Natahimik na ang lahat at may mga malalalim na iniisip... "Marahil nga ay nagambala n'yo sya..." ang tanging nasabi na lamang ni Kuya Kaloy... "Ganun kuya??? teka.... ahhhmmm... ahh.... eh... kung sino man po ang nakatira dito sa bahay na 'to... pagpasensyahan nyo na po kami at hindi po namin sinasadya na magambala kayo.... aalis na po kami..." - sabi ni Shane na may halong nginig pa ang boses.
Wala kaming napansing kakaiba matapos humingi ng paumanhin si Shane.... Sobrang tahimik pa din ang buong paligid... halos mag - aalas onse na din ng gabi.... nakikiramdam pa din ang lahat, hinga at kabog sa dibdid ang tanging naririnig namin... maliban pa sa mga insekto sa paligid. Ilang minuto pa ang aming inantay... tahimik pa din ang buong paligid.......
"Mukang tinanggap nya yung pakiusap nyo....." Tara na mga taga - Maynila lumalalim na ang gabi" - ang basag ni kuya Kaloy sa katahimikan naming lahat.... Wala ni isa sa amin ang umimik pa... Hanggang sa mapagpasyahan na naming lisanin na nga ang nasabing bahay....
Habang unti - unti kaming papalapit sa pinto... ang lakas pa rin ng aming kaba at punong - puno pa din kaming lahat ng takot.... mukang nagmamatapang lang si kuya Kaloy, pero mababakas mo din sa mukha nya ang takot..... halos hindi na kami naghihiwalay sa pagkakapit sa isa't -isa... hanggang sa marating na namin ang pintuan.... pikit mata itong binuksan ni Kevin.... lumangitngit na ang pintuan..... dahan - dahan naman itong nagpabukas.... hanggang sa tuluyan na nga itong nabuksan.... wala nang sabi sabi pa at... kumaripas na kaming lahat ng takbo papalayo sa bahay... wala nang naglakas loob pang lumingon, ang tanging nais lang ng lahat ay makalayo at makalabas na sa loob ng kakahuyang 'yon.....
Ilang minutong takbuhan pa ay narating din namin ang bungad ng Barrio ng San Isidro, parang nabunutan kaming lahat ng tinik sa dibdib.... unti - unti na ding nawawala ang takot at pangamba ng lahat..... "Haixt.... salamat nakalabas na din tayo sa kakahuyan!...." - tuwang sabi ni Kevin na humahangos pa dahil sa pagod. "Mabuti na lang at nakinig sa paki - usap ni Shane yung may - ari ng bahay na yun..." dugtong pa ni Marco...
"Nay Marthaaaaa.... Nay Marthaaaaa......" pagtawag agad ni kuya Kaloy. "Anong nangyari sa inyo?! at bakit humahangos kayong lahat??? Kaloy.. anong nangyari????" ang tanong agad ng matanda.... "Nakoooo po Nay Martha.... napaglaruan kami sa gubat... napadpad kami sa may abandonadong bahay sa gitna ng kakahuyan! dun ho sa bahay nila Esper..." - sagot ni Kaloy kay Nay Martha.. "Sa hindi nga ho maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang kaming napunta sa mismong loob ng bahay na'yon." - dagdag pa ni Kuya Kaloy. "Salamat naman sa D'yos at nakabalik kayo dito at hindi na lubos pang napahamak... kaya mas paigtingin ninyo ang inyong pag - iingat lalong - lalo na kayong mga taga - Maynila.." pangambang sambit ni Nay Martha sa'min.
Pagkatapos mag - ayos at magpalit ng damit ang lahat... nagtungo na kami sa may kusina upang kumain.... gutom na gutom na kami dahil na din sa mahabang takbuhan at dala na din ng matinding takot na naranasan.... walang imikan sa lamesa... kain lang ng kain ang lahat... nang makatapos na kami... "Maya - maya ay magpahinga na din kayong lahat" sabi ni kuya kaloy... "H'wag nyo nang pagkaisipin pa ang mga nangyari kanina... masisira lamang ang bakasyon nyo dito sa'min... bukas ng umaga... marami pa tayong pupunthang magagandang tanawin dito sa aming baryo." - dagdag pang muli ni kuya Kaloy.
Nagtungo sa may veranda sina Shane at Harvey para mag - yosi muna... Umabot na sa halos limang kasa sa lighter nya si Harvey bago nya nasindihan ang sigarilyo. Para bang may sadyang pumapatay ng apoy nito. Kinilabutan si Harvey, naalala ang mga pangyayari kanina lamang. Mabilis nilang inubos ang kanilang sigarilyo at dumiretso na agad sa aming kwarto. Malamig naman ng gabing 'yon at tahimik sa buong paligid... tanging mga kulisap at kuliglig lamang ang maririnig mo.... "Mga boy! malamig nga pero malamok....( pak!)" - sabi ni Kevin sabay hampas sa sariling braso nito. "Magbalot ka na lng ng kumot Kevin!" sabi ko naman sa kanya... Nahiga na nga kaming lahat at pilit na inaalis sa isip ang mga pangyayari kanina.... ramdam kong hindi makatulog ang karamihan sa 'min.. dahil ikot lang din sila ng ikot sa higaan.... marahil gaya ko... hirap pa din silang dalawin ng antok...
BINABASA MO ANG
Katol
HorrorIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...