Kabanata 14

591 22 1
                                    

Pumutok na ang haring araw... umaga na... "Paolo pare! gising! oist! gumising ka nga d'yan!" - panggigising ni Marco sa'ken... "Anong ginagawa mo d'yan sa lapag? at bakit d'yan kana natulog????"  pagtataka naman ni Harvey. Nagising na ko... pupungas - pungas pa... "Bakit mga pre??? .... teka anong ginagawa ko dito sa lapag???" - pagtataka ko pa sa sarili, hanggang sa unti - unting bumalik sa'king isipan ang mga pangyayari nung gabing nagdaan. Natahimik lamang ako ng sandali at hinihimay sa'king isipan ang lahat ng pangyayari.... "Ano ba nangyari s'yo boy?" tanong ni Harvey.. "Wala ba kayong narining kaninang madaling araw na ingay o sigaw ko??" - tanong ko sa dalawa... "Huh?! yung totoo boy.. bumabatak ka ba???!" - birong tanong ni Marco.... "Anong ingay ba yun pre? saka sino sumigaw? meron ba???" - pagtatakang tanong naman ni Harvey. "Ang lakas ng sigaw ko at ginigising ko pa nga kayong lahat eh...  wala kayo narinig?"  - pagtataka ko na may halo nang takot.... 

"Alam mo pre, gutom lang yan! tara na sa baba at nang makakain na tayo... andun na sila Shane at Kevin baka maubusan pa nila tayo.. tara na!" sabi ni Harvey. Habang bumababa kami ay pilit ko pa ding iniisip kung panagip nga lang ba talaga o totoong nangyari yung mga naranasan ko nung gabing 'yon... Naguguluhan ako pero  malinaw sa isipan ko lahat ng detalye ng mga pangyayari.... Nasa lamesa na kami para kumain, dumating si Nay Martha may dalang pitchel na naglalaman ng kape... "Oh mga anak.. magkape na muna kayo habang mainit pa, nang mainitan na din ang mga sikmura nyo... may kalamigan pa naman ngayon... " - Sabi ni Nay Martha. Habang kumakain ang lahat ay tahimik pa din ako at malalim ang iniisip... "Pao, bakit tulala ka pa din d'yan? hindi ka din kumakain... " - tanong ni Shane.. "iniisip mo pa din ba yung nangyare kagabi???" tanong naman ni Kevin.. "Nay Martha... may itatanong lang ho sana ako.... kasi po kaninang madaling araw mga bandang alas - tres... nagising po ako dahil sa lamig... nakabukas po pala yung bintana... kaya po bumangon ako para maisara... gising ho ba kayo ng ganoong oras? parang nakita ko ho kayo sa may veranda...." - ang tanong ko kay Nay Martha... "Huh?! tulog na tulog ako ng ganoong oras iho... saka malamig na masyado ngayon hindi na kakayanin pa ng katawan ko na manatili pa ng matagal sa labas ng bahay ng ganoong oras... anong itsura ba ng nakita mo???" - pagtatakang sagot ni Nay Martha... "Po?! eh sino ho yung nakita ko?????" - ang bigla kong naisagot kay Nay Martha... kinilabutan na ko agad ng marinig ko na hindi si Nay Martha yung nasa veranda.... pati mga kasama ko ay natigil sa pagkain ng marinig iyon....  "Hindi ko po masyado nakita ang mukha niya... pero nakadamit sya ng pang sinaunang pantulog at dahil kayo nga lang po ang babae dito sa bahay kaya kayo po agad ang naisip ko...." dugtong ko pa.... "Kung hindi ho kayo yun Nay Martha... may kasama pa po ba kayong ibang babae dito bukod po sa inyo????" - tanong din ni Marco. "Wala na maliban sa'kin... Kaloy?!!! baka naman may dinala kang babae dito ha nang hindi ko nalalaman?!" - pagalit na tanong ni Nay Martha kay kuya Kaloy... "Ho?! Ano ba yan Tiya ako pa ho ba??? hindi po ako nagdadala ng babae dito lalo na kung hindi nyo alam.." - sagot ni kuya Kaloy.

Natahimik na ang lahat pagkasagot ni kuya Kaloy... muli na naman kaming kinilabutan... "Hindi kaya si... pero bakit???" - pabulong na sinabi ni Nay Martha... gusto nyang tukuyin ay si Esper... pero ang pinagtataka nya ay bakit mukhang sinusundan nya kaming mga taga - Maynila... "Mga iho.. sigurado ba kayo na wala kayong binitbit na kahit anong gamit mula sa abandonadong bahay??? kahit isang gamit ah???" - muling tanong sa'min ni Nay Martha... "Wala naman po Nay Martha... bakit ho Nay???" - tanong ni Harvey.. "dahil kapag may kinuha ka kahit isa o maliit na piraso ng gamit dun... hindi ka na nya titigilan... parang binigyan mo na din sya ng karapatan para sundan at pakialaman ka" - nanginginig pang sabi ni Nay Martha. "Matagal nang usapan dito sa aming lugar ang bagay na ganyan... kaya walang naglalakas loob na dumaan o pumasok  man lang sa bahay na'yon... kahit nga banggitin ang pangalan nya ay wala din naglalakas loob....  lalo nang walang nagtatangkang kumuha ng kahit ano man sa mga gamit na natira doon". - dagdag pa ni Nay Martha.

"Nga pala mga iho luluwas ako sa bayan mmya bago magtanghalian... may kailangan akong asikasuhin at bilhin doon... iiwan ko na muna kayo dito... kayo na muna ang bahala sa bahay... mukha naman kayong mababait at mapagkakatiwalaan... kung ano man ang kailangan nyo sabihin nyo lang kay Kaloy..." - bilin sa amin ni Nay Martha. "Sige po Nay Martha.. maasahan nyo po kami..." - sagot ko naman. "Kaloy wag mo hahayaang maggala o pumunta kung  saan saan ang mga kabataang ito ha... mahirap na hindi sila taga rito baka makatuwaan sila alam mo na..." - bilin ni Nay Martha kay kuya Kaloy. 


KatolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon