong sinasabi." He laughed. "Saan naman galing 'yan kung ganoon?" Hindi ako nakasagot.
Anong sasabihin ko? Hinalikan niya lang ang leeg ko? Sasabihin kong dare lang iyon at naghubad naman si Cam sa harap ko at nakita iyong ano niya na nakakaloka ang haba? Baka bigla akong ihulog nito palabas ng kotse!
"Momol?" Kumunot ang noo ko.
"Ano 'yun?" I confusedly asked.
Ang daming nalalaman nitong si kuya. Street language ba 'yon? O nasa dictionary talaga?
"Make out make out lang." He said. "In short, momol." I made a disgust face.
"Yeah, I guess you can say that." Hindi pa ako sigurado sa pagsabi ko.
He got his phone and dial someone. Walang sumagot noong una kaya tumawag ulit siya. He cleared his throat after. "Hey, bro." Ngumingisi pa siya.
"Patay kang gàgo ka 'pag nagkita tayo." Tumatawa pa siya. "Ginagapang mo na pala 'tong katapid ko... anong kiss lang?... kiss? Eh may chikinini sa leeg?" Nasapo ko na lamang ang noo ko, nakakahiya ang mga lengwahe ni kuya. Ganito ba talaga siya sa mga kaibigan niya?
"Seryosong usapan, Levi Cameron Adzuara." Biglang seryoso ng boses niya. "Once you fùck my sister, I'll chop your dick off your body.. unless you guys are married already." Nanlaki ang mata ko.
"Kadiri ka kuya!" Ngiwi ko. "Ang brutal mo pa!"
Tinanggal ni kuya ang phone niya mula sa pagkadikit sa tainga niya at inilayo ito mula sakanya. "Shh ka lang. Binibigyan ko ng threat si gàgo." He whispered.
"Nagkakaintindihan ba tayo? Inom tayo mamaya, madaming chicks... anong pass? 'Di naman malalaman ng kapatid ko... loyal ka naman masyado, pa-good boy ka pa." He laughed. Napakadaldal talaga eh no? Kapag ang hanap niyo ay yung guy who can do both, si kuya na 'yun.
Naalala ko na naman nung iniinterview ako ng mga babae kong kaklase, kung masungit daw ba talaga si kuya, kung may girlfriend na daw ba, nililigawan, nagugustuhan, pwede daw bang magpalakad, bakit daw laging mukhang galit. Hindi nila alam na baliw 'to. Mura nang mura, laging nangloloko sa circle of friends niya.
Naalala ko noong pinrank nila si Azrael, nagpanggap silang magnanakaw sa bahay nila. Bigla daw silang pumasok sa kwarto-- actually sinira talaga nila yung pintuan. Naabutan daw nilang walang damit si Azrael na natutulog, siguro ganun talaga siya? Mangiyak-ngiyak na daw siya noon kakatawa dahil sa reaksyon ng kaibigan niya.
Buti nalang hindi nabaril ni Azrael 'to pati ang mga kaibigan niya. Baliw talaga.
"Kausapin ka daw." Sabay lapit saakin ni kuya nung phone niya. I grabbed it at inilapit sa tenga ko.
"Hello." Rinig ko mula sa kabilang linya. "Okay na ba kayo ni Brayden?"
I smiled to myself. "Yes, okay na kami ni kuya."
I heard a sigh of relief on the other line. "That's good. Pwede ba 'kong uminom mamaya?" I laughed, nagpapaalam ba talaga siya saakin? "Sabihin mo kung ayaw mo, 'di ako sasama."
"You can." I said.
"Really? Really, if you say 'no', I won't really go." He said clearing things out.