Chapter Eighteen

3 0 0
                                    

Aubrey's POV

"Kuya?" Tanong ko sakanya. This past days, medyo hindi na niya ako pinapansin. Siguro napagod na din. I barely talk nitong mga nakaraan. Pagkatapos ng nangyari. "Galit ka ba?"

"How come you lied, Aubrey?"

"Kuya, mahal ko siya." Alam kong darating din dito. Darating at darating din talaga.

"Mahal ka ba? Ha?" Kumirot iyong puso ko. Hindi. Naalala ko na naman iyong araw na nagalinlangan siyang sagutin ang tanong ko.

Dapat hindi nalang ako nagtanong. Diba? Edi sana okay pa ngayon. Edi masaya padin kami. Sinira ko lang, dapat hindi ko nalang inalam.

"Mahal niya ako." I said to save my pride. Para hindi mapahiya, para 'di magmukhang nasasaktan.

"Really?" He chuckled. "Nasaan siya ngayon? Binalikan ka na ba? Pinuntahan ka ba?"

I spent the rest of my sembreak technically sa kwarto. Nagbabasa lang ako ng libro pampalipas oras. Tinetext ako ni Jeffrey minsan, inaaya ako lumabas. Lagi ko namang sinasagot na busy ako o kaya nama'y wala ako sa bahay.

Minsan ko nalang din makausap si kuya. Lalabas lang naman ako ng kwarto kapag kakain na. Kapag kinakatok ako ni mama, nagtutulog-tulugan ako. Ayoko lang ng kausap ngayon.

Tapos na ang semestral break. It's school time na naman. Minsan nagkakasalubong kami pero hindi manlang kami magkatinginan. Balik na naman kami sa dati. Siguro ganito nalang talaga kami.

"Bree, uwi na tayo." Sabi ni kuya.

"May gagawin pa ko. Sa library, plates." Dahilan ko kahit totoo naman. Dito ko na ginagawa lahat ng gawain ko para paguwi ng bahay matutulog nalang. "Pwede bang iwan mo muna 'ko? Please. Gusto ko lang mapagisa. Uuwi ako."

"Okay." He sighed at lumakad na papalayo.

Pagkaupo ko palang sa library ay nagsimula na ako. Nilabas ko na iyong draft at nagsimulang gayahin iyon.

Habang papahapon ay papakaunti nang papakaunti ang tao. Hanggang sa ako nalang ang magisa. Maya-maya ay natapos ko na din lahat. Lima lang naman 'to pero inabot ako ng tatlong oras. Masyadong ma-detail.

"Hey, pwede mo bang sabihin doon sa estudyante sa dulo na magsasarado na 'tong library? Pinapatawag kasi ako ng principal kaya pasuyo naman." Pakiusap noong librarian.

"Yes, sure." Nag-sorry siya at nagpasalamat.

Naglakad ako papunta sa dulo ng library. Napahinto ako nang makita ko kung sino. Nakatalikod siya mula saakin at nakaharap doon sa Macbook niya.

Ba't naman ako mahihiyang kausapin siya? Wala naman na, tapos na.

"The library's closing, better pack your things." Lumingon siya at nagtama iyong tingin namin. Nagulat siya malamang, after all na ginawa niyang pagiwas.

Tumalikod ako at naglakad na papalayo. I didn't bother to look back. I don't even know if I can.

Naglakad lang ako hanggang sa may nakita akong lalaking naglalakad na naka-basketball uniform. Sa tindig palang niya, kilala ko na.

"Are you following me? It's creepy." He said nang walang tingin-tingin.

"Just heading the same exit as yours." I said on my tired voice. I don't want to argue anymore. Huminto siya at itinuloy ko lang ang paglakad hanggang sa makatapat ko siya saka niya itinuloy ang paglalakad.

"You shouldn't be driving home, alone." He said. I didn't bother na sumagot. "Suplada ka pa."

"Layuan mo nga ako." I threw a glare.

IssuesWhere stories live. Discover now