Chapter Ten

5 0 0
                                    

Aubrey's POV

Shìt naman! Ano bang pinagsasabi mo, Aubrey? Nababaliw ka na ba? Nakakahiya! Pagkababa ko ng telepono ay walang tigil sa pagkabog ang dibdib ko.

"Aubrey?" Narinig kong may kumatok sa pintuan. Binuksan ko iyon at nakita si mama na nakasuot ng night dress niya. "Ang kuya mo? Umuwi na ba?" Tanong niya.

"Doon daw siya matutulog sa condo ni Julius. Lasing daw eh." Sabi ko sakanya at nailagay niya ang daliri niya sa sentido niya.

"Sumasakit ang ulo ko kay Brayden." She sighed. Matagal na kasing pinagsasabihan ni mama si kuya na huwag na masyadong umiinom. Kaso bisyo na niya yata yun eh. Kumbaga routine na. Paano naman kasi bihirang hindi uminom. Sabi ni mama baka daw sa susunod na araw bigla nalang mangisay si kuya dahil sobra sa alak.

"Kausapin mo nalang si kuya bukas. Let's sleep na, ma. Good night." I smiled to her.

"Okay, honey. Good night." And she gave me a peck on the cheeks. Pagkasarado ko ng pinto ay ibinagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Nagvibrate iyong phone ko at tinignan kung anong notification, iyon. I saw a message from an unknown number.

From: 0916 118 0123

Have a good night, Aubrey :)

Napayakap ako sa unan pagkabasa ko noong text. Dapat talaga hindi ko na sinabi iyon! Paano nalang kapag nalaman ni kuya? Baka sabihin lumalandi pa ako! Ayoko naman non! Biglang nag-vibrate uli ang phone ko.

From: 0916 118 0123

Are you asleep? I can't sleep.

Ilang segundo kong tinitigan ang screen at saka kusang gumalaw ang mga daliri ko.

To: 0916 118 0123

I don't care kung hindi ka makatulog :p

Pagka-send ko ng text ay in-add ko na iyong number niya sa contacts ko. Wala pang isang minuto ay nag-vibrate na naman ang phone ko.

Cameron Adzuara

Sungit.

And it vibrate again.

Let's go out.

Pagkabasa ko ay nireplyan ko naman siya agad.

Tomorrow? I'm free. It's Saturday naman.

Lumipas ang ilang minuto at hindi na siya nagreply. Baka nakatulog na, sabi ko sa isip ko. I was about to go to sleep nang tuloy-tuloy na nag-vibrate iyong phone ko. I saw his name at sinagot ko ang tawag.

"Not tomorrow, idiot. Tonight! Now!" He said laughing. This asshole.

"Are you out of your mind? Anong oras na? May curfew ako dahil minor ako." I said trying to lower down my voice.

"I'm with you. Ako yung guardian mo." Sabi niya sa tawag.

"Hindi ako papayagan unless kasama ko si kuya." I said. Kahit gusto ko man, bawal naman.

"I know. Sneak out. Nasa labas ako." He said. What? He's outside the house?

"Nababaliw ka na ba? May guard sa gate! Paano ako lalabas doon? Isusumbong ako non kay mama!" I said dahil midnight na at hindi talaga ako papalabasin non. "Pwede bang bukas nalang?" I request.

"Galing pa akong BGC papunta dito tapos papaalisin mo ko?" Paawa niya saakin.

"Eh sino ba kasing maysabing pumunta ka dito?" Pagtataray ko sakanya. "At saka, saan ba tayo pupunta? Nang ganitong oras?" I raised my voice but trying my best to lower it down.

"Oh! Chill... utusan mo yung guard 'tas malamang aalis 'yun sa tabi ng gate. Pagkaalis niya labas ka na. Hindi ka na mapapansin non." Sabi niya. May magagawa pa ba ko? Kokonsensiyahin lang ako nito kapag pinaalis ko. Sira talaga.

"Sige. Magbibihis lang--" at pinutol niya ang sasabihin ko.

"Huwag ka nang magbihis." He said.

"Sira ka ba? Naka-chemise ako." I said why rolling my eyes.

"Mag-robe ka nalang. Basta bilisan mo!" He said through the phone.

