Lima kame sa barkada... si Harvey magaling at mahusay sa maraming bagay lalo na sa computer, pero malakas kumain, si Marco naman masayahin yung tipong kahit simpleng bagay ay masaya na siya at halos hindi kakikitaan ng problema. Tuso at maloko naman si Kevin, malakas gumawa ng mga trip o kalokohan, si Shane, matangkad, maabilidad at maparaan, at syempre ako nga pala si Paolo, tahimik, malalim mag-isip at may pagka mainitin ang ulo paminsan - minsan. Ang pinaka halos every other day bonding namin ay ang pag - inom! hahaha... Magkakaiba man ang aming mga trip... pero may common denominator kame, ang gusto namin ay puro saya, kalokohan at maraming adventures. Minsan napag - usapan namin na magpunta naman sa isang lugar na hindi pa namin nararating para nga mas makahanap pa ng maraming adventure, at hindi nga nagtagal napagdesisyunan na namin na magpunta sa Quezon Province... wala ni isa sa amin ang may kakilala sa lugar at sa mga tao doon, dahil nga gusto namin ng bago at kakaibang adventure... sugoooood! at nagtungo na nga kaming magbabarkada sa probinsiya ng Quezon. Mag - aalas syete pa lang ng umaga ay umalis na kame dahil sa hindi pa namin alam ang aming patutunguhan at baka magkaligaw - ligaw pa kami sa daan, mahirap nang abutin ng dilim sa kalsada. Sa biyahe pa lang nakakalokohan na ang barkada, si Shane ang driver namen ngayon, " Andaya nyo naman nag-iinom na kayo jan!" banat ni Shane, dahil nga kaming apat ay nag - iinom na sa loob, at dahil siya ang driver... hindi siya pwede uminom.
Halos anim na oras na kaming paikot - ikot sa daan... hindi pa kame makahanap ng lugar na maari naming matuluyan.... Alas tres na ng hapon... napadpad kame sa isang masukal na bahagi ng highway... nakakapagtaka lang dahil kani - kanina lang ay nasa highway pa kami at ngayon halos puro puno at at halaman na nasa paligid namin.. sa totoo lang hindi na namin alam ang daan... "Hoy Shane!" sigaw ni Harvey, "Nasaan na tayo? andami na nating napagtanungan pero paikot - ikot lang tayo..." tanong ni Harvey... "Oo nga pre! ang sakit na ng pwet ko kaka - upo dito!" banat ni Kevin... "Ayan na nga ba sinasabi ko eh! nawawala na tayo!" - ang sabi ko naman sa kanila... medyo nababad trip na si Paolo dahil sa haba na ng inikot nila.. Si Marco naman parang wala lang... - "Guys! adventure ang hanap natin diba?! eto na yun!!!" tanging banat ni Marco... "Hindi ko din alam mga boy! pare parehas lang tayo na walang idea kung saan pupunta, buti nga kayo medyo tipsy na ng alak, eh ako... na -tipsy na ng manibela!" sagot ni Shane.
Alas - singko na ng hapon... nawawala pa din kame, hindi pa din namen nakikita yung sinasabing bahay na maari naming maupahan para sa bakasyon namen... Pakiramdam ko ang layo - layo na namen sa bayan dahil halos wala na kame nadaanan pang mga bahay.. parang nasa loob na kame ng isang gubat, masukal pa din ang kinalalagyan namen, puro puno, halaman at bundok na lang ang makikita mo. Tahimik na din sa paligid... mga tunog na lang mula sa kagubatan ang naririnig namen... huni ng mga ibon, at kung anu - ano pangmga insekto. Patuloy pa din kame sa pagbaybay sa daan, hanggang bigla na lang huminto ang aming sasakyan...
BINABASA MO ANG
Katol
TerrorIsang kakaibang kuwento na kung saan bubuksan ang iyong isipan at kamalayan sa mga simpleng bagay na akala natin ay wala lang.... pero maaari din pa lang magkaroon ng kababalaghan, kaya mag - iingat sa mga bagay na gagamitin mo... dahil baka magdulo...