Aubrey's POV
Maya't maya pinagdadasal ko na sana panaginip lang ang lahat. Na sana mamaya magising na ako at yakapin ako ni Cam at sabihing mahal niya ako. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Wala ng klase dahil tapos naman na ang finals. Ang laking relief ko nung tapos na ang finals eh, kaso after nun may ganun palang mangyayari.
Nandito pa din ako sa kwarto, wala naman akong ginawa kundi umiyak simula nang paguusap namin nila kuya kanina. Kapag napagod hihinto, kapag naalala iiyak ulit. Ganun naman talaga. Kapag wala ka ng magawa, iiyak ka nalang.
"Aubrey." Rinig kong may kumatok sa pintuan at patuloy na pumihit ang door knob. "Buksan mo yung pinto. Let's eat, anak. You already skipped lunch."
"I'm not hungry." Medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig niya.
Thankfully, hindi na niya ako pinilit pa. Ayoko na muna kasi ng kausap ngayon. Eventually, napagod na din ako kakangawa sa kwarto. Maya-maya naramdaman kong bumigat ang mga mata ko at unti-unti itong pumikit.
Nakita ko siya sa bumukas na elevator. There he is! After ilang weeks ng paghahanap nakita ko din siya.
"Umuwi ka na." He said.
"Did you ever love me?"
"Never."
Nagising ako. Damn it! I'm crying again. Hanggang sa pagtulog ko, umuulit lahat, hanggang paggising ko nandun pa din yung alaala. The scene is blurr, parang nag-skip lahat hanggang sa huling salitang sinabi niya.
"Brayden, anak." Rinig kong katok ni mama sa kabilang kwarto, kwarto ni kuya. Sunod ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan.
"Bakit, ma?" Tanong ni kuya.
"Yung mga kaibigan mo nasa baba." Sabi ni mama. I froze on what I heard. Nandito si Cam? Ang kapal talaga ng mukha niya. Nakatungtong pa siya sa bahay namin matapos niya 'kong lokohin.
"Okay. I'll just wear my clothes, ma." He said. "Si Aubrey? Tulog ba?" Tanong niya.
"Hindi ko alam. Hindi ko pa nakikita." Malungkot na sabi ni mama.
"Huwag niyo muna siyang pababain, ma. Baka makita pa niya si Ron." My jaw tightened on what I heard. Ako pa talaga ang maga-adjust para sakanila. Parang ako pa ang kailangan umiwas.
This thing will surely scar me for a long time, maybe forever. I don't forget things easily, yung ama ko ngang sinaktan ako hindi ko pa fully napatawad, siya pa kaya?
Maya-maya ay nagring ang phone ko. I saw Dylan's name and answered it.
"Just checking if you're alive." He said. "You left your bag in my car."
"Okay, kukunin ko nalang bukas." I said in my tired voice.
"Come out. I'm outside." Napapikit ako sa narinig ko. Damn, Dylan!
"Bukas na." Sabi ko at pinatay ang tawag. Bahala siya sa buhay niya kung maghihintay siya doon.
Anong mangyayari? Bababa ako 'tas makikita nila kung gaano ako ka-devastated? No way. No. No. No. Masakit na nga yung ginawa nila saakin, 'tas ano? Masasaktan pa feelings ko lalo kapag naawa sila saakin?
Guard calling...
"Ma'am, may naghahanap po sainyo dito sa baba. Ferrer daw po ang apelyido." Naririnig ko pa ang mga bungisngis ni Dylan sa kabilang linya. Bwisit na 'yan! Trip na trip talaga akong asarin ng animal na 'to!
"Okay, manong. Bababa ako." I sighed dahil hindi naman ako titigilan ng lalaking iyon! Atat na atat ibigay! Wala bang bukas? Porke pinatulog niya ako sa unit niya? Eh napilitan nga lang yata akong iuwi non eh, balak pa 'kong iwan sa park. Swerte yata at mabait kagabi.
