Kabanata 4

767 40 0
                                        

Kumalat na nga sa buong paligid ang liwanag... umaga na. Nag – ikot –ikot kaming magbabarkada sa paligid at sa buong bahay... marahil wala nga ni isang naninirahan dito, dahil halos lamunin na ng mga alikabok at agiw ang lahat ng mga nalalabing kagamitan dito. Nag hanap na sina Shane at Marco ng maari pang magamit para sa aming agahan, ngunit bigo sila dahil mukang wala nang mapapakinabangan pa sa mga gamit na nasa kusina. Minabuti na lamang ng magbabarkada na sa may labas ng bahay kumain, nilabas na nila ang kanilang mga baong pagkain sa loob ng mga bag.... Mga easy and trail foods lang ang aming dala... gaya ng mga de latang pagkain at tinapay.

"Akala ko pa naman may hotel o motel na tayong matutuluyan!" ang banat ni Kevin...

sumagot naman si Harvey., "Hotel ampoootek!? Ano ka boy! Nasa gitna na tayo ng gubat oh!" ...

"Mga pre., ano yung nakita natin kagabi???! Hindi ba tayo nananaginip lang???" - pagtatakang tanong ni Shane.,

" hahaha... panaginip?! Eh halos maihi na nga sa shorts nya yang si Marco! Hahaha.... " - pagbasag naman ni Paolo... nagtawanan na lang ang lahat, kahit sa isang bahagi ng kanilang isip ay gumugulo pa din ang mga pangyayaring 'yon.

" Sino kaya ang may –ari ng bahay na 'to at nasaan na sila ngayon noh?!" ang tanong ni Harvey sa barkada. Napa – isip tuloy ang lahat.. at nagtataka kung bakit 'to iniwan na lang basta.... Natapos na sa pagkain ang magbabarkada... naisipan naman nila na magtingin –tingin muna sa buong bahay kung may makikita silang paraan o bakas man lang para masagot ang kanilang mga katanungan.... Sina Harvey at Shane sa may kuwarto nagtungo, sina Marco at Kevin naman sa may likod ng bahay nagtungo. Ako naman.. naiwan mag – isa sa may sala... nag –iisip at naghahanap kung may makukuha ba kong sagot sa aming mga tanong... busy na ang lahat sa paghahanap sa buong bahay... ilang sandali lang... "Mga Boy! Panik kayo dito sa kuwarto! Dali!" - sigaw ni Harvey... dali dali nga kaming pumunta sa loob ng kuwarto.., ang nakita nila Harvey at Shane ay isang kahon na puro litrato... mga lumang litrato.... Marahil sila yung mga nakatira sa bahay na'to... sa pagka – busy naming lahat sa pagtingin ng mga litrato... bigla bigla nalang.... naamoy naming muli ang sinidihang katol. Nanumbalik lahat ng mga pangyayari sa tulay..... kumalat na sa buong bahay ang amoy nito.... Mas lalo kaming kinabahan.... 

Ang liwanag pa nang araw pero bakit gan'to ang nararamdaman namin..... nabalot na naman kami ng takot at kaba..... hinanap namin kung saan nanggagaling ang amoy katol na 'yon.... Pero bigo kaming makita kung saan ito nagmumula.... hanggang sa bigla na lang sumigaw si Kevin... "Pre! tignan nyo!"  sabay turo sa may bandang kakahuyan... nanindig ang aming mga balahibo at nanlamig ang buo naming katawan. Nasa may kakahuyan ang kabaong na aming nakita nung gabi sa tulay...  umuusok pa rin ito... at doon nga nagmumula ang amoy sinidihang katol.  Sa gitna nang aming takot... may narinig kaming bulong mula sa hangin.... " umalis na kayo dito... at anong ginagawa nyo sa loob ng pamamahay ko?...."   ito ang paulit - ulit naming narinig na inuusal ng hangin.....  Lalo na kaming natakot at dali - daling kinuha ang aming mga bag at tumakbo na papalabas ng bahay....

Hindi pa man namin nararating ang pinto ng bahay ay bigla na namang napasigaw si Kevin.... 

"Meeeeeeennnnnn!!!"  - muli niyang itinuro ang kakahuyan... wala na 'don ang kabaong.. At laking gulat ng lahat ng makita na namin sa loob mismo ng bahay ang nasabing kabaong... matinding takot na ang naghari sa katauhan ng bawat isa... at hindi lang basta yung kabaong ang nagpayanig sa katauhan namin... naririnig din namin ang pag usal ng dasal na kung saan nagmula ay hindi namin alam.... maraming boses at halos boses na mula sa mga matatandang babae.....

"Aba Ginooooooong Maria... napupuno ka ng grasya.. ang Diyos ay sumasayo.... bukooooood kang pinagpala sa babaeng lahat...... "

Pinipilit namin na makatakbo palabas..., ngunit may pwersang pumipigil sa aming mga paa.... parang ang bigat ng mga ito at hindi na namin maigalaw pa...  biglang sumigaw si Paolo.., 

"Sino ka!? Tigilan mo na kami!!! - tinapangan ko lang yung tono ng boses ko, pero sa totoo lang  wala ng paglagyan ang takot sa katauhan ko. Wala kami magawa kahit anong pilit naming ikilos ang aming mga paa... bumulong na lang ako ng dasal.... - "Lord... tulungan mo kami....." ang paulit - ulit kong ibinubulong sa aking sarili..... At mga ilang saglit lang... unti - unti nang nawawala ang kaninang makapal na usok at amoy ng katol... nararamdaman na naming gumagaan ang aming katawan... kaya wala na kaming inaksaya pang pagkakataon..., kumaripas na kami ng takbo papalabas ng nasabing bahay.

KatolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon