Kabanata 7

661 38 0
                                        

Nakapwesto na nga ang lahat sa lamesa nang masimulan na ang "session"...  at para makakuha kami ng mga sagot at mga kwento mula sa barriong 'yon... niyaya na din namin sa pwesto si Kuya Kaloy.... "Ayan na simulan na natin ang Trade mark ng mga astigggg!" pambungad ni Kevin, s'ya kasi ang magiging tanggero namin... Naka- upo na din si kuya Kaloy.

Nagsimula na nga ang inuman... umiikot na ang tagay... Gin - pineapple mix. "Oh kuya Kaloy, ikaw na..." - sabi ni Kevin sabay abot ng baso.. "Ang sobrang tahimik naman dito sa lugar nyo kuya... parang walang katao - tao... "  sabi ni Marco.. "Oo nga, parang ghost town na!" banat naman ni Kevin. Marami kaming gustong itanong kay kuya kaloy,.. pero s'ympre dadahan - dahanin muna namin... Nabasag na din ang katahimikan ni kaloy na  kanina lang ay puro ngiti, iling at tungo lang ang nasasagot nya sa'min. 

"Saan nga ba kayo nasiraan ng sasakyan kahapon?" - unang banat ni Kaloy. "Hindi namin alam kung anong lugar 'yon pero may pagkamasukal ang daan at paakyat pa... sa may gilid naman ay malalim na bangin." tugon agad ni Harvey. "May napagtanungan kaming lalaki dun at itinuro na may matutuluyan ngang bahay dito sa Barrio n'yo." dugtong ni Paolo.

Napag - uusapan na din naman ay sinimulan na din naming pakawalan ang mga tanong sa aming isipan... "kuya.. nga pala... may mga kwento ba dito sa barrio n'yo na kakaiba? mga misteryo ganun??..." - pagsisimula ni Paolo. "Kung mga ganyang kwento lang eh.. madami din naman dito sa amin"   tugon agad ni Kaloy... "Kaya nga tahimik na dito sa amin sa mga ganitong oras..." dugtong pa nito. Natahimik na ang lahat at inaantay ang pagpapatuloy ng kwento ni Kaloy... 

" Sa may kakahuyan.. marami na ang napagpakitaan ng pinaka kinatatakutan ng mga taga - dito sa'min... walang may gustong magpaabot ng dilim sa may kakahuyan dahil may usap usapan na may mga engkanto daw na mahilig maglaro.. lalo na kung makatuwaan ka nila... yun bang ililigaw ka ng daan kahit pa alam mo kung saan ka pupunta... oh di kaya.. ibabalik - balik ka nila sa lugar na dinaanan mo na... kung hindi mo ito mapapansin mawawala ka nang matagal sa loob ng gubat... "  -  ayon kay Kaloy

"May nawala na ba sa gubat na 'yon???" - tanong ni Kevin... 

"Kung dito ka sa Barriong 'to ipinanganak... hindi ka naman mawawala... pero matatagalan ka nga lang makakabalik kung hindi mo mapapansin na nililigaw ka na pala... may isang binata dito noon na galing sa sayawan sa bayan.. ginabi na siya sa paglalakad pauwi... dala na din nang kalasingan hindi na nya napansin na paulit ulit na sya sa dinadaanan n'ya... sa kanyang pag - aakala na malayo pa s'ya... sige pa din sya sa paglalakad....."  pagpapatuloy ni kaloy... Lalong bumibilis ang pag - ikot ng tagay dahil sa interisado na ang lahat sa mga ikinukweto ni Kuya.

 "Pootek Kevin! hindi pantay pantay tagay mo! nilalasing mo na kami!" pambasag ni Harvey.... "oist nde ah! nadadala lang ako sa kwento ni kuya! hahaha...." - mabilis na sagot ni Kevin. 

Sandali lang nabasag ang takot na unti - unti nang namumuo sa aming mga isipan.... at muli na naman itong sinundan... "Ano na nangyari dun sa binata kuya kaloy?"  tanong ni Marco... 

"Ayun! nagpatuloy lang sa paglalakad yung binata.. hanggang sa narating din n'ya ang kanilang bahay... laking pasalamat nito dahil naka - uwi din sya sa wakas... ngunit lingid sa kanyang kaalaman na isang linggo na pala s'yang nawawala at isang linggo na din s'yang pinaghahanap nang kaniyang pamilya at mga kaibigan... " - muling pagpapatuloy ni Kaloy... "Huh?! ISANG LINGGO?!" sabay sabay naming tanong kay kaloy.

"OO mga pare!... ISANG LINGGO na s'yang nawawala at palakad - lakad lang sa loob ng kakahuyan... pero para sa binata.. ang alam n'ya isang buong gabi lang syang naglalakad...."  muling tugon ni Kaloy. 

Muling nabalot nang katahimikan ang kinalalagyan namin.... binubuo ang mga sinabi ni kuya... "Teka mga Boy! Kuya Kaloy! anong araw at petsa na ba ngayon?!" biglang tanong ni Shane na may halong pangamba. Sumagot naman agad si Kaloy... " Linggo na ngayon... May 8, 2016.. Bakit??"  

"Ayos! salamat naman....  sabay hinga ng maluwag... mabuti naman at hindi kami napaglaruan sa kakahuyan kahapon..."  tugon agad ni Shane..... Nakahinga din kaming apat bukod kay Shane... dahil mabuti na lang talaga at hindi kami napaglaruan... paano na lang kung isang linggo o isang buwan na pala kaming nawawala?.... haixt..



KatolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon