Aubrey's POV
Sabay-sabay kaming kumain kasama iyong barkada ni kuya dito sa Gazebo. I can't focus on what I'm eating. Naaalala ko pa din iyong nangyari kagabi.
"Hey." Kalabit saakin ni Kiko nang mapansin niyang panay tusok ko nalang doon sa kinakain ko. "Are you okay?" At tumango nalang ako.
Tinignan ko si Cameron. Kumakain lang siya and not even giving me a single glance. I just sighed. Hindi lang ako komportable na may kagalit ako.
It's been more than a month na after ng nangyari. Usually kapag nagkakasama kami ng mga friends ni kuya siya iyong madalas kong makausap. Ngayon, parang hangin nalang kami para sa isa't isa. Ano bang ginawa ko? Wala naman diba?
Minsan naman kapag dadating ako sa place nila dahil pinapunta ako ni kuya, aalis siya. Nakakapanibago, tinry ko naman siya i-text pero hindi naman siya nagrereply. Kapag chinachat ko siya, hindi niya naman binabasa.
"Is there something wrong between the two of you?" Tanong ni Julius nang umalis saglit si Kuya Bry. Walang sumagot saamin ni isa. Instead, tumayo siya at lumakad palayo.
Awtomatiko akong tumayo at hinabol siya. Nakakahingal dahil ang bilis niyang maglakad, sa haba ba naman ng binti niya. "Cam!" Tawag ko sakanya pero patuloy pa din siya sa paglakad.
"Please, magusap naman tayo." Sabi ko nang maabutan ko siya. Tumigil siya at tinignan niya ko.
"What do you want to talk about?" He said still looking straight into my eyes. His stare is piercing my soul sa hindi malamang dahilan.
"Are you mad? Galit ka ba?" Tanong ko sakanya. Sinubukan kong hawakan ang braso niya pero iniwas niya iyon na para bang nakakapaso ang bawat hawak ko.
"Why? Does it bother you, Aubrey?" He answered me na parang wala lang. Hindi ako sanay sa ganito. Nung isang araw lang okay naman kami, bakit biglang nagkaganito.
"Ano bang nagawa ko?" I said while holding this damn tears on my eyes again. "What can I do for us to be okay again?" He didn't answer instead tumalikod siya at lumakad na naman.
I grabbed his arm at humarap naman siya saakin. "Tell me, anong gagawin ko?"
"Please, wipe your tears baka sabihin nila pinapaiyak kita." Sabi niya pero nagmamatigas pa din siya.
"I want to know, Cameron!" At dumilim na naman ang tingin niya saakin.
"Gusto mo talaga malaman?" He said through gritted teeth.
Tumango ako.
"Fùck off." At lumakad siya papalayo.
Cameron's POV
"Dad, I'll take care of that." I offered him. Tinatambakan ko na ang sarili ko ng mga gawain. Damn! I'm such a mess this past weeks.
"Are you sure?" Dad asked slightly confused. "I'm not used on what you're doing right now, son."
"I just want to help, dad." I reasoned out. Kung pwede lang sabihin na, gusto ko nalang ilulong ang sarili ko sa school at business.
Masyadong pressure ang issue na naganap about us ni Aubrey, we barely talk ni Brayden. Of course, I can't blame him. That's her sister!
Kakatapos ko lang i-review iyong mga reports na pinapasa sa office ni papa. Lumabas na ako ng building papuntang parking lot at naisipan kong kumain muna sa isang cafè malapit sa condo building.
Pagkatapos ko umorder ay humanap ako ng mauupuan. Pagkaupo ko ay binuksan ko agad ang laptop ko. I received a text from the school that I can now view my grades.