"Wow? Parang naguutos lang ah? Sorry po, sir. Hindi ko naman po alam na pupunta--" at pinutol na naman niya ang sasabihin ko.

"Aubrey, dalian mo na. Napakabagal mo." Him sounding pissed. Parang siya pa agrabyado, asshole talaga.

Kinuha ko na iyong robe ko dahil utos ng hari at baka bigla akong akyatin non dito kapag nagbihis pa ako at matagalan siya. Bumaba na ako ng hagdan trying so hard not to make any noise. Siguro naman tulog na si mama. I successfully got out of the front door at ito na nga, kakausapin ko na yung guard.

"Good evening po." Bati niya saakin. Nginitian ko siya at napapaisip kung gagawin ko ba kasi baka siya malintikan kapag nalaman ni mama that I sneaked out. Pero.. it's now or never.

"Kuya, uhm. Would you mind to check the water line? Mahina kasi iyong daloy ng tubig sa second floor. Okay lang po ba?" I said trying to hide my nervous.

"Sige po, ma'am. Iche-check ko po. Pasok na po kayo sa bahay." he said in a polite tone.

"Thank you." At pumasok ako sa pintuan na pinanggalingan ko kanina. Sumilip ako sa blinds kung nakaalis na ba siya papunta sa metro ng tubig. Nakita kong wala na siya doon kaya agad din akong lumabas at dahan-dahang binuksan at isinara iyong gate. I felt relief nang makalabas ako ng bahay.

Nakita ko ang isang itim na Mercedes-Benz na nakaparada sa hindi kalayuan. Tumakbo agad ako papunta doon. Binuksan ko ang pinto at pumasok.

"You made it!" He exclaimed. Jesus christ, baka isang linggo akong bagabagin ng konsensiya ko sa pagalis ng di nagpapaalam. "Oh bakit ang taray mo?"

"Malay ko sa'yo." I said habang naka-cross arms.

"Akala ko ba miss mo ko? Bakit tinatarayan mo ko ngayon?" I blushed right away sa sinabi niya. Hindi ako nakasagot. I don't even know kung anong sasabihin ko.

He just laughed at pinaandar na niya iyong sasakyan. Pagkalabas namin ng village ay tinanong ko siya.

"Saan mo ba ako dadalhin?" I asked him. "Bakit ngayong gabi pa? Pwede namang mamayang umaga?"

"Madami pang talastasan kapag magpapaalam pa, lalo na kay Brayden. Akala mo kumukuha ng job interview, ipagpapaalam lang naman." He said and sighed.

"Bakit? Paano mo naman nalaman?" I said still looking pissed and annoyed.

"Madaming nagpapaalam sakanya, bakit? Manhid ka ba o ano." Ismid niya saakin. Inirapan ko siya at nag-cross arms ulit ako.

"Wala naman talaga akong gustong puntahan sa totoo lang. Kailangan ko lang talaga ng kausap." He said in a low tone.

"Ano ba naman 'yan Cam, edi sana nag-Omegle ka nalang." I said at biglang kumulo iyong tiyan ko at tinawanan niya ako. Tuwing 12 o' clock talagang kumukulo iyong tiyan ko. Weird. Kaya dapat talaga bago mag-midnight tulog na ako eh. Kung hindi lang pasaway si kuya at kung hindi lang ako dinaldal ng lalaki na 'to eh.

"Omegle? Are you serious, Aubrey? Ganoon na ba ako ka-hopeless?" He said in a sarcastic tone.

"Hopeless?" I said because I admit he's a good looking guy and intelligent. I don't think na walang nagkakagusto sakanya.

"Bakit? Ikaw ba? Nagka-boyfriend ka na ba?" Bato niya ng tanong saakin. Napaisip ako bigla, hindi ko naman kailangan nun. At ayos na ako sa relasyon namin ni Francis ngayon.

"Hindi pa. But I think hindi ko naman kailangan ng boyfriend." truthfully speaking to him. "Ikaw? Bakit hindi ka naggi-girlfriend?" Dugtong ko.

"Hindi ko din naman kailangan. Wala sa interes at priority list ko ang magkaroon." Sagot naman niya. "Hindi ko nga alam sa mga kaibigan ko, nung isang araw they set up a blind date for me! God!" he exclaimed.

Then we smiled to each other.

IssuesWhere stories live. Discover now