Mag - aalas - singko na ng hapon ng magpaalam si Shane sa amin na may pupuntahan daw sya.... pero dahil dayo lang kami sa Baryong 'yon niyaya nya si kuya Kaloy na samahan sya nito.... may motor si kuya Kaloy... kaya tinanong ni Shane kung pwede ba daw nila gamitin ang motor, marunong mag.motor si Shane... dahil sa Maynila halos hindi mo sya mapaglalakad dahil laging naka - motor, pumayag naman si kuya Kaloy tutal kasama din naman sya nito...
"Teka Shane... saan nga ba ang punta natin???" - tanong ni kuya Kaloy.... "Ah... eh... niyaya ako ni Analiza na pumasyal sa kanila ngayon... nakakahiya naman tumanggi hindi ba kuya Kaloy? Hehehe..." ang mabilis at may halong hiya na sagot ni Shane. "Ahhh ganoon ba? Halika na at baka gabihin pa tayo sa daan... ikaw talagang taga - Maynila ka... tama nga ang sabi ng mga barkada mo sayo... chickboy ka daw! Hahaha... " - ang sagot ni kuya Kaloy na may kasama pang nakakalokong ngiti.
Pumanik na sa aming kwarto si Shane para maligo at mag - ayos ng sarili... habang naliligo ay pakanta - kanta pa ito... "Oist Shane! Mukang may pupusuan ka na naman ngayon ah! Pakanta - kanta ka pa d'yan! Hahaha...." - pabirong sabi ni Harvey, "Kahit saang lugar ka talaga dalin wala kang kupas! Para kang bangus! " pang - aasar ko din kay Shane... " Si Shane pa ba?! bakit bangus Pao??? hahaha..." - tanong ni Marco na nakisali na rin sa pang - aasar kay Shane... "hahaha... bangus kasi nga MATINIK! Sobrang matinik sa Chicks! Hahahaha...." - mabilis kong sagot kay Marco... at nagtawanan na nga kaming apat habang patuloy pa din sa pagligo si Shane. "Mga loko kayo! Tantanan nyo ko ah... Ako na naman nakita nyo! Hahaha...." - ang tanging naisagot sa amin ni Shane.
At dahil nga sa kilalang - kilala namin si Shane.. hinayaan na namin sya... kami namang apat ay bumaba na para magluto ng pang hapunan namin, dahil wala dun si Nay Martha at sasamahan naman ni kuya Kaloy ang lover boy naming kaibigan... kami na muna ang bahala sa buong bahay... Nasa itsura naman namin na mapagkakatiwalaan kaya hindi na rin nagdalawang isip pa sina Nay Martha at kuya Kaloy na pagbilinan kami para sa bahay. Marunong kami magluto at may alam din sa mga gawaing bahay kaya hindi na bago sa'min ang mga gagawin... Nagtoka -toka na kami para sa lahat ng mga gawain nang sa ganun ay makatapos agad kami. Ako at si Marco ang naglinis at nag - ayos sa buong sala at bakuran ng bahay... sina Harvey at Kevin naman ang magluluto ng hapunan..
Hindi pa man kami nagsisimula sa mga gagawin namin ay bigla nang nagpaalam sina kuya Kaloy at Shane... "Mga Boy! Alis muna kami ni kuya Kaloy ah... pakabait kayo dito... wag kayong mag - aaway! Hahaha... " - sabi ni Shane na abot tenga na ang ngiti... "hahaha... loko ka pare! Ikaw ang magpakabait dun!" - ang sabi ko naman sa kanya... "Oist umayos ka dun ha! Dahan dahan din sa pagmomotor..." - bilin ni Harvey... "kuya Kaloy ikaw na bahala kay Shane ah... bantayan nyo maigi yan nakoooo.... hahaha.. matinik pa naman yan!" - dagdag pa ni Kevin.... "Oh ikaw Marco! Baka may sasabihin ka pa sa'kin????" - malokong tanong ni Shane... " Ahhh ... hehehe... WALAaaaa! Ingat sila syo! Hahaha..." - sagot naman agad ni Marco. "Thank you ah! Ang supportive nyo talaga sa'kin... mwaaaah!" - sarcastic na sinabi ni Shane sa'min... at napuno na nga ng tawanan ang buong sala ng bahay.... "Mga parekoy... kayo na muna ang bahala dito ha.... lahat naman ng kakailanganin nyo nandyan lang.... magtext o tumawag lang kayo kay Shane kung ano man mangyari." - bilin sa'min ni kuya Kaloy. Umalis na nga ang dalawa ta kami namang apat ay kanya - kanya na din sa aming mga gagawin...
Ipinakilala nga si Shane ni Annaliza sa pamilya nito.... Naging maayos naman ang lahat at nagkayayaan pang mag - inuman ang tatay at tatlong kapatid na lalaki ni Annaliza.... Alas-kwatro na ng madaling araw ng matapos ang inuman nina Shane... dahil nga nayaya si Shane makipag - inuman sa tatay at kapatid ni Annaliza hindi gaanong nakapag - usap ang dalawa...
