Chapter Nine

6 0 0
                                    

Cameron's POV

"Kamusta blind date?" Bungad ni Azi saakin. Tinaas ko lang iyong middle finger ko sakanya at tumawa siya.

"I don't like it. Tàngina, dumaldal lang buong gabi." Inis na sabi ko at umupo sa tabi niya. "She likes to brag about herself." Dugtong ko at napailing nalang. Pagkauwing-pagkauwi ko kagabi ay nakatulog na ako. Wala naman akong iba pang iniisip bukod sa wala akong work mamayang gabi.

"Hey," dumating si Cameron kasama si Aubrey, hindi ko na din madalas makita si Aubrey, lagi daw kasing kasama si Francis. "Hindi busy si Ron, himala."

I looked at Aubrey and we smiled to each other. She sat beside me and ordered some food.

"Here, I'll crack it for you." I offer because she's having trouble in cracking the crabs.

"Salamat." She said and continued eating. I just watch her, it's odd to watch someone eating but it satisfies me.

"Hindi mo ba gagalawin 'yang food mo?" She said and I blink for a second.

"Y-yeah, I will." I grabbed the chopsticks and started eating.

"Sushi?" She said while making a disgusted face.

"Try it." Lapit ko sa bibig niya noong chopsticks. Tinignan niya iyon at parang nagdadalawang isip pa kung isusubo niya. "Just try it." And she ate it.

"Malansa sa una pero masarap? I guess?" She said in confusion and continued eating her seafood bowl.

"Would you mind if I try your food also?" I said. She looked at me and smiled.

"Anong gusto mo dito? Shrimp, Calamari, Crabs--"

"Calamari." Putol ko sa sinasabi niya. Tinusok niya iyong pagkain gamit ang tinidor at sinawsaw sa improvised na suka at itinapat niya iyon sa bibig ko. Isinubo ko iyon nang nakatingin pa sakanya.

"Sarap naman." Brayden cleared his throat. I looked at her and she laughed habang umiiling pa.

Nandito kami sa condo unit ni Julius. Kanina naglalaro lang kami sa Xbox habang papatagal nang papatagal, umiinom na din kami. At iyon, lasing ang apat at ako nalang ang tipsy, si Julius lasing na pero gising pa din. Busy sa pagdadrama tungkol sa girlfriend niya.

"By..Byron, mahal na mahal ko 'tong babae na 'to." At uminom pa siya habang tinitignan ang litrato ng girlfriend niya sa phone niya.

"Si Cameron ako, gàgo." Sabi ko sakanya at binatukan ko sa ulo.

"Aray... pati ba naman ikaw, Ron. Sasaktan mo din ako?" Parang high na high niyang sabi and maya-maya ay tunog umiiyak na siya. "Kung hindi naman kasi ako isa't kalahating gàgo, pùtangina!" Inis niyang sabi at patuloy pa din sa pagtungga ng iniinom niya.

"Babalik din 'yon. Mahal ka naman non." Sabi ko sakanya.

"Balik ka na. Pùtangina, bumalik ka na!" Taas niya ng boses.

"Napakaingay mo, Julius!" Pagtahimik ko sakanya. Ayaw ko namang may kumatok sa amin dito at makitang may apat na drunk at isang tipsy sa living room. "Hindi mo naman maintindihan, nakakabaliw magmahal!"

"Paano ba malalaman kapag mahal mo na ang isang tao?" Hindi ko alam kung bakit ko tinanong iyon, sa totoo lang. I just want to know. Ano ba kasing pakiramdam?

"Kapag baliw ka na, kagaya ko." Tumatawang sagot niya.

"Matagal ka nang baliw, Julius." Natatawa kong sabi at inagaw ko na iyong iniinom niya dahil napapansin kong malapit na din siya magpassed out.

"Kapag masaya at nasasaktan ka." At nakatulog na siya. Lasing na talaga. Maya-maya ay may tumutunog na phone at nakita ko iyon sa bulsa ni Brayden. Nakita ko ang mukha ni Aubrey at sinagot ko naman ang tawag para kay Bry.

"Hello, kuya?" Bungad niya pagkasagot ko. As soon as I hear her voice, my lips formed into a curve.

"This is Cameron." I greeted her. "Apparently, lasing ang kuya mo at tulog na siya ngayon kaya baka dito na siya magpalipas ng gabi."

"Ah? Nasaan ba kayo?"

"Alam mo naman yung condo ni Julius sa BGC hindi ba? Room 815." Sabi ko sakanya and I'm weirdly smiling again.

"Hindi ko naman pupuntahan 'yan. Saka anong oras na? Baka mahuli pa ko." She said in slightly raised tone.

"Relax, baby girl. Baka kasi hanapin mo kami eh." I grinned.

"Correction, si kuya lang ang hinahanap ko." She said in annoyance at naririnig kong nagfi-flick pa iyong mga daliri niya.

"Si kuya mo lang?" I smirked.

"Y-yeah. Alangan namang ikaw! Bakit naman kita hahanapin?" Mataray niyang sagot at natawa naman ako.

"Hindi ko alam pero balita ko hinahanap mo ako nung wala ako dahil busy ako sa business." I smirked again at narinig kong napasinghap siya.

"M-masama bang tanungin kung nasaan ka?" Sabi niya. "O sige, hindi na ko magtatanong sakanila tungkol sa'yo." Nararamdaman kong umiirap-irap na siya sa kabilang linya.

"You missed me." Asar ko sakanya.

"Missed you? Eww! Kadiri ka naman!" At umarteng nasusuka pa siya sa kabilang linya.

"I missed you." I indeed, missed her. Hindi kami madalas magusap pero if it happens it's deep and it all looks sensical kahit hindi naman minsan.

Natahimik siya sa kabilang linya at pati na rin ako. Is it bad to say that I missed her? Is it wrong to miss someone? She's the girl who can do both, well I think not only both but all. Aubrey can be serious, funny, interesting. I think that's beautiful.

"Naniwala ka naman." At kunwari akong tumawa para mabasag ang katahimikan sa pagitan namin. Tipsy lang ba ako kaya ako ganto? Kung anu-anong nasasabi ko. Paano na kaya kapag lasing na ako? Baka kung ano nang nasasabi ko ngayon na hindi na dapat sabihin, baka bukas wala na akong mga kaibigan. My head is full of unsaid thoughts, tip of an iceberg palang ang pinapakita ko sa karamihan ng tao. Maybe in the future someone will came into my life and swim under the water to look who I really am. Who knows?

She's still not responding. "Hey, I'm just kidd--"

At pinutol niya iyong sinabi ko.

"I think... I kinda missed you too." 

IssuesWhere stories live. Discover now