Chapter Fourteen

7 0 0
                                    

Cameron's POV

Nandito kami ngayon sa Batangas. Inaya kami ni Brayden, mag-outing naman daw kami dahil matagal na kaming hindi nakakapagbonding ng ganito.

"Nasaan si Bry?" Tanong ni Azi. Siya nag-aaya tapos siya naman mawawala ngayon. Napakagulo eh no?

"Pare, chicks oh!" Turo ni Byron. Napailing nalang ako. Nagtutulakan pa ang tatlo, akala mo mga high school eh.

"Give it to Brayden na," sabi ni Julius.

"Bro, no, no." Iling ko.

"Just give it a try! Ano ka ba? Ine-enjoy mo ba ang buhay mo? Bukas makalawa you're on the business again." sabi pa ni Julius. I sighed.

"O sige, nasaan ba yan?" Tanong ko para lang matahimik sila. Itinuro naman nila sabay-sabay iyong babaeng nasa pool na nagiisa.

"Look! It's Aubrey!" Lumingon naman ako agad sa tinuturo niya. Sabay-sabay silang nagtawanan ng sobra-sobra.

"I knew it. You like her." Tawang-tawa pa din si Julius.

"No." I said firmly. "Why don't you just get me to that girl that you're pointing out lately?"

"Are you mad?" He chuckled. "Sino? Yung sexy na nasa pool?"

We were walking towards the pool when I noticed who's the girl. She was alone nang may lumapit na pamilyar na lalaki sakanya. Shìt.

"Bro, retreat." Julius cussed.

"Bakit? May boyfriend?" Natatawa pa si Azi. "Boyfriend lang 'yan hindi asawa." him, supporting he's statement.

"It's Aubrey." Sabi ko sakanila. "And yung co-team mates ni Bry."

"Aww! That hurts." Bulong ni Byron. "Sila ba?" Dugtong niya.

"I don't know." Iyon na lang ang naisagot ko.

Aubrey's POV

"Kuya nasaan ka?" Tanong ko sakanya nang sagutin niya ang tawag ko.

Natahimik lang siya sa kabilang linya. Mga ilang segundo bago siya magsalita. "I don't like lying to you, our baby girl." He said. "I'm sorry, sinundan kita sa Batangas."

"Kuya naman eh. Hindi ba pwedeng magtiwala ka muna sa mga kasama ko? At saka, hindi naman pwedeng habang buhay mo kaming babantayan diba?" I said. I really appreciate the effort of him protecting us. Kumbaga sinumpa na niya 'yun after the incident with my father. Hindi parin siya mapatawad ni kuya, I know.

Hindi ko din naman alam kung nakamove on na ba ako. Siguro, hindi ko ramdam ngayon? Pero paano kung nagkita ulit kami ni Papa? Hindi ko naman fully sure kung tanggap ko na bang may bago siyang pamilya? I don't know.

I love my family. Sobra. But sabi nga nila, when one person wants to leave, you can't force them to stay. Kung gusto nila manatili sa tabi mo, gagawin nila, hindi mo na kailangang magmakaawa pa. Siguro nga hindi na siya masaya saamin. Siguro ngayon, iba na yung kaligayahan niya. Who knows?

"I promised it to myself, Bree. Kahit tumanda akong walang asawa, basta maging okay lang kayong dalawa ni mama." Malumanay niyang sabi. "Siguro, kapag may asawa ka na. Siguro, kapag may bago na ulit na mahal si mama? Doon lang ako mapapanatag."

"Paano sila makakalapit kung nandyan ka?" I answered him.

"Aubrey, I am not a boundary. Lagi mong tatandaan 'yan." He said to me. "Tara nga dito. Punta ka dito sa room namin, hug kita."

"Kuya naman, saan ba 'yang room niyo?" Tanong ko sakanya. Medyo natawa siya bago siya sumagot.

"Hibiscus Building. Room 309." He answered and cleared his throat.

"Kuya!" Agad akong lumabas ng kwarto at pinihit ang pintuan ng kwartong kasunod namin. It opened at kitang-kita ko pa si Kuya na tumatawa habang nasa kani-kanilang kama iyong mga kaibigan niya.

"Easy, Bree." At tumatawa pa din siya. "Sabi ko hug! Hindi hampas!" At niyakap niya ako.

"Nakakainis ka naman. Para kang ewan, sa tabi pa talaga ng kwarto namin!" My forehead creased.

Lumabas ako ng balcony ng kwarto dahil hindi ako makatulog. Sobrang dilim pero kitang-kita iyong reflection ng buwan sa infinity pool, tanaw na tanaw din ang Taal Volcano. Foggy na din at sobrang lamig ng hangin.

"Can't sleep." Nagulat naman ako. I turned my head sa katabing balcony. I saw him there. Leaning against the fence at nakatingin lang sa view.

"Y-yeah." I stuttered. Tinitigan ko lang siya for a few seconds.

"Where's your boyfriend? Is he sleeping already?" Still not even giving me a glance.

"Y-yeah." Iyon na lamang ang nasagot ko. "But--" at pinutol niya ang sinabi ko.

"Since when?" This time he threw me a straight glare, a piercing one.

"What?" My voice slightly raised. "He's not my--" and he cutted my words again.

"Come on, Aubrey." He smirked a little. "What? You're gonna reason out that there's nothing going on between you and Francis?"

"Wala naman talaga!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Aubrey, you're going out with him, eating with him, sharing the same room with him, even swimming with him!" He raised his voice.

"Why does it bother you, Cameron?" I am getting teary eye. Ayoko lang kasi nang pinagtataasan ako ng boses lalo na kapag hindi naman tama iyong accusations sa'yo.

"It doesn't bother me! I'm just asking!" He raised his voice again, careless enough not to mind the people who are sleeping.

"Will it stop bothering you if I said yes?!" Para kaming tangang nagaaway, magkatabing balcony nalang nagsisigawan pa.

"So you're dating Francis?" And he pursed a cigarette on his lips and light it. I didn't answer, hindi ko din naman alam ang isasagot ko. If I say 'no', it would be unfair for Francis kasi baka umasa yung tao. I am really not sure kung anong estado namin. Basta masaya kami. He released a smoke before speaking again.

"I guess your silence confirms my assumptions." At tinapon niya iyong sigarilyo at pumasok na sa loob ng kwarto nila.

IssuesWhere stories live. Discover now