Kabanata 18 - Si Marco

777 21 22
                                    

Napaisip ng malalim si Nay Martha., nagtataka siya dahil sa tagal tagal na niya sa Barriong 'yon ay ngayon lamang niya naranasan ang ganung mga pangyayari at sa mismong bahay pa niya. "Anong pakay niya dito sa bahay? Anong kailangan niya at kanino???" - ang tanong ni Nay Martha sa'min. Natahimik na lamang ang lahat at hindi rin alam ang isasagot sa tanong na binitawan ni Nay Martha..... Nagpapakiramdaman kaming lahat na nasa loob ng kwartong 'yon.... hanggang sa mapansin ni kuya Kaloy si Marco sa isang sulok na bahagi ng kama na nanginginig at takot na takot... nagbubutil ang pawis sa kanyang mukha at kitang kita ang labis na pakabalisa sa kanyang mga mata. "Marco... anong nangyayari sa'yo??? Bakit?????" - hindi pa man natatapos sa pagtatanong si kuya Kaloy ay sumagot na agad si Marco na nanginginig pa...., 

"Ayoko naaaaaa ditoooo... umuwi na tayo... bumalik na tayo sa Maynila..."  Pilit naming pinakakalma si Marco... hanggang sa mahimasmasan at kumalma na nga ito....., madilim pa din sa buong paligid... tanging ilaw lamang mula sa mga kandila ang nagsisilbing liwanag sa aming kinalalagyan.... "Mabuti pang doon na muna tayong lahat sa may sala hindi tayo maaring maghiwahiwalay baka kung ano pa ang mangyari" - ang sabi ni Nay Martha...., alam kong hindi na rin mapakali si Nay Martha sa mga nangyayari kaya  ganoon na nga ang aming ginawa... bitbit ang ilang unan at kumot at sabay sabay na nga kaming nagtungo sa may sala... 

Ilang oras na rin ang lumipas at wala paring ilaw... malamig ang buong paligid.... at wala ni isa man sa'min ang makatulog dala na rin ng takot... mga kuliglig na lamang ang aming naririnig sa buong paligid... sa di kalayuan ay napansin ko si Marco na animoy may malalim na iniisip... napansin din pala ni Kevin c Marco kaya minabuti nito na kausapin sya... "tol kumusta na pakiramdam mo??? ayos kana ba???"  sumagot naman agad si Marco..., "Oo pre... medyo ayos na ko... grabeng takot lang talaga yung naranasan ko kanina".... 

Mag - aalas dos na nang madaling araw... ilang oras na din naman ang lumipas na wala nang kababalaghang nangyari kaya minabuti na naming bumalik sa aming kwarto... wala pa din ilaw kaya bitbit pa din namin ang mga kandila at ilang pang reserba pa... Malamlam ang liwanag na hatid ng mga kandila... kaya kung ano - ano ang mga naglalaro sa aming isipan... halos paulit - ulit naming iginagala ang aming mga mata sa buong paligid ng kwarto at sinigurado din namen na nakakandado na ang lahat ng mga bintana."Makatulog sana tayo nang maayos ngayon... sobra sobra na mga nangyayari sa'tin dito... " - wika ni Shane..., "Sana nga mga boy...." - pag sang -ayon naman ni Harvey. 

Ilang minuto pa ang lumipas at napansin kong tulog na sina Shane, Harvey at Kevin... "Marco, bakit gising ka pa din??" - mahina kong tanong kay Marco... "Hindi ako makatulog ang daming lamok eh..." - sagot agad ni Marco.... maya - maya pa'y biglang tumayo si Marco at pumunta sa may gawi ng kabinet... may pilit siyang inaabot sa ilalim nito... "Oist Marco! anong kinukuha mo d'yan???!" - pagtataka kong tanong sa kanya... "Wag ka maingay d'yan Pao! baka magising pa sila... " - tugon ni Marco... tumayo na si Marco, marahil nakuha na nya yung kanina pa nya pilit inaabot sa may ilalim ng kabinet. Pinagmamasdan ko lang ang ikinikilos  ni Marco.... hanggang sa... kinuha nya ang isang may sinding kandila at sinidihan ang katol na hawak nya... kaya bigla ako napabangon sa aking higaan at mabilis na tinungo ang kinatatayuan ni Marco.. "MARCO! ano yan pre?! hindi ba't sinabihan na tayong bawal yang katol dito??! at saan mo naman nakuha 'yan???!" - medyo may kataasan na ang boses ko at may halong pagtataka... hindi naman nagpatinag si Marco at tinuloy pa rin nyang sindihan ang nasabing katol... "Kanina pa ko pinapapak ng mga lamok saka hindi din naman malinaw kung bakit nila ipinagbabawal ang paggamit ng katol dito sa barrio nila." - paliwanag naman ni Marco... 

Hindi ko na napigilan pa si Marco... tuluyan na nga nyang nasindihan ang nasabing katol... nakiramdam kaming dalawa ni Marco sa paligid... wala naman kaming napansin na kakaiba... maliban sa parang mas lumalamig ang paligid.. nag - antay pa kami nang ilang sandali pa... at tinamaan na kami ng antok... unang nakatulog si Marco... ako naman hindi pa gaanong malalim ang pagkakatulog... hanggang sa nakaramdam na ko na parang bumibigat na  ang paligid... kaya unti - unti kong dinilat ang mga mata ko... "Bakit ang kapal ng usok??????!" - pabulong kong tanong sa sarili... ang kapal nga ng usok sa paligid.. tatayo na sana ako para malaman kung saan nagmumula ang usok na 'yon.... hindi pa man ako nakaka - bwelta sa pagtayo ay napansin ko na sa gilid ng hinihigaan ni Marco na may kumpol ng usok at nang tignang kong maigi ay imahe ng babae.. nakatayo at nakatitig lang kay Marco... Nanlaki na ang ulo ko sa takot kaya napasigaw na lang ako...."Marcooooooooooooooooo....... si Espeeeeeeeee!!!!! ".




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KatolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon