Kabanata 10

701 28 4
                                    

May 9, 2016 Lunes

Umaga na nga... pumutok na ang liwanag sa buong Barrio ng San Isidro.... panibagong araw na naman ng pakikipagsapalaran naming magbabarkada. Mag aalas - siyete na nang magising si Shane... siya ang una sa aming lahat.... kaya naman ginising na din nya ang bawat isa... 

"Hoy mga boy! gumising na kayo at umaga na! bangon na dali at mag iikot pa tayo!"  - panggigising ni Shane.... Medyo masakit ng konti ang mga ulo namin dala na rin ng alak na nainom namin nung gabing 'yon. Malinaw na malinaw pa sa aming mga isipan ang mga napag - usapan kagabi at palaisipan pa din sa'min ang tungkol sa katol... ano nga ba ang kinalaman nito sa mga pangyayaring naranasan namin... 

Bumangon na kaming lahat nung si Nay Martha na ang tumawag sa'min... "Mga Nak! handa na ang almusal... tayo na d'yan at sabay sabay na tayo mag - agahan" - pag tawag ni Nay Martha. Nagsipaghanda na nga kami at nagtungo na sa lamesa... ang sarap ng buhay probinsya at ang sarap ng nakahain ngayon para sa agahan... Sinangag na kanin at mainit - init pa! tuyo at itlog na maalat! wala naman kaming arte sa pagkain... basta nakakain...wala kaming pinapalampas! 

"Wow!!! ang sarap ng agahan mga boy!!! agahan probinsya style!!! mapapalaban tayo nito men!!!" - ang bungad ng takam na takam nang si Harvey... "Sige lang mga iho.... marami tayo nyan dito..." tugon agad ni Nay Martha. Simple lang talaga sa probinsyang 'yon... magsipag ka lang hindi ka daw magugutom.

Natahimik ang lahat sa pagkain... wala munang pansinan... gutom eh... Nang makatapos na ang lahat... "Kung gusto n'yong maglibot - libot sa aming lugar... mas mabuting samahan na kayo ni Kaloy..." - sabi ni Nay Martha. "Ayos!!!" tugon agad naming lima.. Ilang saglit lang na pahinga ay nagsipaligo na kami at naghanda na para sa araw na'yon... gusto namin i - explore ang lugar kahit na may kakaibang pagsalubong ito sa amin... Normal lang na araw 'yon para sa aming magkakaibigan... pero lingid sa aming kaalaman.. mas titindi pa pala ang aming mga kakaharapin at mararanasan. 

Bitbit ang aming camera ay nagsimula na nga kaming gumala sa Barrio ng San Isidro.... Una kaming dinala ni kuya Kaloy sa may burol... tanaw ang malawak at napakatahimik na kapaligiran... malayo talaga sa usok at ingay sa Manila... Todo hanap na kami ng spot para sa pictures. Lumipas ang ilang oras nang pag - iikot hanggang sa napadpad kami sa may kakahuyan... napahinto kami sa isang malaking puno... na kung titignan mo sa malayo ay parang putol na katawan ng malaking tao.... kakakilabot ito kung pagmamasdan mo pa lalo...  dahil nga sa kakaiba yung puno nagpa.picture din kame dito.... hanggang sa bigla na naman may nakita kaming usok sa di kalayuan sa aming kinatatayuan.... sa pag - aakalang may nagsisiga lang dun na malapit sa'min ay hindi namin ito masyadong pinansin... hanggang sa ang usok na kanina ay malayo pa sa'min ay parag unti - unti na kaming nalalapitan... biglang umalingasaw na naman ang amoy katol... ayan na naman ang kabog sa aming mga dibdib... palakas na naman ng palakas...

"Kuya Kaloooyyy!" - sigaw agad ni Shane.. "Amoy katol na nmannnnn!!!" sigaw din ni Kevin... hanggang sa ang inaasahan na nga nang lahat ay bigla na namang nagpakita ang misteryosong kabaong... umuusok ulit ito at nakalutang pa sa kawalan..... hindi na kami ulit naghintay pang muli nang mga susunod na mangyayari.... kumaripas na kami ng takbo...

Mag - aala sais na ng gabi 'yon... unti - unti na namang bumabalot ang dilim sa buong paligid... mas tumindi na ang takot... at sa hindi inaasahan.... biglang humarang na sa aming dadaanan ang nasabing kabaong.... nanlamig na ang aming katawan dala na ng matinding takot.... palakas na ng palakas ang usok na nanggagaling sa loob ng mismong kabaong.... at lalong tumitindi na din ang amoy ng katol.... ang sakit na nito sa mata at sa ilong... Hindi na namin alam ang gagawin dahil parang nakapako na naman ang aming mga paa.., hindi na namin ito maigalaw ulit, gustuhin o pilitin man namin na tumakbo pa palayo... wala ni isa sa'min ang makakilos kahit si kuya Kaloy... Maya maya pa'y unti - unti nang bumubukas ang kabaong..... nakakapangilabot ang tunog nito habang bumubukas..... 

"Waaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!" - sigaw naming lahat maliban kay kuya Kaloy...  Kuyaaaaaaaaaaaa.... ano nang gagawin natin??????!" tanong ni Paolo... "Saglit lang! nag - iisip ako!" pasigaw na sagot ni kuya Kaloy.

KatolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon