"Mga boy! naubusan na ata tayo ng gasolina!" - sigaw ni Shane... bigla na lamang huminto sa kawalan ang aming sasakyan, wala na kaming makita ni isa mang bahay sa paligid... " Anyare boy?!" tanong agad ni Harvey kay Shane.. "Hindi ako sigurado mga pre, pero may laman pa naman yung tank naten.... haixt... hindi ko na gusto nararamdaman ko mga men" sagot ni Shane. Hindi na din ako mapakali, marahil sa haba ng byahe namen... "Alam nyo mga pre... may nakapag sabi sa'ken na dapat daw nagbubusina muna pagdadaan sa mga masusukal na gaya nito" ani ni Paolo. Nanatiling tahimik at nagmamasid lang sa paligid sina Marco at Kevin. Sinubukan nga ni Shane na magbusina... parang "pang - excuse me" kasi dadaan kame... ilang saglit lang na pagbubusina, umandar nang muli ang makina ng sasakyan... nagpatuloy na kame sa daan, inaalala namin na mas mahihirapan kame maghanap ng lugar kung abutin na kame ng dilim.
Mag - aala - sais na, maliwanag pa din naman sa aming dinadaanan, ngunit... bigla na namang huminto ang aming makina sa isang daan na pataas... nahirapan ata sa pag.ahon ang aming sasakyan... muling nagbusina si Shane sa pag - aakalang aandar pang muli ang makina... ngunit bigo siya... Ilang minuto ang lumipas may nakita kame na isang lalaki na mukhang taga doon sa lugar na 'yon.. galing siya sa makapal na bahagi ng gubat at may bitbit na mga kahoy na pang - gagatong daw niya... ako na ang nagtanong... "Manong.,, mukha pong naliligaw na kame... may malapit na ho bang bahay dito na maari naming matuluyan?" sumagot naman si manong.., "Saan ba kayo galing?!.. malapit na magdilim delikado na sa gubat..." "Mga taga - Maynila ho kame Manong." - Marco, "dito ho kame napadpad dahil sa turo na rin ng mga napagtanungan namin sa daan kanina." dugtong naman ni Kevin. "Nasiraan pa nga ho ata kame... tumirik po 'tong sasakyan namen" - ani ni Shane. "Medyo may kalayuan pa ng kaunti yung isang bahay paupahan na malapit dito.. mas makabubuti na maglakad na lamang kayo ngayon kesa abutan pa ng paglalim ng dilim sa daan." tugon ni Manong sa'min...
Ganoon na nga ang aming ginawa... kinuha na naming mag-babarkada ang mga bagahe sa loob ng aming sasakyan at nagtulong - tulong na itulak ito sa gilid ng daan. Ilang sandali lamang ay nagsimula na kaming tahakin ang daan patungo sa bahay na binanggit ni manong.... medyo nahihilo na kaming apat, epekto na marahil ng ininom na'ming alak... lakad dito.. lakad doon... kahit hindi pa kami sigurado sa tinatahak namin... may mga patag na daan, may mga pa - akyat at pababang bahagi pa ng gubat ang aming nadadaanan. Unti - unti nang bumabalot ang dilim sa kapaligiran... kaya mas binilisan pa namin ang aming pag - lalakad.
Sa aming pagpapatuloy ay may na daanan kaming maliit at mababang sapa.. may tulay naman na nagdudugtong dito patungo sa kabilang bahagi ng gubat... tumitindig na ang balahibo namin.. pero wala ni isa ang nagpakita o nagparamdam ng takot... Ako naman ay tahimik na umuusal ng isang dasal sa aking isipan. Pag - apak ng aming mga paa sa tulay na 'yon.. lalong tumindi ang takot sa aming mga isip at unti - unti nang binalot ng lamig ang aming mga katawan... "Mga pre... iba na nararamdaman ko..... " pagbasag ni Harvey sa aming katahimikan..., "ako din mga boy... " pagsang - ayon naman ni Marco, "Wag nga kayong ganyan! lalo lang akong kinakabahan at natatakot" pagalit na sabi ni Paolo... Nang nasa halos kalagitnaan na kami ng tulay ay mas tumindi ang lamig at takot na aming naramdaman...
Sa di kalayuan ay may naaninag kame na mumunting liwanag...parang liwanag buhat sa isang kandila... sa pag aakalang ayun na yung bahay na aming pakay ay mas minabuti naming bilisan pa ang aming paglalakad.. hindi pa man kami nakakalampas sa tulay ay napansin namin na mas lumiliwanag ang kanina'y mumunting ilaw pa lamang na aming nakita sa di kalayuan... "teka mga pre... baka may makakasabay na tayo na papunta din dun sa bahay na pupuntahan natin.." sabi ni Kevin.. naghintay ang buong barkada at nakiramdam ng ilang minuto at para na rin makapagpahinga kahit saglit lang.... lahat kami ay tanaw - tanaw ang papalapit na liwanag... "Tol tignan nyo! bakit parang ang dami na nung mga ilaw?! sunod - sunod na!" pagtataka ni Harvey., At lahat kami ay biglang nakaramdam ng takot at kaba na hindi namin maipaliwanag...
Habang papalapit ng papalapit ang mga ilaw na yon... mas lalong lumalakas at tumitindi ang kabog ng aming mga dibdib...kaya minabuti naming magtago sa isang bahagi ng mga makakapal na halaman don... hanggang sa........ halos nasa amin nang harapan ang mga ilaw.... laking gulat naming lahat nang makita ang mga ilaw na aming inaantay.... ang liwanag ay mula nga sa kandila at hindi lang iisa kundi napakaraming kandila.... isang prusisyon ng mga kandila at lalong nanindig ang aming mga balahibo nang wala kaming makita ni isang tao na may hawak o dala ng mga kandilang iyon... hindi na namin halos marinig ang tibok ng aming mga puso dahil sa sobrang takot... at hindi pa pala doon nagtatapos ang takot na aming mararamdaman dahil sa kalagitnaan ng prusisyon ng mga kandila ay may isang lumulutang na kabaong... hindi na kami halos makagalaw at makahinga sa takot, gustong - gusto na naming tumakbo pero hindi namin maigalaw ang mga paa namin pati ang aming mga tuhod ay halos mga nanlalambot na.... pigil hininga kaming lahat nang nasa harapan na nang aming pinagtataguan ang nasabing kabaong., ngunit hindi pa pala dito magtatapos ang lahat, dahil biglang umusok ang kabaong at ang nakapagtataka pa don ang amoy ng usok nito ay amoy sinindihang katol. Ang akala namin ay tapos na... ngunit ang lahat ng kandilang 'yon na nagliliwanag ay biglang namatay lahat ng sabay sabay. Ang kaninang balot ng liwanag na daanan ay nababalot na ngayon ng kadiliman... Wala na kaming hinintay pang sandali at bigla na kaming kumaripas ng takbo kahit na magkandadapa na kami sa daan, sigaw kami ng sigaw dala na rin ng takot...

BINABASA MO ANG
Katol
HororIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...