Chapter Twenty Seven

5 0 0
                                    

Aubrey's POV

I was walking on my way home. I needed the time to think. Hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong maramdaman ngayon. In just one second nasagot lahat ng katanungan ko. Sa loob lang ng isang segundo...

Ayaw ko pang umuwi, ayaw ko ng may makausap. Mukha akong tangang naglalakad dito at nakatulala. Sabagay, pinagmukha naman nila akong tanga kaya ano pa bang iniisip ko.

Nakita ko si Dylan na naglalakad at napahinto siya pagkakita saakin. Agad na kumunot ang noo niya. "You look horrible." Hindi ko na siya pinansin at patuloy nalang ako sa paglalakad. I'm so tired. All this time, I thought ang nakakapagod ay magreview para sa exams, mali pala ako.

"Did you know that there's a lot of holdupper here?" Rinig ko mula sa likod ko. I didn't answer again.

Malayo-layo na ang nilalakad namin pero nakasunod pa din siya. Kaya nga ako naglakad para wala akong makasamang kahit sino eh. Sino bang gustong maglakad hindi ba? Ako. Ngayon lang, siguro.

"Iwanan mo nga ako." I said. I am so tired to deal with this.

"Don't assume to much, it just happens that we have the same way." He said in his usual bored tone.

"Hindi ba't may sasakyan ka? Bakit hindi iyon ang gamitin mo?"

"I want to walk." He said at patuloy pa din kaming naglakad. "You?"

At hindi na naman ako sumagot. "Are you mute?" Inis na sabi niya.

"Pwede bang huwag mo 'kong kausapin?! I'm so not in the mood!" Inis na sabi ko at pinunasan ang mga luhang tumulo mula sa mata ko.

Naglalakad ako mula sa building namin papunta sa building ni kuya. Ngayon lang ako uli makakapunta sa building nila dahil kadalasan namang si kuya ang pumupunta sa room ko.

Nakasalubong ko si Jeffrey at dali-dali siyang lumapit saakin. "Friend, break na kayo ng jowa mo?" Kumunot agad ang noo ko sa sinabi niya.

"No! Of course, not." Sagot ko. Binigyan niya ako ng mukhang parang may sasabihin pero hindi niya maituloy. Nakakagat lamang siya sa pangibabang labi niya. "Bakit? Bakit mo natanong?"

He reached my shoulders and squeezed it. "Hindi ko alam, friend ha. Nakita ko kasi siya... hindi niya kasama yung barkada niya pero may kasama siyang babae." Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o naramdaman kong nasaktan ang puso ko. "Hindi ako sure! Gusto mo puntahan mo. Wala ba kayong pinagawayan? Naku, friend."

Dali-dali akong tumuloy papunta sa building ni kuya at agad-agad akong naglakad patungong elevator nang makasalubong ko si kuya kasama ang barkada niya.

"Aubrey, bakit ka nandito?" Kitang-kita ko ang itsura niya na para bang bawal ako dito. "Labas na tayo." Iniwas ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"May tinatago ba kayo saakin?" My voice cracked. I can even feel my eyes heating up, I didn't mind. I don't care.. anymore.

Nagkatinginan silang lahat. "Wala. Ano ka ba--"

"Stop covering him up! Pinagmumukha niyo ba 'kong tanga?" Naiiyak kong sabi. Kuya ko pa. Kapatid ko pa talaga. "Do I look stupid for you?"

Natahimik silang lahat. Maya-maya ay may lumabas sa elevator. A second ago, I was mad.. the next second, I don't know what to feel anymore. There he is. Kasama ang mga sagot sa katanungan ko ng halos isang buwan.

"Why are you here?" Iyan ang mga unang salitang narinig ko sakanya. Should I be happy? Kasi nandito na siya, kasi may mga sagot na yung mga katanungan ko, kasi narinig ko na uli yung boses niya? Why does it hurting me rather than making me happy?

IssuesWhere stories live. Discover now