Cameron's POV
This past few weeks naging busy na ako. I consider dad's business as a diamond that shouldn't be stained. Dapat perfect, dapat walang kukulang, dapat ma-maintain ko yung ginawa ni papa, I should act professional. It is a huge responsibility. I spend time reading books, researching and talking to dad for me to learn how to run it. I want every single thing to be perfect.
Hindi ko na nga nakakausap itong mga kaibigan ko dahil sa pinaggagagawa ko, nastress talaga ko noong nalaman kong ipapasa iyon saakin ni papa. Minsan nakakasabay ko sila Azi sa pagkain, minsan naman hindi dahil paglabas ko ng room diretso agad ako sa library o kaya sa isang coffee shop para doon magresearch at makapagbasa ng maayos. Minsan ko nalang makasama ang mga kaibigan ko and ngayon yung isa sa mga minsan na 'yon.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" Bry asked me with the confused look on his face.
"I'm studying." Tipid kong sagot sakanya.
"Studying what? Hindi ka naman ganyan dati." He said.
"How to run my dad's company. Dad called me to his office to tell me na ipapasa niya saakin iyong company niya temporarily." I answered with a sigh. It's really straining me.
"That's why you're stressing yourself?"
"No. It's just, ayokong mahirapan." I said to make it simple kasi hindi ko din maintindihan sarili ko.
"Amateur ka palang kaya understood na mahihirapan ka." He said and I nod. It's true. As an amateur business man, hindi ko alam kung paano patatakbuhin ang ganoong kalaking kompanya.
Aalis si papa bukas papuntang Japan. Malapit lang, but matatagalan siya doon, may inaasikaso daw siya doon and this time, he left me with his business.
There are so many scheduled conference today. I'm so glad that I made a good job and nailing each of it. Madaming basahan at pirmahan ng papel na naganap. Syempre, ang pipirmahan ko lang ay iyong mga may confirmation ni dad, I did not replaced him, proxy niya lang ako habang wala siya. Mahirap din pala maging ganito, but atleast ngayon natututo na ako.
It's been 2 weeks na and in one week, uuwi na din si dad. First week is crucial hanggang sa maco-cope up mo na lahat habang papatagal nang papatagal. Dad said na huwag ako pumasok sa office bukas as a treat niya daw saakin dahil school sa umaga;office sa hapon ang routine ko this past weeks. Natuwa naman ako dahil makakasama ko ang mga kaibigan ko, which is medyo matagal nang hindi nangyari dahil busy nga.
"Go to the coffee shop near your condo building." Byron said on the call.
"Why?" I asked in confusion.
"Just go. Don't hang up the phone, okay?" He said and I did. Pagkapasok ko sa coffee shop ay kakaunti nalang ang tao, dahil siguro gabi na.
"What do you want me to do? Nasaan ba kayo?" I asked him.
"Look for the girl who's wearing black." He said. Fùck ano na naman ba 'to? I look around and saw the girl she's talking about. She looks like a model, black halter dress, tall heels, good complexion, nice face and body.
"Saw her."
"Okay! Good luck on your blind date!" Sinasabi ko na nga ba.
"I can't do--" and he hang up the call. Shìt, Byron.
"Hello," and the face of the woman glows and she smiled. "Are you the one that Byron---"
"Yeah, sure it is." She answered and giggled. She talks a lot. Really. Minsan hindi na nga ako nakikinig, paulit-ulit nalang yung sinasabi niya.
"I'm a model so, alam mo na. Medyo mapili, you're handsome and hot! But parang hindi ka naman nagsasalita? Feeling ko tuloy ang boring mo." She complained. Oh god, I can't deal with this anymore.
"I don't like you." I said just to end this.
"What? Are you letting me go? FYI, there are so many guys that's drooling on my feet. So, you wouldn't find a girl that's good as me."
"No but, I can find better though." I smiled.
"Makaasta ka ha! Bakit? Ano bang ikinabubuhay mo? At akala mo kung sino ka." Triggered agad? Ayoko na, I'm all tired. Tumayo na ako at tatalikod na sana ng hawakan niya ko. "Sumagot ka." I closed my eyes and faced her.
"I'm currently a college student but as of now, I am running the business of Mr. Adzuara, who is my father and I'm all tired today kaya huwag mo kong paandaran, miss. Pwede ba?" I said and it makes her quiet.
"Adzuara? Hey, I'm sorry. Can we fix this?" She said at napailing nalang ako.
Aubrey's POV
Kuya didn't let Kiko to court me, as expected he told Kiko to wait nalang until I graduate which is 4 years away pa. But right now, we're getting to know each other more. We go out sometimes, of course pinagpapaalam niya ako kay kuya. Sabay din kami maglunch kung nagtutugma ang schedule namin.
"Kuya kay Kiko ako sasabay kumain." Sabi ko kay kuya nang dumating siya sa pintuan ng room namin. May mga babaeng humahagikgik dahil nakita nila si kuya. Palibhasa famous.
"Hindi na kita nakakasabay kumain." He said and he act like he is pouting.
"Kuya naman." I laughed and hit him.
"Aray!" He complained. "Sabay ka na saamin, kumain. Sige na!" He pleased.
"Hays.. okay kuya." I smiled and he smiled too. I texted Francis na kay kuya muna ako sasabay at next time nalang ako sasabay sakanya. Pumayag naman siya dahil hindi naman siya makakapalag kay kuya.
"Kuya, hindi ka ba nadi-distract na madaming babaeng tumitingin sa'yo?" I can't help but to ask. Hindi ko talaga alam kung ako lang ba nakakapansin na madaming tumitingin sakanya.
"Bakit? Sa'yo ba walang tumitingin?" He throw a question.
"Mayroon ba? Wala naman eh. Saka syempre kapag naglalakad hindi maiiwasan na tumingin-tingin diba?" Dahilan ko. Kasi hindi ko talaga alam.
"Tignan mo 'yang nasa kaliwa." Walang lingong-lingong sabi niya. "Harold Valerio, fùck boy ng taon. Punasan mo yung laway, kanina pa nakanganga sa'yo."
"Grabe ka naman, makapagbansag ka ng fùck boy." Hindi ko naman kasi alam kung gumagawa lang ba ng descriptions itong si kuya. Grabe makapang-judge eh.
"You bet, Bree. Kung alam mo lang kung gaano kabilis magpalit ng babae 'yan, parang nagpalit lang ng damit." Natawa ako sa sinabi niya at maya-maya pa ay nakararing na kami sa restaurant na kakainan namin.
For the first time in two weeks kumpleto silang lima. Kuya Bry, Azrael, Julius, Byron and Cameron.