Maliwanag na sa paligid nang dumating sina Shane at kuya Kaloy sa bahay... namumutla pa ang mga ito at parang takot na takot... "Oh?! anong nangyari sa inyo at parang takot na takot kayo lalo kana Shane???" - pagtatakang tanong ko sa dalawa., "Oo nga! may hindi bang magandang nangyari dun kina Annaliza??" - sunod na tanong naman ni Harvey., "Maayos naman mga pre yung kina Annaliza... mabait pamilya niya, natagalan lang kami dahil nag - yaya silang uminom kaya hindi na din namin napansin ang oras" - sagot ni Shane., "Eh maayos naman pala... bakit ganyan mga mukha niyo???" pagtatakang tanong naman ni Marco... "Nung pabalik na kami dito... may nadaanan kami na malaking puno.. tapos malayo pa lang kami nakita na namin ult yung kabaong na lagi nating nakikita.... wala naman kaming ibang daan kaya mas binilisan ko pa yung pagmamaneho.... noong papaliko na kami kitang kita ko mga pre kung sino ang nasa loob nang kabaong!" - salaysay ni Shane... tahimik lang na nakikinig si kuya Kaloy...
"SINO ang nakita mo sa loob????" - may takot na tanong ni Harvey.... "AKO mga pre! sarili ko ang nasa loob!!!" - malakas at takot na sagot ni Shane., "Huh????! ANO???" halos sigaw naming lahat na andoon... narinig ni Kevin ang lakas ng boses namin kaya pagtatakang nagtanong si Kevin... "Anong meron mga boy??? ang aga aga ang ingay niyo na???"... "Teka nasaan na yung suot mong damit kagabi??? bakit jacket na ni kuya Kaloy yang suot mo???" - pagtataka kong tanong kay Shane.... "Pinahiram ko yung jacket ko kay Shane dahil sinunog namin yung mga damit niya... ayon sa mga matatanda dito sa aming baryo isang masamang pangitain kapag nakita mo ang sarili mo sa kabaong kailangan sunugin mo ang damit para maiwasan ang anumang kasamaan o kamalasan na maaring maidulot nito" - tugon ni kuya Kaloy.
"Mga taga - Maynila... mukhang hindi na biro o pagkakataon lang ang mga nangyayaring ito... may nag - uugnay sa inyo at doon sa kabaong na 'yon... hindi ko pa alam sa ngayon kung ano... pero ang malinaw lang sa isip ko ay kailangan nyong mas maging maingat" - muling tugon ni kuya Kaloy. Sa sinabing ito ni kuya Kaloy ay napa - isip lalo kami at pilit na binabalikan ang mga unang araw namin doon sa barriong 'yon..... "Mga boy... wag na muna natin masyado isipin 'yon.. ang mas mahalaga ngayon ay safe sina Shane at kuya Kaloy mas doblehin na natin ang pag - iingat at kung maari ay wag tayo mag - iikot sa labas na nag -iisa" - ang tangi ko na lamang nasabi sa lahat para hindi man lang masira ang araw na iyon.
Araw ng Biyernes ngayon, ginawa na namin ang mga bagay na naka - toka sa bawat isa... "Mga taga - Maynila.. para malibang pa kayo at mabura man lang sa isipan nyo ang mga ilang hindi magagandang pangyayari dito sa'min... tara at dadalin ko kayo sa isang batis na malapit dito" - pag - aya ni kuya kaloy sa'min., "Wow!!! Swimming!!! Tara na guys!!!" - tuwang tuwang sabi ni Kevin.., At nagsipag akyatan na nga kami patungo sa aming kwarto upang kumiha ng mga gamit para sa "outing" na yun...
Isa sa mga hilig ni Harvey ay ang mga gadgets... halos alam niya lahat ng mga bagay bagay basta may kinalaman sa technology... madalas nga din sya maka - hack ng password ng mga wifi at nang ilang mga naka - bloked na sites sa internet... kaya nman lagi din niyang bitbit ang kanyang DSLR camera wala siya pinapalampas na moment pagdating sa galaan at adventures.
Ilang saglit nga ay nagtungo na din kami sa batis na sinabi ni kuya Kaloy... ang ganda ganda nga ng lugar... tahimik at napakalamig ng tubig... saglit naming nalimutan ang mga pangyayari sa mga nagdaang araw at ang pangyayaring naransan ni Shane... Puro tawanan... laro... kain.. inuman at kulitan ang nangyari sa buong araw naming 'yon sa batis... at syempre... si Harvey walang talagang pinalampas na pagkakataon dahil panay ang take nya ng pictures at video naming lahat... hilig din niya na gawan ng mga music video yung mga pictures na kinukuha nya....
Mag - aalasingko na nang hapon nang magkayayaang umuwi.... lumalamig na kasi lalo ang tubig sa batis at nagdidilim na kaya minabuti na rin naming umuwi at nang makapagpahinga na din... Pagdating sa bahay... dali dali na kaming nagbanlaw at nag - ayos na nang sarili... mga busog pa kaya wala na halos naghapunan pa... Nang makatapos na si Harvey sa pag - aayos ng kanyang sarili ay kinuha na niya agad ang laptop nito at sisimulan nang i-upload ang mga pictures na nasa kanyang camera... sina Kevin at Marco nang makatapos magbanlaw at magbihis ay nahiga na agad sa kama, marahil dala na talaga ng pagod... si Shane naman... nagmumuni - muni sa may bandang veranda... at ako nagkakape at nagpapalipas pa nang pagod sa katawan bago tuluyang mahiga sa kama...
