Kabanata 17

827 29 31
                                    

Dala na nga ng matinding takot ni Harvey ay naihi na nga ito sa kanyang boxer short.... nagtatakbo siya at sumampa sa kama na kinalalagyan namin... dahil sa matinding pagyugyog ng kama at sa naramadaman naming basa... nagising na una si Kevin... "Poootek ka Men!!! bakit ka basang basa????!" - may pagka - inis na tanong ni Kevin., "Oo nga Harvey! Ano yaaaan!?" - tanong din ni Shane... "Naihi ka sa boxer mo?????!!!" - gulat na tanong ko sa kanya.. mababakas sa mukha ni Harvey ang nginig at takot... palinga - linga siya sa paligid na animoy may hinahanap at tinitignan... "Ano bang nangyayari sa 'yo boy????!" - tanong din ni Marco., Tinignan muna kami ni Harvey at ska siya nagsalita... "Yung mga pictures natin pre... may mga kuha dun na kasama natin yung kabaong! Saka may naririnig akong boses ng babae na tumatawag sa'kin...." tugon sa'min ni Harvey na takot na takot at itinuturo ang laptop., 

Muling narining ni Harvey ang pagtawag sa kanyang pangalan... malumanay na boses ng babae.... "Harveeeeey....."  kasabay ng paghangin ng malakas... "narinig nyo yun???! tinatawag na namn nya ko!!!!"  - tanong ni Harvey., "Huh?! ano yun pre???" - pagtataka ni Kevin.... "Yung boses! bosessss ng babae... tinatawag nya ko..." - muling sagot ni Harvey., "Anong boses??? kaninong boses???!" - pagtataka ko din sa kung ano nga ba yung tinutukoy ni Harvey.... "Wag ka ngang ganyan pre!!! nagsisimula ka na naman manakot eh! hindi magandang biro yan ahhhhh!" - takot na sinabi ni Marco... "Hindi ko kayo niloloko! may boses nga na tumatawag sa'kin....." - pagpupumilit ni Harvey...

Maya maya pa'y lumakas pa ang ihip ng hangin mula sa may bintana.... nanunuot hanggang buto ang lamig na aming nararamdaman, idagdag pa ang takot na unti - unti na namang namumuo sa aming mga isipan.... "Nawala na yung boses... saka isa pa mga pre... tignan nyo yung mga pictures natin.... tignan niyo... " sabi muli ni Harvey... lumapit nga kami sa laptop ni Harvey.. isa isa naming tinignan yung mga pictures na sinsabi niya., "I - Zoom nyo yung mga pictures pre" - muling sabi sa'min ni Harvey...  halos manlaki ang mga ulo namin at nakaramdam ng kakaibang takot dahil sa mga nakita namin... hindi namin inakala na sa bawat litrato pala ay kasama na namin yung kabaong na sa simula pa lang nang pagdating namin sa Barriong ito ay madalas na naming makita kung saan saan... at ang mas nagpatindig pa sa aming mga balahibo ay ang isang larawan na may mga usok na nakapalibot sa'min... at kung titignan mo maiigi ang picture... may mga nabubuong  larawan sa bawat usok... mga mata na nakatingin sa'min at hindi lang iisa marami sila.... "AnOooooo yan mga pre!? Sinooooo yung mga yun!? bakit marami tayong kasama d'yan???!"  -  takot at nanginginig pang tanong ni Shane... walang nakasagot sa tanong na 'yon.... malalim ang iniisip naming lahat.... 

Sa pag - aakala naming tapos na ay mas lalong tumindi ang lamig na aming naramdaman dahil mas tumodo pa ang lakas ng ihip ng hangin at may kasama pang hamog.... "Mga boy! mas tumitindi ang lakas ng hangin ano nang nangyayari???" - takot na tanong ni Kevin... "Isarado nyo yung bintana Marco! dalian mo!!!" - malakas na utos ni Kevin., dahil si Marco ang mas malapit sa bintana kaya sya ang nautusan.... dali - dali namang tinungo ni Marco ang nasabing bintana at isinara 'yon agad.... nang pabalik na si Marco ay may malakas na ingay na nagmula sa labas ng bintana.. isang napakalas na hampas at kalabog na animoy gustong wasakin ang bintana... 

