Chapter Twenty Six

5 0 0
                                    

Aubrey's POV

Nakasalubong ko si Eleanor habang naglalakad ako sa building ng Archi. Dito din pala siya nag-aaral, nalaman ko lang noong nagke-kwentuhan kami sa kusina ng condo ni Julius. Hindi lang kami nagkikita dahil ilang building ang pagitan ng Archi Building sa Engineering Department.

"Eleanor!" Tawag ko sakanya. Inikot niya ang tingin niya at kumaway-kaway ako para makita niya ako.

Napangiti agad siya nang makita ako at lumapit saakin. "Uy! Saan ka galing?"

"Galing ako sa lib dito. May binalik lang akong libro." Sabay pakita sakanya noong hawak ko na library card. "Ikaw? May pupuntahan ka ba?"

"Oo! Sama ka na saakin!" She said. "May klase ka pa ba?" Umiling ako. Uuwi na dapat ako after dahil naging panel daw ang prof namin para sa next subject sa isang defense ng thesis. Dapat hahanapin ko si kuya after nito kaso hintayin ko nalang siguro yung text niya.

Hinawakan niya ako at kinaladkad palabas ng building. "Saan ba tayo pupunta?" Tumigil siya sandali.

"May laban ngayon si Julius sa basketball." Nakangisi niyang sabi. "Lagot ako sakanya kapag hindi ako nanood eh."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumungo na kami sa gym ng university. Malayo-layo palang kami ay rinig na rinig na namin ang sigawan ng crowd kaya alam na naguumpisa na iyong laban.

"Late na ako ng isang oras. Ang dami ko pa kasing ginawa. Ang lulurit kasi ng groupmates ko." Inis na sabi niya.

"Alvarez for three!" Sabi ng commentator ng laro at biglang nagsigawan ang mga tao. Pagkarinig palang namin ng apelyido ni Julius ay napabilis na ang lakad ni El, ang cute nilang couple.

Pagkapasok namin sa gym ay napakadaming tao. Nahahati sa dalawang kulay ang suot ng crowd, ang iba ay nakasuot maroon at ang iba naman ay mga nakakulay green.

Doon kami tumungo sa mga nakakulay maroon dahil iyon ang kulay ng school namin. Medyo nahirapan kami humanap ng upuan noong una pero sa huli ay nakaupo naman kami.

"Captain Ferrer is inside the court!" Sabi ng commentator at nakakabinging sigawan ang bumalot sa gym.

Kaya lumalaki ang ulo ng lalaking 'to eh. Kitang-kita mo iyong ang daming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Actually parang si kuya lang. Ganoon ba talaga kapag captain ball? Madami agad babaeng magkakandarapa sa'yo?

Twenty one ang lamang ng team nila Julius sa first half ng laro. Habang nagpupulong pa iyong mga team kasama ng coach nila ay chineck ko ang phone ko. Si kuya lang ang nagtext doon.

Gwapong Kuya

"Nanonood kami ng basketball sa gym. Dismissed na ba kayo?"

I typed a reply. "Yeah, nasa gym din kami. Kasama ko si Eleanor."

Nang matapos ang laro ay saka lang kami nagkita-kita nila kuya. Panalo ang team ng school namin kaya ang daming nagsasaya. Ang dami nagsasaya. Best player daw si Julius kaya tuwang-tuwa si El kanina. Sabi ng katabi namin, kadalasan daw nagsasalitan lang kung sino ang best player kay Julius at Dylan. May rumor pa nga daw na baka si Julius na daw ang captain ball next year kapag graduate na si Dylan.

"Kuya, nasaan si--" pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"Si Cam? Hindi na nga nanood eh. May pupuntahan pa daw. Hindi ba nagsabi sa'yo?" At umiling ako. Umikot ang mata ko at nakitang nakatingin saakin si Dylan. Napapalibutan siya ng mga babaeng nagpa-papicture sakanya.

Kinindatan niya ako at inukatan ko naman siya ng mata. Nakita kong iniwan niya iyong mga babaeng nagpa-papicture at pinuntahan ako.

"Kuya, okay lang." Sabi ko ng nag-tiim ang bagang niya.

IssuesWhere stories live. Discover now