Sumapit na naman ang dilim... medyo may trauma pa ang lahat dahil sa mga naranasang 'yon.... pero mas kampante na kami ngayon dahil maayos na ang bahay na aming tinuluyan.
Alas - syete na ng gabi nang kami ay maghapunan... kasama na daw yun sa pag - upa namin sa kuwarto ayon kay Nay Martha. Kasabay namin sa hapag kainan sina Nay Martha at Kaloy..
"Tayo - tayo lang naman sa bahay na'to kaya mas mabuting sabay sabay na tayo maghapunan... medyo may katagalan na din ng may nakasabay kami ni Kaloy sa hapag..." - ang wika ni Nay Martha..., "Wala hong kaso 'yon sa amin Nay... Ayos nga po at may kasabay din po kami kumain ngayon..." tugon naman ni Marco... Ilang saglit lang at natapos na din kumain ang lahat.. " si Kaloy na ang bahala sa mga pinagkainan nyo... iwan nyo na lang d'yan sa lamesa..." - sabi ni Nay Martha.
Maaga pa pero sobrang tahimik na sa sa buong paligid... sabagay, ganito naman sa mga probinsya... maaga nagpapahinga at natutulog ang mga tao.. pero dahil sanay kaming magpuyat... minabuti muna namin na tumambay sa may terrace ng bahay nila nay Martha... para magpahangin at magmuni- muni... "Kakaibang adventure 'to mga boy! pero ayoko nang ulitin..." - sabi ni Kevin.. nagtawanan na lang ang lahat kahit na may takot at malaking tanong pa din sa aming mga isipan....
maya maya pa ay nag - tanong si Harvey kay Kaloy... "Kuya Kaloy... may bukas pa bang tindahan malapit dito sa mga ganitong oras?".,
tumugon naman si Kaloy.... "Ahhh.. oo meron pa naman paglabas nyo dito.. lakad lang kayo pakaliwa tapos my maliit na kapilya kayong makikita... kaliwa kayo ult... paakyat yun... kaunting lakad lang andun na kayo... kadalasan mga 9 o 10 na ng gabi kung magsara sila..."
" bakit fafa.. ano bibilin mo?!" - tanong ni Shane... "Pampalakas ng loob ang bibilin ko mga boy! hahahaha..." - sagot ni Harvey... Alak ang tinutukoy nito... "Ayos!!!" - sabi ni Kevin... "Bili ka ng yosi ahhh saka ng mapupulutan" - sabi naman ni Shane... "saka bili ka na din ng katol Harvey! ang lamok dito eh... " - pahabol pa ni Marco... sinamahan ni Paolo si Harvey sa sinabing tindahan ni Kaloy.. hindi nga kami nabigo dahil bukas pa ang tindahan...
" Ate pagbilan po ng isang Litrong Emperador... saka isang kaha ng sigarilyo..." - sabi ni Harvey sa tindera... sumagot naman si Ate... "Naku mga kuya... dayo lang kayo dito noh?... wala kaming emperador ... puro Gin lang ang iniinom ng halos lahat ng mga kalalakihan dito sa'min"
"Opo Ate... mga taga - Maynila po kami.. nagbabakasyon lang po dito... sige po dalawang bote na lang po ng Gin saka yung sigarilyo na lang po" - sagot ni Harvey... "Tol yung katol pa sabi ni Marco... " paalala ni Paolo kay Harvey... "Ayyy Ate saka ho pala pagbilan din po ng katol medyo malamok po eh..." - pahabol ni Harvey... "Mga taga Maynila nga kayo... matagal na din kaming hindi nagbebenta ng katol mga kuya..." ang tanging tugon sa'min ni ate.. "Pero bakit ho??" - pagtatanong ni Paolo... "Saan ba kayo tumutuloy ngayon mga iho???" - tanong sa'min ni ate... "Kina Nay Martha po..." ang mabilis na tugon ni Paolo.
" Mas mabuting si Nay Martha o kaloy na lang ang tanungin nyo mga iho..." - ang sagot sa'min ni ate... sa sagot nyang 'yon mas nag - isip pa kami lalo... "bakit nga ba hindi na lng nya sinagot agad yung tanong namin??? bakit kailangan kina Nay Martha o kaloy pa kami magtanong...?" tanong ni Paolo sa kanyang isip...
Pabalik na kami ni Harvey sa aming tinutuluyan... habang nasa daan tinanong ko si Harvey., "bakit kaya hindi sila nagbebenta ng katol dito???" sumagot naman agad si Harvey... "Baka dahil yung usok ng kabaong amoy katol na kaya hindi na nila kailangan pa! hahaha..." - pabirong tugon ni Harvey... "Langya naman pre.. nakuha mo pang gamiting biro 'yon?" sagot ko agad kay Harvey. "Biro lang naman pare... Hindi ko din alam eh" muling sagot ni Harvey.
Nakabalik na kami sa bahay... inayos naman ni Shane at Kevin ang aming pupwestuhan at mga gagamitin sa session na'yon... "Mukang mahaba - habang inuman to mga boy! hahaha...." - ang banat ni Kevin.
BINABASA MO ANG
Katol
HorrorIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...
