Chapter Three

17 0 0
                                    

Aubrey's POV

"That seems right

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"That seems right." Sabi ni kuya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Nagpumilit ako sumama sakanya sa training niya sa football. Paano naman kasi, wala naman akong gagawin dito sa bahay. Wala din naman akong friends dito.

"Kuya, ano bang nangyayari sa'yo." Sabi ko nang guluhin niya ang buhok ko. Napaka-weird naman kasi. Una, ang rules daw niya dapat naka-jeans at close neck ako. Pangalawa, doon lang daw ako sa tabi at huwag aalis, kung nagugutom daw ako tawagin ko daw siya. Tapos ngayon guguluhin niya yung buhok ko?

Nagdadrive na kami papunta sa open field. Pagdating namin wala naman masyadong tao. Parang iilan lang yung manunuod ng practice tapos ang karamihan mga players na.

"Brayden," Tawag ng lalaki sa hindi kalayuan. He jog towards us. "Hinahanap ka na ni coach." sabi niya. Papalapit na kami doon sa upuan ng mga players nang may natanawan ako.

"Kuya..." I paused and I poke him. Nilingon naman ako ni kuya nang may kunot noo. "Si Francis ba 'yon?" turo ko sa isa sa mga players na nakaupo.

"Oo, athlete din siya." sagot niya.

Hala.

It's been a long time na. Naaalala niya pa kaya ako?

"Kiks, hanap ka ng kapatid ko." Sabi ni kuya nang makalapit kami. Pinandilatan ko siya ng mata, medyo nag-panic ako kasi hindi ko naman alam kung ano sasabihin ko? Lumingon siya saamin ni kuya at nagkasalubong ang mga mata namin. 

"Aubrey?" He stood up from his seat. Medyo nangingiti ako kasi ang gwapo padin niya. "Ikaw na ba 'yan?"

"Hello, Kiko." I smiled shyly.

"How are you? Kailan ka pa nakauwi?"

"I'm okay, magi-isang linggo na ko dito." We just stared at each other.

"Francis, tigilan mo 'yan." At umaktong nasasamid si kuya.

Pinanood ko sila maglaro at ngayon ko lang nalaman na captain ball pala si kuya ng team nila. Nakakakonsensya naman na hindi ko alam mga achievements niya dito sa school niya samantalang siya kahit ilang milya ang layo ko sa Pinas noon, alam na alam niya nangyayari sa buhay ko.

Tapos na ang practice at medyo magga-gabi na. Nagsho-shower na sila kuya at team niya dahil uwian na. Sabi niya dito lang daw ako. Nagulat ako nang may tumabi saakin.

"Hey." I blushed right away.

"Hey." Sagot ko sakanya at nginitian ko siya.

"Hindi ko manlang nabalitaan na umuwi ka na. Ang ganda mo na."

Nagkwentuhan lang kami about nangyari sa buhay namin nung middle school, yung mga ginawa din namin nung mga bata kami. It's like we never separated, parang walang nangyari. Niyaya niya ako sa field at tuturuan daw niya akong mag-foot ball.

"Hindi naman ako marunong." I said when I'm trying to kick the ball and run at the same time.

"Ganyan talaga sa una." He said while watching me.

"Pwede bang sumipa nalang ako ng bola papunta dun sa goal?" Lumapit kami doon sa tapat ng goal at sinet niya ang bola sa tapat ng paa ko, sinipa ko iyon pero parang sobrang hina.

"Ang hina mo naman, Bree." He laughed.

"Sige nga, ikaw nga." Hamon ko sakanya and he kicked the ball and it's so fast compared sa takbo ng bola nung ako yung sumipa.

"Bree, tara na." Aya ni kuya. Pa-eksena talaga itong kuya ko. "Hoy, Kiko. I'm watching you." And he threw a glare at him.

"Nice meeting you again, Aubrey." He said and I waved as a goodbye.

We were driving papunta sa kakainan namin ng dinner.

"Nakita ko yung mga tinginan niyo ni Kiko ha." Kuya said, still his eyes fixed on the road. I blushed right away.

"Kuya naman.."

"Anong kuya naman. Bawal ka pa mag-boyfriend." He reminded me.

"Alam mo naman na childhood friend ko 'yun."

"Friend o sweetheart?" Him, acting like he is correcting me. "Bree, kilala kita. Nauna akong ipinanganak sa'yo."

"Fine, kuya." I just answered to satisfy him.

We stopped in front of a restaurant and got inside.

Cameron's POV

"There they are!" napalingon kami nang magsalita si Julius. Nakita naming papalapit si Bry kasama ang kapatid niya.

"Nagdala ka pa ng aalagaan mo." Byron chuckled.

"Nagpumilit sumama sa training namin eh, gusto lang ata makita yung crush niya." Bry grinned.

Hinampas naman siya ni Aubrey. "Hoy hindi ko naman alam na nandoon siya!" She rolled her eyes.

Unbelievable.


IssuesWhere stories live. Discover now