Hindi namin batid lima kung ano ang tumatakbo sa isip ni Kuya Kaloy nung mga sandaling 'yon.... ang tahimik lang n'yang nakikinig sa aming mga kwento.... Hanggang sa nabasag na ang kanyang katahimikan...
"Alam n'yo... yung mga naranasan n'yo kahapon at kaninang umaga... ay natural nang kwento dito sa aming Barrio... marami na din ang nakasaksi sa sinasabi n'yong prusisyon ng mga kandila... Kaya nga ang mga taga rito ay ayaw nang magpaabot ng gabi sa daan lalo na sa may kakahuyan... at kung mapadpad man sila dun ay lumilihis na sila ng daan upang maiwasan ang sinasabi n'yong tulay.... " -ayon kay Kaloy.... unti - unting nawawala ata yung alak sa katawan namin dahil sa namumuo na namang takot... wala na halos umiimik ni isa sa aming lima.... nagpatuloy lang si Kuya Kaloy sa kanyang kwento...
"Paniniwala din dito sa'min na pagnakita mo yung prusisyon ng mga kandilang 'yon... asahan mo na din na maliligaw ka sa gubat... " ayon pa din kay Kuya Kaloy..
"Kaya pala kami naligaw nung nakita namin yung mga kandila????" - pagtatakang tanong ni Marco., "Mabuti na lang at naalala ko yung sinabi s'ken ng lola ko na pag mga ganung sitwasyon daw... dapat binabaliktad yung suot na damit..." ayon kay Harvey...
"Mabuti na lang at naisip mo yan Harvey... mabisang paraan din 'yon para malaman ng naglalaro sa inyo na alam n'yo yung mga nangyayari.. dahil sa oras na hindi n'yo napansin na naliligaw na pala kayo... eh siguradong mawawala na kayo ng tuluyan sa loob ng kakahuyan... lalo pa't mga dayo kayo dito..." - pagpapatuloy ni Kuya Kaloy.
"Madami na din ba ang hindi na nakalabas pa sa gubat na 'yon kuya Kaloy???" pagtatanong ni Shane na may halo ng takot... "Oo mga pareeeee.... marami rami na din mga dayo ang halos naligaw na sa kakahuyang iyon... may iba naman na pinapalad na makalabas pero inaabot sila ng mahigit isa o anim na buwan... minsan naman halos wala na talaga...." - tugon ni Kaloy sa tanong ni Shane...
"Noong nakaraang buwan nga lang may dalawang magkaibigan din ang magtutungo daw sana dito sa aming Barrio.. pero nawala din sila sa gubat na 'yon... halos ilang linggo din kaming tumulong sa paghahanap... pero hanggang sa ngayon... wala pa din kaming nakikita ni katawan man lang nila.... ayon sa mga matatanda dito sa aming lugar... paniniwala nila na... tanging sila lamang (yung tao mismong naliligaw) ang may kusang kakayahan para makalabas sa loob ng gubat na'yon... kung mahina ang kanilang mga loob at pananampalataya... siguradong wala na silang pag asa pang makalabas at habang buhay na lamang magpapa - ikot -ikot sa gubat." - ayon pa kay Kaloy.
"Andun na tayo sa maaring maligaw sa gubat at mapaglaruan... ska yung mga kandila... eehhhh.. anong kinalaman ng pagpuprusiyon nito at nung kabaong????!" - pagtatakang tanong ni Paolo... Bakas na bakas sa mga mukha namin ang takot dahil literal na naranasan namin yung mga pinag - uusapan ngayon.... Mukang hindi na umeepekto yung ilang bote ng Gin na iniinom namin.... mas tumitindi kasi ang takot sa aming katawan at isipan kesa sa tama ng alak....
"Saka yung amoy ng katooool!!! bakit ganun yung amoy nung usok sa kabaong???!" - dugtong ni Kevin.. "Teka mga pare.. halos mag - aalas - dos na ng umaga...tama na muna yan... magpahinga na tayo lalo na kayo at malayu - layo din ang nilakad n'yo" ang sabi ni Kuya Kaloy... "Pero teka kuya... andun na tayo oh... ngayon mo pa kami bibitinin???" - sabi ni Paolo...
"May oras pa tayo para mapag - usapan ang tungkol d'yan... nag - iingat lang ako dahil dito sa'min iniiwasan namin na pag - usapan ang mga bagay na ganyan lalo na't malapit na mag umaga... mahirap na.. kaya sige naaa.. magpahinga na tayong lahat saka ko na ipapaliwanag pa ang iba..." - ang sagot sa'min ni kuya Kaloy na may halo na ding pangamba...
Hindi na nga kami nagtanong pa, at dali dali na ding nagligpit ng mga pinaggamitan namin sa inuman... "Iwan nyo na lamang sa my lababo ang mga baso at platitong 'yan... bukas ko na lamang yan huhugasan... magpahinga na kayong lima ha... " Bilin ni kuya Kaloy sa'min..
"Sige Kuya... salamat ah... bukas tuloy mo yung kwento ahhhhhh!" - huling banat pa ni Marco. At nagtungo na nga kaming lima sa aming kwarto.... na palaisipan pa din sa'min kung bakit hindi tinuloy ni kuya Kaloy yung kwento at bakit iniiwasan nila itong mapag usapan lalo na pag ganitong mag uumaga na...
BINABASA MO ANG
Katol
KorkuIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...
