Naalimpungatan ako bandang alas - tres ng madaling araw dahil pakiramdam ko ay mas lumamig pa sa loob ng kwarto namin... humihilik na mga kasama ko kaya siguradong malalim na ang kanilang tulog. Napatingin ako sa may bintana... kaya naman pala malamig dahil nakabukas ito... nang aakma na akong tatayo sa higaan biglang may umusok ng bahagya sa may gawing bintana... inisip ko na lng na marahil hamog lamang iyon... pero nang papalapit na ko sa bintana umalingasaw na naman ang amoy katol... kinabahan na ko.... nagdadalawang - isip na ko kung lalapit pa ba ko sa bintana o hahayaan ko na lang na nakabukas 'yon, pero malamig talaga kaya pinilit ko na lang ang isip ko na kailangan ko talagang isara yung bintana.
Nakatayo na ko sa harapan ng bintana... mas lumakas ang hangin na dumampi pa sa mukha ko... "Aaaaaaannnggggglameeeeeeeg....." pabulong kong sinabi... nang hahawakan ko na ang bintana.. napansin ko na may babae sa veranda, nakatayo lang at nakadamit pangtulog pa.. mukang pang - sinaunang pa yung suot nya... " Anong ginagawa ni Nay Martha sa veranda sa ganitong oras?" - pabulong kong tanong. Dahan - dahan ko na lang sinara yung bintana.. lumang style ng bintana 'to... gawa sa kahoy at may shell na capis pa.... habang unti - unti kong naisasara na ang bintana... hindi pa din maalis sa mata ko si Nay Martha... hanggang sa kapiraso na lang at tuluyan nang masasara ang bintana... biglang nawala si Nay Martha sa kinatatayuan nya. Bigla akong kinilabutan... naalala ko bigla yung mga sabi sabi na pag alas - tres daw nang madaling araw at bigla kang nagising ibig sabihin daw nun na may nakatingin sayo sa paligid na ibang nilalang....
Lalo kong binilisan ang pagbalik sa kama ko... ramdam ko pa din ang lamig... nanunuot pa din sa suot kong pantulog... nang biglang marinig ko ang mahinang bulong dala ng hangin... "paoooolo..... paoooolo...... paoooolooooo...." nanggagaling sa labas ng bintana yung pagtawag... Halos panawan ako ng ulirat ng makita kong may anino ng taong nakatayo sa labas ng bintana. Dahan dahan akong lumapit at kabadong kinompirma ito. Napabuntong-hininga ako ng wala akong makitang tao pagbukas ko ng bintana. "Haixt... mukang nasobrahan na ko ahhhh... kailangan ko nang itulog 'to" ang nasabi ko na lang para mapakalma ang sarili ko...
Nagtungo muna ako sa banyo para umihi.. binuksan ko ang ilaw pero kumikislap kislap ito... eh ihing - ihi na din ako kaya hinayaan ko na lang na ganun ang ilaw nasa isip ko na hindi naman ako magtatagal sa banyo, nasa kalagitnaan na ko nang pag -ihi nang tuluyan nang namatay ang ilaw... in - on ko ulit yung switch... bumukas naman ito ulit pero bigla ring namamatay... pakiramdam ko may nagpapatay ng switch... tinapos ko na lang ang pag - ihi ko at dali daling nagtungo sa aking kama..., humiga agad ako at nagtalukbong ng kumot.... Ilang saglit lang ay naramdaman ko na may dumaan sa harap ng kama ko at nagbukas ng pintuan ng banyo... nakahinga ko nang maluwag dahil may kasama na din akong gising... inalis ko agad ang kumot sa mukha ko para tignan kung sinong gising.... halos manlaki ang ulo ko nang makita kong tulog at nakahiga ang lahat ng kasama ko sa kwarto...
"Pooooootek! sino yung dumaan?! sino yung pumasok sa banyo?" tanong ko agad sa sarili ko na balot na talaga ng takot. "Mga pre.... tol... gising kayo..." - sa mahinang boses ay pilit kong ginigising ang mga kasama ko..... "Mukhang hindi lang tayong lima ang andito sa kwarto... mga pre....." dugtong ko pa... Pero wala ni isang nagising sa mga kasama ko.... pakiramdam ko ang laki na ng ulo ko at kinikilabutan na talaga ko...
Muli akong nagtalukbong nang kumot.... pinilit kong matulog... bumulong ako ng dasal... "Hail Mary full of grace the Lord is with you........ " hanggang sa mapansin ko na may sumasabay sa tabi ko... bigla kong inalis ulit ang talukbong nang kumot sa mukha ko... wala akong nakita sa tabi ko... pero malinaw sa'kin na may sumasabay sa dasal ko... "Sino ka ba ha?! anong kailangan mo sa'kin? tigilan mo na ko.... " - pagmamatapang na sabi ko.... Muli kong nakita ang anino ng tao sa may bintana... "Sino ka?! anong kailangan mo sa'kin???" muling tanong ko. "Paoooooloooooo...... Paooooolooooo....." narinig ko na naman ang pagtawag nya..... boses babae 'to....
Sa matinding takot ko... nagtalukbong na lang ako ng kumot at sumigaw... "Mga pre! Kevin! Harvey! Shane! Marco!!! Gumising kayo!!!! Gumising kayoooooooo!!!!" ilang beses ko din sinigaw ang mga pangalan nila... pero bigo akong magising sila. Narinig kong bumukas ang bintana.... naramdaman ko ang pag- ihip ng hangin mula sa labas.... Bahagya kong inalis ang kumot sa aking mukha at kabadong sumilip ng dahan dahan... nanindig lahat ang balahibo ko nang makita ko ang isang imahe ng babae nakalutang sa may bintana... may hawak syang may sinding katol sa kanan nyang kamay hindi normal ang kulay ng balat nito parang madaming sugat at paso... nakatitig ito sa'kin....
Halos maihi na ako sa takot kaya sumigaw pa ko ng sumigaw at inalog ko na ang mga kasama ko para magising sila..... Hanggang sa bigla na lamang akong bumagsak at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Katol
HorrorIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...