Habang unti - unting bumubukas ang kabaong... lalong nakaririndi ang ingay na nagmumula dito... pakapal din ng pakapal ang usok mula sa loob ng nasabing kabaong., tumitindi pa lalo ang amoy ng katol at tumitindi din ang takot na bumabalot sa buong katawan na'min..., halos wala na kaming makita sa kapal ng usok.... hanggang sa..... tuluyan na nga kaming nilamon ng makapal na usok na 'yon. "Kuyaaaaa Kaloyyyyy... ano na gagawin natin????" - nanginginig na tanong ni Marco.... "Pumikit lang kayoooooo!!!! Pikit langgggg! pigilan nyong matakot! sa takot natin sya kumukuha ng lakas para paglaruan tayo! pilitin nyong kumalma...." - ang matapang na sabi ni Kuya Kaloy. kahit sobrang takot na namin... pinipilit naming pakalmahin ang aming mga sarili...
Ilang minuto pa ang lumipas... wala pa ding dumudilat sa'min at nakikiramdam pa din kami sa paligid... hanggang sa sabihin na ni Kuya Kaloy na.... "Ayos na dumilat na kayo....." ., unti - unti na nga naming iminulat ang aming mga mata.. wala na nga ang kanina lang ay napakakapal na usok.... pero wala na din kami sa lugar na aming kinatatayuan kanina bago pa man kami balutin ng makapal na usok na 'yon.... Pag.dilat ng aming mga mata nasa may tulay na kami... yung tulay kung saan may mga nagdadaang mga kandila... Akala namin tapos na ang lahat.... isa - isa na namang sumindi ang mga kandila sa paligid... may mga nakalutang sa may sapa... at yung iba naman ay nakatirik sa mga bato... Bigla na namang nanlamig ang aming mga pakiramdam.... "Pooooooootek yan! ayan na naman!!!" - sigaw ni Kevin,. nabalot na naman kami ng takot... pero wala na kaming pinalampas pang pagkakataon at hindi na kami nag.abang nang mga maari pang mangyari... kumaripas na ulit kami ng takbo.... "Takbooooo na mga dude!!! bilis!!!!" - sigaw agad ni Harvey. Nakalayo - layo na din kami... ngunit sa sumunod na hakbang ay napansin namin na nasa loob na kaming muli ng abandonadong bahay... Napaglalaruan na talaga kami....
"Napaglalaruan na talaga tayo mga pre!" kanina pa tayo takbo ng takbo... paano tayo napadpad dito sa loob?!" - takot na tanong ni Shane., "Baliktarin natin ulit mga damit natin!" muling sinabi ni Harvey... gaya ng sinabi nya nung maligaw kami nung una.... "Sige nga mga pare.. baliktarin na natin ang ating mga damit" - pagsang - ayon din ni Kuya Kaloy.... sabay - sabay na kami halos nagbaliktaran ng suot na damit.... pero wala pa ding nangyari, nasa loob pa din kami ng nasabing bahay.
"Anong nangyari???! bakit andito pa din tayo sa bahay???!" tanong ko na may halong pangamba... "Kuya Kaloy... bakit ganito pa din??? nabaliktad na natin ung mga suot nating damit... ano pa ba kulang???" - tanong din ni Kevin. "Tekaaaaa...... hindi ba't nasabi nyo na nanggaling na kayo dito nun?!" - balik na tanong sa'min ni Kuya Kaloy.... sumagot naman kami lahat ng "OO kuyaaaa..."
"Bakit tayo patuloy na pinaglalaruan????" pagtatanong sa sarili ni kuya Kaloy... Natahimik lamang kami ng mga ilang saglit at pilit na iniisip din ang maaring dahilan kung bakit kami ayaw tigilan ng kung ano man o kung sino man yung naglalaro sa'min..... Biglang binasag ni kuya Kaloy ang katahimikan at ang pag - iisip namin... "Mga pare.... wala ba ni isa sa inyo ang gumalaw o kumuha ng kahit na anumang gamit dito sa loob nung mapadpad kayo dito???" May halong kaba ang tanong na 'yon ni Kuya Kaloy...
"May ginalaw kami doon sa loob ng kwarto... yung lumang kabinet dun... may mga nakita kaming mga lumang pictures.." - tugon ni Shane.... "Pero ibinalik din naman namin yung mga pictures sa loob mismo ng kabinet" - dugtong naman ni Harvey. "Kung wala kayong kinuha at nasirang gamit dito.... bakit kaya hindi pa din tayo tinitigilan???" - muling tanong ni Kuya Kaloy sa sarili.... natahimik muli ang lahat at nag hahanap sa isip ng sagot....
"Isa pa kasi sa mga paniniwala ng mga matatandang taga dito sa Barrio namin... hindi ka titigilan pag may nagawa kang hindi maganda sa mga nilalang na hindi natin nakikita... o pag may bagay o gamit ka na kinuha mula sa isang tao na namayapa na lalo na kung walang paalam...." ang sabi ni kuya Kaloy sa 'min.... natatakot na kami sa mga sinasabi ni kuya Kaloy... "Hindi kaya dahil nagambala namin ang may ari ng bahay na'to kaya kami pinaglalaruan????" tanong ko kay Kuya Kaloy....
BINABASA MO ANG
Katol
HorrorIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...