Ugali na ni Harvey kapag kaharap ang kanyang laptop at may project na ginagawa ay inihahanda na niya muna ang mga kakailanganin niya gaya ng tubig, gatas o kape, papel, headset at kung anu - ano pa para wala nang tayuan at istorbo sa knya. "Mga boy... pwede ko ba bawasan yung ilaw natin dito sa kwarto? yung lampshade na lng bukasan nyo... medyo masakit sa mata yung ilaw ng laptop at para makatulog na din kayo nang maayos" - sabi ni Harvey sa'min., "Oo nman pre.. sige lang..." - tugon agad ni Marco... Halos mag - aalas - onse na nang gabi nakatutok pa din sa laptop nya si Harvey.... maya maya ay bigla na lamang namatay ang laptop, sa pag - aakalang nalowbatt lamang ito ay tumayo rin si Harvey at kinuha ang charger na nasa loob ng kabinet... Nang pabalik na sya sa lamesa kung nasaan ang laptop ay biglang bumukas ito at nagliwanag... nagulat nang bahagya si Harvey... ngunit hindi nya pinansin ito at nagpatuloy na sa paggawa ng music video... naka - headset sya para sya lang ang makarinig ng music dahil tulog na halos ang kasama nya sa loob ng kwarto... sa kalagitnaan ng music video ay may napansin sya na sumasablay sa music... parang may sumsabay na boses na hindi nya nman maintindihan... kaya naka - ilang balik sya sa bahaging iyon ng video... ganoon pa din ang kanyang naririnig... inisip na lang nya na baka tunog lang 'yon na nahagip ng mic ng kanyang camera... ngunit habang tumatagal ay lumilinaw ang boses na sumasabay sa kanta... hanggang sa marinig niya nang malinaw ang boses at malakas niyang narinig ang kanyang pangalan "HARVEY!!!!!" isang malakas na sigaw mula sa pinakikinggang niyang music.... dito na kinilabutan si Harvey... at mabilis na inalis ang headset sa kanyang tenga... lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib... hanggang sa halos panawan na siya ng malay nang maramdaman niyang may nakatayo sa kanyang likuran at naaninag pa nya ang anino nito sa kanyang laptop... biglang lumingon si Harvey para makumpirma kung may tao nga ba sa kanyang likuran... napabuntong - hininga na lamang siya nang wala ni isa syang nakita... naramdaman nyang tumatayo na ang kanyang mga balahibo dahil sa kaba at takot na nararamdaman...
"Mukang tinatamaan na ata ako ng antok ah..." - bulong ni Harvey sa kanyang sarili... tumayo ito at nag - unat unat ng katawan at binuksan na din nya ang ilaw sa loob ng kwarto... tinignan nyang mabuti ang mga kasama nya kung sino ang mukang nagtutulog - tulugan lang at pinag titripan sya... "Mga boy! baka pinag titripan nyo ko ah! wag ganun! matulog na kayo!" - ang sambit ni Harvey sa kanyang mga kasama na noong mga sandaling iyon ay malalim na ang tulog... kumuha at nagsindi muna ng yosi si Harvey para ma - relax ang sarili... nang makatapos mag-yosi ay unti unti na nyang nalimutan ang boses sa music video... at bumalik na ito sa ginagawa... nakatapos na sya sa isang bahagi ng kanyang project... kaunting mga detalye na lamang at tuluyan na nya itong ma-iuupload sa youtube... muli nyang pinsadahan ng buo ang natapos na music video para ma-review... natutuwa na sya sa kanyang pinapanaood hanggang sa muli na nman nyang narinig ang sigaw na pagtawag sa kanyang pangalan at hindi lamang 'yon... may ilang pictures na may mga aninong nakasama namin... mga usok at may mga bahaging lumabo... laking pagtataka ni Harvey dahil wala naman ang mga 'yon kanina.... bumalik muli ang takot sa kanyang isipan...
Sa pagkakataong ito ay halos panawan na talaga ng ulirat si Harvey sa sumunod na nakita... may isa sa mga larawan na andoon ay kasama namin yung kabaong... at hindi lamang pala iisa halos lahat nang kuha na kasama siya ay andoon ang kabaong... nagmistulang Photo bomber ito. Dito na biglang napatayo si Harvey at dali daling isinara ang laptop... pagsarang pagsara ng laptop ay napasigaw na nang malakas si Harvey dahil sa takot... nakita niyang nakatayo na sa kanyang harapan ang animoy usok na anyong babae... halos mawalan na siya nang malay dahil sa takot... kitang kita nya ang mga mata nito na nakatitig sa kanya... dali daling tumakbo si Harvey sa kinalalagyan namin... pilit na ginigising ang bawat isa.... ayaw niyang lingunin ang kinaroroonan ng kanyang nakita dahil baka andun pa rin ito... maya maya ay naramdaman niya ang paglamig nang kanyang batok at may mumunting tinig na bumulong sa kanya ...."harveeeeeeeeey......" kasabay ng biglang paglakas ng hangin dahil dito ay naramdaman niya na basa na ang kanyang boxer shorts... na-ihi na pala siya sa takot....
BINABASA MO ANG
Katol
TerrorIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...
