Wala na nga kaming inaksayang panahon.. tumakbo na kami ng tumakbo hanggang sa makalayo na sa bahay na 'yon, kahit hindi naman namin kabisado ang lugar. Magubat na talaga sa paligid... wala pa kami makitang iba pang bahay o tao man lang na taga barriong iyon.
" Teka lang mga boy! Kanina pa tayo takbo ng takbo! Ang layo na natin sa bahay... " - sabi ni Kevin...
"Oo nga mga pre.... Hingal na hingal na ko..." – pagsang – ayon naman ni Marco na humahangos pa.... tumigil nga muna kaming lahat.... at halos habol habol ang hininga...
" Haixt! Ano ba'tong napuntahan natin?! Tumirik na sasakyan natin... may kabaong at mga kandila pang lumulutang sa kawalan... haixt talaga.... " tanong ni Paolo.
"Saan kaya yung bahay na tinutukoy ni manong kahapon?" sabi nya malapit – lapit na din 'yon... bakit parang wala pa din tayong makitang bahay bukod dun sa bahay na nakakatakot??? Hindi naman siguro 'yon ang tinutukoy ni manong di ba???" pagtatanong ni Harvey
"Alam nyo mga pre?! Mas mabuting lumakad na tayo ult... baka abutin na naman tayo ng dilim dito sa gubat.." - pag –aaya ni Shane.... Lumakad na nga kami at magbabakasakali na makita na ang bahay na tinutukoy ni manong.
Mag Aalas onse na at nasa gitna pa din kami ng kawalan... patuloy na umaasa na may makikita na kaming matutuluyan o mapagtatanungan man lang ult.... Ilang oras pa ang lumipas....
Alas – Tres na ng hapon.... May natanawan na kaming parang maliit na komunidad sa gitna ng kagubatan....
"Pre! Tignan nyo!" - sigaw sabay turo ni Marco sa di kalayuan.... May mga mangilan – ngilan na kaming natatanaw na mga kabahayan,....
"Ayos!!!" - sabi naming lahat.... Mas binilisan pa namin ang paglalakad. Narating din namin ang Barrio... nagsimula na kami magtanong tanong sa mga nakasalubong namin..
"Magandang hapon po.... mga taga – Maynila po kami at nasiraan kami ng sasakyan sa daan... naghahanap po kami ng matutuluyang bahay... " – pagtatanong ni Shane sa nakasalubong namin... Hindi na nga kami nabigo pa dahil hindi lang kami itinuro ni Ate sa bahay na mauupahan kundi sinamahan pa nya kami.
" Naaayyyy..... Nay Martha.... " - pagtawag ni ate sa may – ari ng bahay na paupahan daw... maya maya pa ay lumabas na yung tinatawag ni ate na Nay Martha.., Si Nay Martha ay hindi naman gaanong matanda... mukang nasa 50 - 55 years old pa lang sya... "Oh Lisa... ikaw pala yan... sino mga kasama mo?" pagtatakang tanong ni Nay Martha... Lisa pala ang pangalan ni Ate na pinagtanungan namin... morena sya at maganda... mahaba ang buhok at mukang mabait pa talaga...
" Nay Martha, mga taga – Maynila daw po ang mga ito..., nasiraan ng sasakyan sa daan at nagahahanap ng matutuluyan..." - tugon agad ni Lisa kay Nay Martha.
"Ahh.. ganoon ba? sige... pasok kayo... tuloy.. tuloy kayo.... " - ang sabi agad ni nay Martha sa'min... "Sa Maynila kayo galing??? paano kayo napadpad dito sa aming lugar??? gayong may kalayuan na'to sa kabayanan...." - pag - uusisa sa'min ni Nay martha.. Hindi pa man kami nakaksagot ay nagpaalam na si Lisa.. "Nay Martha... aalis na po ako at mamimili pa sa bayan... baka ho may gusto kayong ipabili nang maisabay ko na din po" ani ni Lisa.
" Wala naman Lisa... salamat.. nakapamili na rin naman kahapon si kaloy... " - tugon ni Nay Martha... Si Kaloy naman ay pamangkin ni Nay Martha... at tumatayong katulong din nya sa pag - aasikaso sa bahay... At syempre.. nagpasalamat naman kami kay Lisa... lalo na si Shane...
"Lisa... Lisa pala pangalan mo... ako nga pala si Shane... at ang mga kasama ko sina Harvey, Marco, Kevin at si Paolo... Salamat ahh... sana mas magkakilala pa tayo habang andito kami sa barrio nyo..." - pa - sweet na sabi ni Shane...
Matapos ang ilang kuwentuhan namin nina nay Martha ay inihatid na din nya kami sa aming magiging kuwarto... iisang kuwarto lang ang nailaan niya para sa'min... dahil ang iba daw ayy hindi pa nila nalilinis, sa kadahilanang bibihira na lamang daw may nagbabakasyon sa kanilang lugar...
BINABASA MO ANG
Katol
HorrorIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...