Nakahinga nang maluwag ang lahat ng makumpirma namin na hindi nga kami napaglaruan sa may kakahuyan, mabuti na lang at hindi kami natulad dun sa binatang nawala ng isang linggo sa loob ng gubat. Lalo pang mas nabuo ang mga katanungan sa aming mga isipan nang gabing iyon... hanggang sa hindi na namin namalayan na wala na pala kaming iniinom na alak...
"Mga boy! wala na pala tayong iniinom!" medyo may pagkataas ang boses ni Kevin., "Paano ang bilis mo magpa - ikot ng tagay d'yan pare!" - banat naman ni Marco... "Nadadala lang naman ako sa mga kwento ni Kuya Kaloy" sagot ni Kevin sabay ngiti...
"Anong oras na ba mga pre!?" - tanong agad ni Harvey., "Mag - 9:30 pm na fafa!" mabilis na sagot ni Marco... "Bili na tayo dali mga pre! sabi ni kuya Kaloy kadalasn hanggang 10pm pa naman kung magsara yung tindahan dun sa binilan namin kanina" sabi naman ni Harvey..
"Oo nga mga pare, kadalasan alas - diyes kung magsara sila... dalian lamang ninyo baka pasara na din 'yon" sabi ni Kaloy... Dali - dali na nga kami bumili.. tutal kami ni Harvey ang nakakaalam kung saan yung tindahan dahil kami na ang unang bumili kanina... kami na din ulit ang bumili. Paglabas namin ng bahay... radam namin ang malamig na hangin nakadagdag tuloy ito sa kaba na aming nararamdaman dahil na din sa kwento ni Kaloy... wala na nga talagang tao sa paligid... may mangilan - ngilan na bukas pa ang mga ilaw sa loob ng bahay., pero ang tahi - tahimik talaga sa buong paligid... kaya mas binibilisan pa namin ni Harvey ang paglalakad... may kadiliman sa kalsada dahil walang mga street lights.... ilaw na lamang mula sa aming cellphone ang tanging liwanag na gumagabay sa'min....
Narating din namin ang tindahan., pasara na nga ito... "Ate, pagbilan po ulit ng 2 bote ng Gin at pineapple juice" - bungad agad ni Harvey "Buti naabutan n'yo pa kong bukas mga taga Maynila... pasara na dapat kami.. sige pahintay lang sagilt" - tugon agad ni Ate. Ilang minuto lang ang lumipas at nakabalik na din kami agad sa bahay....
"Eto na kami ulit mga boy! tuloy ang inuman at tuloy ang kwento kuya Kaloy!" sabi naman agad ni Paolo... Medyo natulala ang lahat ng dumating kami ni Harvey sa bahay.. "Hoy! mga Boy! anyare sa inyo?! para kayong nakakita ng baklang pagod ah! hahahaha..." - basag ni Harvey sa katahimikan ng lahat. Yun pala ay muling umalingasaw ang amoy ng katol sa paligid... nakiramdam sila na baka nasa paligid na naman ulit yung kabaong... dala na din ng trauma na aming naranasan...
"Ahhhh eh... wala naman mga pre... naamoy lang namin kani - kanina yung katol... kaya medyo kinabahan na naman kami ulit.." - tugon naman ni Shane. "Teka... anong meron sa katol mga pre?" - tanong sa'min ni Kaloy... "Teka... Teka lang mga pre! kuya Kaloy bago natin ituloy.. wait lang kakanawin ko lang 'to" paningit na banat ni Kevin... ilang saglit lang nakabalik na agad si Kevin at muling pina - ikot ang tagay... "Tuloy ang kwento kuya at tuloy na din ang ikot! hahaha... " pahabol na banat ni Kevin.
"Ayun na nga Kuya Kaloy... kahapon ng masiraan kami sa daan at inabot na ng dilim... napadpad na kami sa may kakahuyan sa may tulay na bato... nung una wala lang sa'min pero habang tumatagal iba na nararamdaman ng lahat... may parang takot na biglang yumakap sa amin... tapos.. may nakita kaming munting liwanag sa di kalayuan... ang akala namin ay mga taga dito lang din at may makakasabay na kami.... pero hindi eh... laking gulat naming lima na puro kandila pala yung makikita namin at ang nakakatakot pa dito walang may hawak o dala nito... lumulutang lang ang mga 'to na parang nagpuprusisyon..." - kwento ni Paolo.. sinundan naman ito ni Harvey...
"Tapos sa takot namin... nagtago kaming bigla sa mga halaman sa paligid at mas lalo kami kinilabutan ng makita ang nasa gitna ng prusisyon ng mga kandila... isanggggg kabaaaaongggg! at umuusok pa 'to... yung usok amoy na amoy katol... kaya hindi namin makakalimutan 'yun... hindi na nga kami naghintay pa ng mga susunod pang mangyayari kumaripas na kami ng takbo kahit na wala ni isa sa'min ang may alam ng daan..." ... hinayaan lang kami ni Kaloy na magkwento... nakikinig lamang ito ng mabuti.. sabay dugtong naman ni Shane... "Sa pagtakabo namin... napadpad na nga kami sa isang bahay... walang tao dun at halos masira na.... dun minabuti namin na magpalipas na muna ng magdamag at kinaumagahan na magpatuloy sa paghahanap ng mauupahang bahay... " tahimik pa din at patuloy na umiinom lang si Kaloy...
"Akala namin ayos na kami dun sa bahay na 'yon.. hindi pa pala... kinaumagahan nun.. muli naming naamoy yung katol at nabigla ulit kami nang makita naming muli yung kabaong... umuusok pa din 'to at nasa may kakahuyan... tinangka namin ulit tumakbo pero may kakaibang pwersa na pumupigil sa mga binti at paa namin... hindi namin ito maigalaw... maya maya lang ay nawala na sa kakahuyan yung nasabing kabaong... at sa laking gulat naming lahat na nasa loob na ito ng bahay! at may mga boses na kaming naririning na nagdadasal... maraming bosesss... parang isang grupo ng mga matatandang mandadasal..." pagpaptuloy ni Marco.
Nakikiramdam pa din ang lahat kay Kaloy dahil hindi pa din ito sumasabat bagkus ay tahimik na nakikinig lamang sa aming kwento....
BINABASA MO ANG
Katol
TerrorIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...
