Sa labis na takot at sa matinding kaba ay hindi na namin inintindi pa kung saan kami dadalhin ng aming mga paa......, ngunit sa bawat takbo at hanap namin ng madadaanan napansin naming lahat na may isa pang tulay na inakala namin na iba na ito sa una naming dinaanan kani - kanina lang... " Mga boy! parang ito lang ulit yung tulay na pinanggalingan natin", pagtataka ni Harvey.... ngunit hindi na namin pinansin ang sinabi pang iyon ni Harvey... sige pa din kami sa pagtakbo kahit wala pa ring kasiguraduhan kung saan kami patutungo. Hanggang sa mapansin nga namin na pabalik - balik lang kami sa nasabing tulay... " Mga pre... naliligaw na nga tlga tayo.... " may takot na sabi ni Marco... bumanat naman si Paolo.. " Huh?! hindi pa ba tayo naliligaw sa lagay na 'to Marco? kanina pa tayo paikot - ikot! ... " teka mga boy... hindi lang ata tayo basta naliligaw... napaglalaruan na ata tayo..." sabat ni Kevin. Lalo nang kinabahan ang lahat sa sinabing iyon ni Kevin. "Men alam ko na! baliktarin natin mga damit natin bilis! sabi kasi ng mga matatanda, kapag nawawala o pabalik - balik ka sa isang lugar... kailangan mo baliktarin ang damit mo." paliwanag ni Harvey...., at dali - dali nga nilang binaliktad ang kanilang mga damit.... "Oh mga pre pati short at brief ah babaliktarin natin! hahaha... " banat ni Kevin.... "Pooootek ka pre! nakuha mo pang magbiro!... hindi mo ba nakita yung kabaong at mga kandila na dumaan sa harapan natin kanina?! - galit na sabi ni Paolo.
Mukang tama nga si Harvey... ilang saglit na lakaran pa ay natunton na namin ang isang bahay... mukang abandonado na... walang ilaw.. at halos may sira na ang ilang bahagi nito. kumatok kami at tumawag kung may tao nga ba sa loob... ngunit sa kabila ng ilang ult na pagkatok at pagtawag namin ay bigo pa din kami.. wala ngang tao sa loob. Hindi na kami nagdalawang isip pa at pumasok na kami sa loob ng nasabing bahay, kahit may takot at kaba pa sa dibdib ng bawat isa... naisip namin na mas mabuting nasa loob kami nito at kahit papaano ay may lugar kami na mapagpapahingahan. Pagpasok namin sa loob ng bahay, makikita na may mga naiwang gamit pa din dito... may mga upuan at lamesa pa... ngunit balot na ng mga agiw at alikabok. Inilapag na namin ang aming mga gamit at naghanap na ng maaring mapagpwestuhan maihiga man lang ang pagod naming mga katawan. Pero dahil pa din sa naranasang takot sa daan, mas minabuti naming magtabi tabi na lang sa isang bahagi ng bahay. Kahit pagod ang katawan hirap pa din kami makatulog dahil nasa isip pa din ng bawat isa yung mga eksenang nasaksihan namin sa tulay...
Parag yun na ang pinaka - mahabang gabi na naranasan namin, halos mag - uumaga na ng dalawin kami ng antok. Kumalat na ang liwanag.. umaga na... mag - aalasais na 'yon... "Mga boy! gising na!!! umaga na!" - pang gigising ni Shane, una siyang nagising sa amin, dahil hindi nga daw siya makatulog ng maayos at nasa isip pa din niya ang mga pangyayari. Bumangon na kaming lahat at nakiramdam muna sa paligid... amoy probinsiya na, malinis ang simoy ng hangin at malamig pa... mga ibon lng at mga insekto ang naririnig namin sa paligid. Naghanda muna kami ng makakain bilang agahan, sobrang gutom na kaming lahat dahil wala ni isa sa amin ang nakakain nung gabing 'yon.... tumungo si Marco sa kusina, my mga mangilan ngilan pang gamit din dito.. Si Kevin naman... umikot sa my likurang bahagi ng bahay upang magmasid masid din... wala kaming makitang kapit bahay... wala ni bakas na may naninirahang malapit sa aming kinalalagyan.
BINABASA MO ANG
Katol
HorrorIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...