Bagamat sanay sa inuman, aminado si Shane na medyo tinamaan siya ng kaunti sa inuman nilang iyon.Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila sa tatay at mga kapatid ni Annaliza para umuwi. Magmo-motor pa kasi siya kaya mahirap na at baka mapahamak pa sila... "Ayos ka pa ba Shane? Sigurado ka bang kaya mo pa magmotor? Pwede namang ako na magmaneho..." - pag-aalalang tanong ni kuya Kaloy dito. "Ayos na ayos pa ko kuya Kaloy... sanay naman ako sa inuman at sanay na sanay din ako magmotor" - sagot naman agad ni Shane.
Tahimik na ang paligid nang magsimula na syang magpatakbo ng motorsiklo. Walang kahit isang sasakyan silang nakasabay sa daan at puro huni lamang ng kuliglig ang maririnig mo. Mabagal lang ang kanyang pagpapatakbo. Kailangan nyang maging maingat dahil nakainom sya at kaangkas pa nya si kuya Kaloy. Pagkalampas ng mahabang tulay ay nanindig ang mga balahibo ni Shane dahil sa nanunuot na lamig ng hangin sa suot nyang jacket. Hindi niya alam kung bakit, pero kinilabutan siya. Lalo pa't binalaan sya ni kuya Kaloy na ang daanang iyon ay madalas daw pagpakitaan ng isang babae at paniniwala ng mga taga - barrio na ang babae ring ito ay si Esper, marami na din daw ang naaaksidente sa lugar na'yon, kaya todo ingat sa pagmamaneho si Shane.
Dala na rin ng hindi mawalang kilabot at takot ay medyo binilisan na niya ang pagpapatakbo. Nang papaliko na siya sa kanan. Muntik na siyang masemplang nang makita niyang muli ang kabaong na nasa may tabi ng malaking puno... umuusok pa rin ito. Lalo nang kinilabutan si Shane... "Kuya Kaloy! Nakita mo ba 'yon??? ayun oh sa may puno! yung kabaong na naman!" - nanginginig na sabi ni Shane.
Nang malapit na siya sa may malaking puno na kinalalagyan ng kabaong... mas kinilabutan na sya ng husto ng makita niya ang laman nito. Kitang kita nya na ang nakahiga sa loob ng kabaong ay siya mismo. Pinagpawisan ng malapot si Shane at nawala ang kanyang lasing... halos paliparin na ni Shane ang motor nang mapansin na nya na medyo malayo na sila sa puno ay humito muna sandali si Shane....
"Nakita mo ba yun kuya Kaloy??" - hinihingal na tanong ni Shane.. "Yung kabaong Oo nakita ko... pero bakit mas natakot ka at naramdaman ko na nanginginig ka pa nung madaanan na natin yung kabaong???" - balik na tanong ni kuya Kaloy.... "yung laman nung kabaong.... nakita ko... nakita ko yung sarili ko dun sa loob kuya Kaloy kaya lalo ako natakot... nanlamig ang buong katawan ko at halos panawan na ko ng ulirat... buti na lang at hindi ako nawalan ng malay" - humihingal pang sabi ni Shane... mababakas din sa mukha ni kuya Kaloy ang takot at kaba sa mga tinuran ni Shane. "Ano?! sarili mo mismo ang nakita mo sa kabaong????!" - kabadong tanong ni kuya Kaloy... "Oo kuya... ano nang gagawin natin???" - pag - aalalang tanong ni Shane., "Hubarin mo ang damit mo ngayon dali...." - sabi agad ni kuya Kaloy... at hinubad nga ni Shane yung jacket at polo nyang suot... "Anong gagwin mo d'yan kuya???" - pagtataka ni Shane... dali - daling inilabas ni kuya Kaloy ang kanyang lighter at sinidihan ang polo at jacket ni Shane..., "Kuya Kaloy! teka! anong ginagawa mo??? bakit mo susunugin yan???" - mabilis at pagtatakang tanong ni Shane., "Damit lang yan Shane... isang signus o babala yung nakita mo... kung hindi ko susunugin 'to... mapapahamak ka at baka ikamatay mo pa"... - sabi ni kuya Kaloy.... "Isuot mo na lang muna 'tong jacket ko nang hindi ka ginawin" ani ni kuya Kaloy.
Nang tuluyan ng matupok ng apoy ang damit ni Shane ay nakiramdam muna sila sa paligid... "Tara na Shane... magliliwanag na... hindi na tayo babalikan pa nung nakita natin kanina" - muling sabi ni kuya Kaloy. At nagpatuloy na nga sa pagmamaneho si Shane... bitbit sa utak nya ang mga pangyayari na siguradong hindi nya makakalimutan.
BINABASA MO ANG
Katol
HorrorIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...