Dahil sa ingay  na narining ay nag - alala na sina Nay Martha at kuya Kaloy kaya dali - dali silang pumanhik sa aming tinutuluyang kwarto... "Mga iho.. anong ingay 'yon???!" - gulat na gulat at takot na tanong ni Nay Martha... hindi pa man kami nakakasagot ay nakita na at narining na nila kuya kaloy ang sanhi ng ingay... kinilabutan si Nay Martha nang makita ang isang malaking bagay sa may labas nang bintana at pilit na binubuksan ito... nanlaki din ang aming mga ulo at nagkaroon na nang matinding takot nang malaman namin kung ano ang nasa labas ng bintana.... "yung kabaooooooong!!!!" - sigaw naming lahat... iyon nga ang nasa labas ng bintana at siya ring sanhi ng malakas na ingay..., humahampas ito nang paulit - ulit sa bintana at pilit na binubuksan ito.... biglang sumigaw din ng malakas si Nay Martha at nag usal ng isang dasal..... 

"Regna terrae, cantata Deo, psallite Cernunnos, Regna terrae, cantata Dea psallite Aradia. caeli Deus, Deus terrae....."  isang latin na dasal para pantaboy ng masamang espiritu... hindi pa man nakakatapos sa dasal si Nay Martha ay biglang bumukas ang bintana at bumungad na sa aming harapan ang kinatatakutan naming kabaong... lumang luma na 'to at may mga lupa pa sa paligid parang kakahukay pa lang... bumalot na nang tuluyan ang matinding takot sa aming lahat,. kahit takot na takot na ay itinuloy pa din ni Nay Martha ang padarasal.... "Humiliter majestati gloriae tuae supplicamus Ut ab omni infernalium spirituum potestate, Laqueo, and deceptione nequitia, Omnis fallaciae, libera nos, dominates...."  hanggang sa biglang nag - brown out.... "Kaloy kumuha ka ng mga kandila sa may kusina madali!" - utos ni Nay Martha... dali dali namang bumaba si kuya Kaloy... at nang makabalik na ay agad na sinindihan ni kuya Kaloy ang kandila... ngunit nakaka ilang kasa na ng posporo si kuya Kaloy ay hindi pa din sumindi ang posporo.... at nang masindihan na niya ng tuluyan ang kandila.... nakiramdam kaming lahat sa paligid..., naramdaman naming lahat na may paparating....  dahil sa naririnig namin ang bawat hakbang nito na animo'y papalapit sa aming kinaroroonan... lalong tumindig ang mga balahibo namin dahil lahat naman ng tao sa bahay na iyon ay nasa loob na ng kwarto na aming kinalalagyan.... "Sino yung paparating mga pare????" - nanginginig na tanong ni Kevin... "Nay Martha., may iba pa ba tayong kasama dito sa bahay bukod sa atin???" - tanong naman ni Harvey., "Kung sino man yang paparating sigurado akong hindi yan taga rito sa bahay..." - tugon ni Nay Martha..,  dahil sa gustong malaman kung kanino nagmumula ang mga hakbang ay itinulak ako ng mga kasama ko sa may gawing pintuan upang masilip kung sino 'yon... "Silipin mo kung sino yun Pao!" - sabi ni Harvey sabay tulak s'kin...  dahil sa kyuryusidad...  dahan dahan ko ngang sinilip ang labas ng pintuan.... aminado kong ang lakas - lakas ng kabog nang dibdib ko sa takot... lumingon - lingon ako sa labas ng pintuan... wala ako nakita ni sino man... lumabas pa ko ng pintuan at pilit kong inaninag gamit ang kandila ang buong pasilyo... dahan dahan lang ako at pinakikiramdaman ang aking bawat hakbang... sa bawat hakbang ko... rinig na rinig ko ang kabog sa dibdib ko... palakas pa 'to ng palakas.... 

"Pooooooottttttttt@#*$#*@#!!!!!" - napamura na lang ako ng malakas dahil biglang bumungad sa aking harapan ang isang  babae., nakasuot ng puti ngunit maduming damit at duguan at parang naaagnas na ang kanyang mukha... mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo ko papasok muli sa kwarto... ramdam kong naghahabulan na ang pintig ng puso ko dahil sa sobrang takot at nang makapasok na ko sa kwarto ay mabilis kong ikinandado ang pinto... "Anong nangyari Pao???!" - tanong agad ni Shane s'kin... "Bakit ka sumigaw at humahangos iho???!" - pag- uusisa din ni Nay Martha.... "Yuuuungggg.... babaeeee..... aaaaaaahhhh...... yung babaeeeee..... nakita koooo.... nakita ko yung mukha niya... may mga dugo at nabubulok na.... " - halos hinahabol ko pa ang aking hininga habang sinasagot ang tanong nila s'kin... "ANOOOOOOOooooooo?!" malakas na sigaw nina Harvey at Marco., "Pero bakit??? paanong hanggang dito sa loob ng bahay eh nakapasok na siya????" - ang sobrang pagtataka ni Nay Martha... 





KatolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon